CHAPTER 21

2209 Words

Halos dalawang oras din akong naghintay kay Midel at Maddi na makauwi. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at inabot sila nang gano'n katagal, hindi naman siguro traffic dahil wala pa namang rush hour. Alas dos na ng hapon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Bumungad doon si Midel na wala sa mood at blangko lang ang tingin. May bitbit siyang ilang plastic ng prutas at inilapag iyon sa lamesa. "Saan kayo nagpunta?" Pumasok muna siya ng kwarto at kumuha ng mga damit. "Diyan lang," tipid na sagot niya. "Anong diyan lang? May lugar bang gano'n?" Nagpalit siya sa mismong harap ko ng damit at nilagay na sa loob ng maliit naming washing machine ang kaniyang pinagbihisan. "Huwag ka na magtanong, magpahinga ka nalang. May binili akong mansanas dito, gusto mong ipagbalat kita?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD