Natapos ang isang linggong suspension namin at balik na kami sa campus.
Lunes ngayon at nakahanda na ako. Hinihintay ko nalang si Madz dahil sabay na kami sa pagpasok.
Napatingin ako sa orasan sa suot kong lumang relo at 20 minutes nalang ay male-late na kami.
Nasaan na ba 'yun at ang tagal? Naiinip na himuktol ko sa utak ko.
Nag-antay pa ako ng halos limang minuto hanggang sa mag-vibrate ang cellphone ko at nakita ang text ni Maddi na hindi raw siya makakapasok dahil masama ang kaniyang pakiramdam.
Nag-alala naman ako kaya sinabi kong magpagaling siya. Matapos no'n ay sumakay agad ako ng jeep dahil ayokong masaraduhan ng gate sa campus.
Pupuntahan ko nalang siya mamaya sakanila at dadalhan ng pagkain. Tuwing nagkakasakit pa naman ang isang 'yon ay walang nag-aalaga sakanya dahil walang pake sakanya ang mga nandoon sa loob ng kanilang pamamahay.
Parang ako nalang ang natitirang pamilya ng kaibigan ko.
Saktong pagtunog ng bell ay nakaupo na ako sa loob ng classroom at hinihintay nalang si panot na pumasok para magturo.
At tulad ng lagi niyang nakagawian, malakas niyang binagsak ang mga sinagutan naming papel last week na sa tingin ko ay na-check na niya.
"I will be calling names, kapag natawag ko kayo, get your papers here infront!"
"Mayabang!" Sigaw niya sa harapan.
Nagkatinginan ang mga kaklase ko dahil wala namang gano'ng pangalan ang nasa loob ng klase.
Kahit apelyido ay wala.
"Mayabang, come here now!" Ulit pa niya.
"S-Sir, wala pong mayabang dito-"
"Anong wala?" Taas kilay pa nitong tanong.
"Si Ms. Levetri ang tinutukoy ko, mayabang ang pangalan niya dito sa loob ng klase ko."
Nagtawanan ang mga kaklase kong may saltik sa utak habang nakatingin sa akin.
Walang emosyon ko lang silang tinignan at tumayo.
What's funny about that? Napaka corny mag joke nitong poknat na 'to, sarap sapakin.
Naglakad ako papunta sa harapan para kunin ang papel ko. Akmang aabutin ko na sana iyon nang ilayo ito sa akin ni Professor Panot.
"You're really smart, Levetri. Too bad, hindi ko gusto ang ugali mo," bulalas pa niya bago ito tuluyang ibigay sa akin ang papel.
Nakita ko ang perfect score sa taas ng pangalan ko.
Malamig ko siyang tinignan at kinalaunan ay nginisian.
"Nandito ho ako para mag-aral at makapagtapos, hindi ako nandito para magustuhan niyo," sagot ko.
Narinig ko ang singhapan ng mga nasa likod ko.
Nandito na rin lang at ininsulto na niya ako, edi sagutin ko na siya. Wala akong balak na magpa-impress sakanya para lang magustuhan. Bulag ata siya at hindi niya makita ang ugali niya.
Mukhang kulang sa aruga ang professor na 'to. Napaka toxic, palibhasa sipsip kay dean.
"Bastos ka nga talaga. Go back to your seat!" Nanggagalaiting utos nito sa akin.
Bumalik ako sa upuan ko at hindi na muling nagsalita. Pasaring siya ng pasaring sa akin habang nagdi-discuss sa harap. Wala man ang mata ko sakanya ay nakikinig pa rin naman ang mga tenga ko.
Mainit talaga ang dugo niya sa akin, palibhasa ako lang ang nakakagawang mag cutting class sa oras niya.
For a good and reasonable reasons naman. Hindi ako magc-cutting class dahil sa gusto ko lang.
Iyon ang mahirap intindihin para sakanya. Tapos kinakampihan pa ng mga sipsip din niyang estudyante. Palibhasa pinanganak silang may gintong kutsara na sa bibig.
Kung sila siguro ang nasa kalagayan ko, malalaman nila kung anong hirap ang dinaranas ko sa pag balanse ng pag-aaral at pag-alalaga sa pamilya ko.
Wala silang alam kaya panay nalang ang kanilang tawa kapag ako ay nasasabon ni panot.
Natapos ang buong tatlong oras ng pagtuturo niya at break time na. Nanatili nalang ako sa loob ng classroom at hindi na nag-abala pang pumunta sa canteen.
Hindi pa naman ako nagugutom kaya nagbasa nalang ako ng libro at tinext si Maddi. Kinamusta ko ang lagay niya at sabi niya ay nahihilo daw siya.
Bilhan ko na rin daw siya ng gamot mamaya kapag uwi ko at idaan sakanila which is 'yun naman talaga ang gagawin ko.
Kung pwede ko lang kupkupin na 'yon sa bahay, gagawin ko, kaso siya ang may ayaw. Matigas talaga ang ulo at ma-pride.
Wala pa ako sa kalahati ng binabasa ko nang sumulpot si Paulo sa corridor namin at kinawayan ako sa labas.
