"Miss, isang lapad nga po ng biogesic at isa ring lapad ng advil forte," sambit ko sa counter at naglabas ng isang libo. "Iyon lang po ba?" Tumango ako. Kinuha naman agad nito ang mga sinabi ko at inilagay sa isang plastic container at inilapit sa akin. Nilagay ko ro'n ang bayad ko at kinuha na ang mga gamot, pinasok ko na rin ito sa bag ko at nagmadali na sa pagkuha ng sukli. Lakad takbong pumasok ako ng university dahil tawid kalsada lang nito ang pharmacy na pinuntahan ko. Medyo maaga pa para ma-late kaya naisipan ko munang dumiretso sa field, sa dulong parte nito para doon uminom ng gamot at magpahinga nalang muna. Mukhang hindi ko kakayaning makinig sa mga lessons namin mamaya kung ganito ang lagay ko. Kailangan kong gumaling agad dahil hindi ito ang oras para magsakit. Kaka

