Sabado, Linggo, Lunes, tatlong araw na sunod sunod akong hindi pumasok sa Hades.
Nagtataka na si Maddi dahil panay lang ang text ko sakanyang masama ang pakiramdam ko at hindi ako makakapasok. It's been three days since that happened, pero hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang ginawa at in-offer sa akin ni Mr. Moroco.
Siya lang ang unang nakahalik sa akin. Siya lang din ang kauna-unahang nakahaplos sa katawan ko. Hindi ko gusto ang naramdaman ko nang gabing 'yon at hindi ko rin nagustuhan ang mga katagang lumabas sa bibig niya.
Nainsulto ako dahil parang binibili lang niya ang puri ko.
A wedding is very sacred, hindi 'yan nabibili lang ng kahit anong salapi. Pagmamahalan ng dalawang tao ang puhunan no'n, pero mukhang para sakanya ay pera pera lang.
Nagsinungaling ako kay Madz para lang hindi makapasok dahil ayoko pang makita ang isang 'yon.
Pagkatapos kase niyang sabihin ang offer niya sa akin ay agad ko siyang tinulak at tinanggihan. Lumabas ako ng VIP room at iniwan siyang mag-isa sa loob.
Kaya hindi na rin ako pumapasok dahil baka tanggal na rin naman ako sa trabaho. Ayoko ring ma-osyoso ng kaibigan ko dahil alam kong magtatanong lang siya sa kung anong nangyari sa kwartong iyon.
Martes na ngayon at wala pa rin akong balak pumasok mamayang gabi. Nagsisimula na rin akong maghanap ng iba pang part time dahil natanggal nga ako sa una kong trabaho.
"Bakit hindi ka na ata pumapasok, Ate?"
Kasalukuyan kaming kumakain ni Brinella ng almusal nang maitanong niya 'yon sa akin.
"Suspended ako ng isang linggo," simpleng sagot ko sakanya.
Kaming dalawa nalang ang nandito sa bahay dahil maagang pumasok si Johann at Midel. Wala namang pasok si Bri dahil may meeting daw ang kanilang mga teachers.
"Bakit?"
Uminom muna ako ng kape bago sumagot, "Napaaway. Huwag mong sasabihin kay nanay, maliwanag?"
Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
Nahatiran ko na ng pagkain si nanay kanina pang umaga. Dadaan naman doon si Midel mamayang tanghali at sa gabi ay mukhang ako nalang ang magbabantay. Tutal wala rin naman akong gagawin.
Magsisinungaling nalang ulit ako kay Maddi. Hindi pa ako ready sabihin sakanya ang nangyari. Tsaka nalang siguro.
Sa ngayon ay iisipin ko muna kung anong sunod kong gagawin para makahanap ng bagong pagkakakitaan. Hindi na ako mage-expect na dancer pa rin ako sa Hades matapos kong tanggihan ang may ari no'n.
Napabuntong-hininga ako.
Nanatili ako maghapon sa bahay at naglinis linis. Lahat ng pwedeng linisin ay ginawa ko na, pinagod ko ang sarili ko sa pagliligpit at pag-aayos para kung sakaling makalabas na ng hospital si nanay ay may malinis siyang uuwian.
Puro alikabok na rin kase ang kisame namin.
Hanggang sa sumapit ang alas kwatro ng hapon at nakita ko si Maddi sa labas ng bahay, nakatambay kase ako sa may bandang bintana namin at naghihimay ng malunggay nang makita ko siya.
Kumatok siya sa pinto namin at sinigaw ang pangalan ko.
"DEMMM!" malakas na sigaw niya.
Dali dali ko naman itong binuksan. Nakapamewang na bumungad siya sa akin at nakataas pa ang kilay.
"Ano 'yon, Madz?"
Pumasok siya sa loob ng bahay at naupo sa kaninang pwesto ko.
"Ba't parang nagtatago ka?" Tanong niya at mariin akong tinignan.
Napakunot noo naman ako at tumabi sakanya. Kinuha ko ang malunggay na hinihimay ko kanina at tinuloy.
"Pinagsasabi mo?" Inosenteng tanong ko pabalik sakanya.