Kunot noong nilapag ko ang binabasa kong libro at pinuntahan siya.
"I didn't see you on the cafeteria, kaya naisipan kong dalhan ka ng snacks dito. Here," inabot niya sa akin ang isang blueberry cheesecake at isang pineapple juice.
"Hindi ako pumunta do'n dahil hindi naman ako gutom. Sa'yo na 'yan, Paulo. Pagkakaguluhan lang ulit ako ng fans mo kapag nakita ka nila dito."
Napakamot siya sa ulo, "I'm sorry about that, Asther. I really am," he looks very sincere.
"Siguro huwag ka munang dumikit sa akin, Paulo," wika ko at matamlay siyang nginitian.
"What? No way! I didn't do anything to you, right?"
Ikaw wala, pero ang fans mo, sobrang dami na. Gusto ko 'yan sabihin sakanya pero pinigilan ko dahil magmumukha lang na sinisisi ko siya.
"Madami na akong problema, ayoko na sanang dagdagan pa," halata ang pagod sa boses ko.
Kinuha ko ang inaabot niya sa akin.
"Kunin ko na 'to, bilang remembrance sa huli nating pag-uusap. Sorry din, Pau. Hindi ka talaga dapat nakikisalamuha sa tulad kong mababa, sige na bumalik ka na doon," bulalas ko at nginuso ang mga barkada niyang nag-aantay sa 'di kalayuan.
"But, Asther–"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran na siya. Bumalik ako sa upuan ko at malalim na bumuntong hininga.
It's for the better. We can't be lovers nor friends, maraming makikitid ang utak dito at hindi nila ako titigilan kung panay ang dikit ko kay Paulo, kahit ang totoo at siya naman ang lumalapit sa akin.
I need to focus on my personal problems. Especially, kailangan ng i-therapy ang inay. Sa gastusin ko nalang muna itutuon ang atensyon ko. Kesa sa ibang bagay na wala namang kwenta.
Umalis si Paulo sa harap ng classroom namin na malungkot ang mukha. Nakonsensya ako dahil mukhang naging harsh ako sakanya kahit panay kabutihan ang pinapakita niya sa akin.
Pero kase...
Kailangan ko talagang palayuin siya.
It's for his sake too.
Naging maayos naman na ang buong maghapon ko at laking tuwa ko pa nga nang hindi pumasok si Professor Amy na siyang last major sana kaya maaga pa lang ay pwede na kaming umuwi.
Dumiretso muna ako sa botika at binilhan ng isang lapad na biogesic si Maddi. Bumili na rin ako ng lutong pagkain para sakanya.
Saktong pagbaba ko ng jeep sa kanto ay nakita ko siyang matamlay na naglalakad at nakasuot pa ng jacket.
"Madz!" Pukaw ko sa atensyon niya.
Lumingon siya sa akin at napalabi.
"Anong ginagawa mo dito? Pupuntahan na sana kita sa inyo, eh."
Suminghot siya, "Mas sumasakit ang ulo ko doon. Panay ang sermon na bruhilda. Ang iingay pa nila kaya hindi ako makatulog, ba't ang aga mo?" Paos pa ang kaniyang boses.
"Walang prof na pumasok, tara nga muna sa bahay!" Inalalayan ko siya papunta sa amin.
Pinahiga ko muna siya sa higaan ko at mabilis na kinumutan.
"Kumain ka na at uminom ng gamot, o gusto mo munang matulog?"
"Mamaya na, Dem. Gisingin mo nalang ako, bibigay na mga mata ko," sagot niya.
"Sige, magluluto na rin muna ako."
Inayos ko muna ang mga pinamili ko at nagsimula na sa gagawin.
Maya maya lang ay nagsi-datingan na sila Johann at Brinella. Nagtaka sila kung bakit nandito si Maddi kaya pinaliwanag ko naman sakanila.
Sinabihan ko rin sila na asikasuhin siya mamaya kapag papasok na ako sa trabaho dahil hindi ako pwedeng um-absent.
Kailangang kailangan ko ng pera ngayon dahil paubos na ang tinatago kong halaga sa damitan ko. Sa therapy ni nanay, baka isang session lang ay ubos na 'yun.
Ito ang unang beses na hindi ko makakasama ang kaibigan ko sa pagsayaw sa Hades. Nang makarating ako doon ay sinabi ko naman kay Mamshi ang kalagayan ni Maddi. Naintindihan naman nito kaya sinabing galingan ko nalang daw sa pag perform.
"Huwag kang papalpak, okay? Kakadating lang ni big boss, nandiyan na sa taas. Baka manood siya mamaya sa inyo, ayokong mapahiya."
Nanigas ako dahil sa narinig at napalingon sakanya.
"K-Kelan po dumating?"
"Kanina lang din. Sige na, magsi-kilos na kayo! Oh, ikaw, huwag mong kakalimutan ang maskara mo, ha?"
Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa tindi ng kaba ko ngayon.
Maaaring hindi nga niya ako tinanggal sa trabaho, pero alam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ko noong gabing 'yon.
Napapikit nalang at halos i-untog ko na ang sarili ko sa pader mawala lang itong kaba ko.
