Chapter 59 Ilang araw na lang ay aalis na si Bryan para pumunta sa Canada, para sa kanilang lahat ang pag-alis ni Bryan na iyon ay malaking kawalan lalo na rin sa kumpaniya. Isa siya sa pinaka-magaling sa larangan niya,kaya malaking kawalan ang pag-alis niya. Pero mag-kagayon man ay magiging malaking tulong naman siya sa branch sa canada lalo na at nanga-ngailangan sila ng katulad niya na talentado at may alam pag-dating sa kaniyang trabaho. Bilang parehas si Cedrick at Samantha na kaibigan ni Bryan ay mahirap pa rin para sa kanila na tanggapin agad ang naging desisyon ng kaibigan nila,pero kung ito ay ikasasaya naman nito ay wala silang balak na pigilan pa. Sabay-sabay nila inalala ang mga araw na mag-kakasama pa sila.Ipinatwag ni Cedrick ang lahat sa meeting hall para pag-usapan ang ila

