T-Thunder Lui Moroco? Isa siyang Moroco? Kaano ano niya si big boss at si Mr. Thadron? Gulat na gulat akong napatingin sakanya. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil sa pagkabigla. Bakit ba pinapalibutan ako ng angkan ni Tres? Anong meron? "What's wrong? You finally recognize me?" Napakurap kurap ako bago tumikhim. "Sorry, nabigla lang po. Pero ngayon ko lang narinig ang pangalan niyo, hindi ko talaga matandaan na nagkakilala na tayo, pasenya na–" "No need to apologize, sweety. I'm just trying to catch you," natatawa niyang sambit. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng coat niya at mariin akong tinitigan. "Do you want me to accompany you inside now? 15 minutes lang pwedeng manatili rito ang isang pasyente, and your time is up." Tumingin

