Imbis na pauwiin o ihatid ni Tres sa bahay namin ay sinabihan niya akong manatili nalang muna ngayon dito sa hospital dahil pupunta rin naman daw dito ang kaibigan ko, which is si Maddi. Pero nagpumilit ako kanina, ang kaso wala akong masiyadong lakas para makipagtalo kaya ang ending, siya ang nasunod. Marami siyang kausap sa cellphone niya habang ako ay nakahiga lang sa malambot na hospital bed. Iniisip ang kalagayan ngayon ng mga kapatid ko. Paniguradong magtataka sila kung bakit wala pa ako sa bahay ngayon, alas singko na at ang uwi ko galing campus ay mga ganitong oras, nagluluto na sana ako ngayon para sakanila, pero nandito ako at nanghihinang nakahilata. Nasaan ka na ba, Madz? Ang tagal mo. Kausap ko sa sarili ko. Nabuburyong na ako rito dahil hindi kami nagkikibuan ni Tres.