Sh*t talaga, Asther! Sunod sunod na kamalasan.
Ang costume namin ngayon ay isang lingerie style top na kulay puti at isang midwaist short na nakapagpalitaw ng aking pusod. Wala akong problema sa suot dahil malinis ako sa katawan kaya walang nakakahiya kung makita man nila ang pusod ko.
Ang bumabagabag lang talaga sa akin ngayon ay si Mr. Moroco.
Sana huwag siyang manood. Sana talaga huwag! Baka hindi ako makapag concentrate mamaya sa labas, hindi pwede. Kailangan ko ng pera, ayoko siyang maging distraction dahil baka walang mag-tip sa akin kapag hindi ko magalingang sumayaw mamaya.
Please naman... Sana umayon sa akin ang tadhana. Kahit ngayon lang!
Pinalabas na kami mga alas diyes ng gabi, kung kelan kasagsagan na ng tao sa loob ng bar.
Agaw pansin agad ako sa mga customers dahil ako lang ang natatanging nakasuot ng mask.
Nagsimulang magpatugtog ang DJ kaya agad kaming nagsi-hawak sa kanya kanyang stand pole.
Like my usual routine. I did the same moves. Wala namang bago, parang sinasayawan mo lang ang pole sa harap mo.
Tumalikod ako at sumandal doon, tinaas ko ang dalawa kong kamay at pinagpatong ito sa itaas ng ulo ko habang pinapadausdos ang pwet ko sa malamig na bakal. Habang ginagawa ko iyon ay ginagala ko naman ang mata ko at hinahanap kung nasaan siya.
Tumingin ako sa dati nilang pwesto ngunit wala siya roon. Tumingala ako para tignan ang nasa taas at wala rin siya doon.
Hanggang sa matapos kaming nag-perform ay wala akong nakitang imahe niya.
Pababa na sana ako ng stage nang may humila sa kamay ko kaya imbis na sa hagdan ako bumaba ay nahulog ako sa hindi kataasang stage at sinalo no'ng humila sa akin.
Nagsigawan ang mga tao sa tuwa nang gawin iyon ng lasing at amoy alak na customer.
Mabilis akong lumayo sakanya at maglalakad na ulit sana pabalik sa likod nang harangin naman ako ng isa pa.
"Teka lang, Miss. You're not in a hurry, are you? You can still entertain us–"
"I'm sorry, sir. Hindi po ako tume-table," hinging paumanhin ko.
They have the good looks, but I don't feel good about their stares, especially on my body.
Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko.
"Why not? We can give you more tips, uupo ka lang naman sa tabi namin," sabat nung isa sakanila at hinawakan ako sa braso.
Tinabig ko iyon at sinamaan siya ng tingin.
"Sorry, hindi po talaga pwede!"
"I'll tell your manager," panakot pa nito sa akin.
"You can do that, sir. Pero dancer lang po talaga ako rito at hindi prostitute."
Pilit kong iniiwasan ang mga kamay nilang gusto akong hawakan.
"Huwag ka na ngang pakipot–"
"Are you forcing my woman now, Jayvee?"
Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod niya. Nanginig agad ang kalamnan ko nang marinig ang boses na 'yon. Pati na rin ang iba ay natigil sa mga ginagawa at napatingin sakanya. Kahit ang DJ ay hininto muna ang malakas na tugtog.
It's him...
The big boss is here!
Nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin.
Jayvee? So, kilala niya ang mga 'to?
"Oh, hello, my dear cousin!" Akmang yayakapin niya si big boss nang kuwelyuhan siya nito at malamig na tinignan.
"Answer me, asshole. Are you forcing her?"
Halata ang galit sa mata niya habang tinatanong ito.
"N-No," nasasakal na sagot nito dahil sa pagkaka-kuwelyo sakanya, "I promise, cousin! I'm not!" Ulit pa nito nang hindi pa rin siya bitawan ni Mr. Moroco.
Nang makitang namumula na ang lalakeng tinawag niyang Jayvee ay agad na akong pumagitna.
Baka mapatay pa niya 'to at kargo de konsensya ko pa.
"S-Sir, bitaw ho," hinawakan ko siya sa kamay at pilit na hinihila sa pagkakalakumos niya sa kwelyo nito.
Wala kaseng ibang nagtatangkang pigilan siya. He's killing him so kailangan ko nang makialam. Tutal ako rin naman ang dahilan nito.
"Get out here, Ms. Levetri. Wait for me outside," he said in a cold tone.
Kumunot ang noo ko, "Pero–"
"Now!" Salubong ang kilay na asik nito sa akin kaya nahihiyang umalis ako sa kumpulang iyon at lumabas ng kaniyang bar.
Dumiretso ako sa parking lot at problemadong napahilamos sa mukha.
Nakagawa pa ako ng eksena! Ano nalang ang iisipin nila Mamshi at ng ibang dancers dahil sa kahihiyang ginawa ko sa loob.
Jusko naman! Baka this time, matanggal na talaga ako bilang dancer. Knowing na tinawag pa niyang pinsan si big boss. Nalintikan na.
May imamalas pa ba ako? Please, isagad niyo na!