It's Monday. Nagising ako ng sobrang aga dahil ewan ko ba, nakaramdam ako ng excitement sa pagpasok. Parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon at good mood ako paggising. Wala pa ngang araw noong nagising ako kaya naisipan kong lumabas na muna ng bahay at mag-abang ng tindero ng pandesal diyan sa kanto. Binitbit ko ang cellphone na bigay ni big boss dahil gusto ko ring i-check kung may text ba siya. Nagsuot lang ako ng manipis na jacket dahil medyo malamig pa sa labas. Ber months na kaya naman manginginig ka kung wala kang proteksyon sa lamig lalo na't alas kwatro pa lang ata ng umaga. Madilim at kahol ng mga aso pa lang ang naririnig ko ngayon, meron namang ilang bahay na bukas na ang ilaw, ibig sabihin ay mga gising na. Ginamit ko ang dala kong cellphone bilang flashlight at lu