"Ang sabi mo sa akin noong sabado ay masama ang pakiramdam mo, ba't sinabi ni Bri na nakasalubong ko diyan sa labas e nag ge-general cleaning ka raw?"
"Hindi ba pwedeng ayos na ako at kaya ko nang gumalaw?"
"Edi makakapasok ka na mamaya-"
"Hindi pa rin. Tsaka mukhang aalis na ako doon, Maddi," putol ko sakanya.
Nakita ko ang pag-seseryoso ng mukha niya. Hindi ganito ang inaasahan kong reaction niya. Akala ko ay maghi-hysterical siya.
"Bago ako magtanong kung anong reason ng pag quit mo, sure ka na ba diyan? Kase malaki rin ang kita mo doon, paano nalang ang gastusin niyo?"
Yumuko ako at nalungkot.
Tama nga siya, paano ang gagastusin ko sa hospital at dito sa bahay kung wala na akong trabaho, pero hindi ko kase talaga alam ang gagawin ko.
Paano kung nagkita ulit kami? Anong sasabihin ko? O-offer-an kaya niya ulit ako? Papagalitan? Hihiyain?
Kase isang hamak na pole dancer lang ako at may kapal pa ako ng mukhang tanggihan siya.
Parang ang hipokrita ko sa parteng 'yon. Baka naapakan ko rin ang ego niya kahit hindi ko naman gustong mauwi sa gano'n.
Kasalanan din niya dahil kung bakit bigla bigla nalang siyang mag aalok ng napaka impossibleng bagay para sa akin. Mayaman siya, gwapo, influential, a hot bachelor...
Kayang kaya niyang kumuha ng babaeng mas maganda at mas willing na tanggapin ang offer niya. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nasa utak niya at ako pa ang napili.
"Ang sabi ni Sir Finn noong isang araw, siya muna raw ang boss sa Hades. Nag out of town ata si Sir Tres at may inaasikaso tungkol sa pamilya niya," dagdag pa ni Maddi.
Bigla akong nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya.
So, wala siya sa bar?
Pwede pa akong pumasok hanggat wala siya, kailangan ko lang malaman kung tinanggal ba niya ako or hindi. Nag decide agad ako na papasok ako mamayang gabi kaya tuwang tuwa si Maddi dahil may makakasama na ulit siya.
Wala raw kase siyang ka-close sa ibang dancers at mga inggetera raw ang nandoon, hindi niya bet ang mga awra.
Alas otso ng gabi habang nag-aayos ako ng sarili ay nakatanggap ako ng tawag mula sa hospital.
Kinailangan daw nilang turukan ng pampatulog si nanay dahil hindi ito makatulog at panay raw ang iyak.
Walang cellphone si Midel na siyang pinagbantay ko ngayon doon. Kaya siguro ang hospital mismo ang kumontak sa akin.
May mga araw talaga na gano'n siya. Umiiyak nalang bigla at kung tatanungin namin kung bakit ay hindi siya sumasagot.
My mother's condition is getting worst. Kaya hirap talaga akong mag desisyon agad agad kung aalis ba sa pinagta-trabahuan ko ngayon dahil iyon nalang ang tanging source of income ko.
Mabigat man ang loob na pumasok ngayon ay wala na akong choice dahil nag text na si Madz na kanina pa raw siya naghihintay sa labas.
Tulad nang nakagawian namin ay dumiretso kami sa dressing room at agad na nagpalit ng susuotin para sa performance namin. Anim lang kami ngayong gabi na sasayaw at magpapasaya kuno sa mga customers.
Nagtaka lang kaming dalawa nang abutan ako ng isa sa mga bouncer dito ng isang gold maskara. Isuot ko raw ito, utos ni Sir Finn.
"Anong meron? Ba't ikaw lang ang binigyan? Sa pagkakaalam ko walang finale ang naka schedule ngayon," takang tanong ni Maddi.
"Ewan ko nga rin," nagkibit-balikat ako. "Baka nauna lang akong bigyan?"
"No, iha. Ikaw lang talaga ang meron niyan."
Napalingon kami kay Mamshi nang sumulpot siya sa likod namin. Hawak ang malaking pamaypay niya ay naglakad siya palapit sa akin.
"Utos 'yan ng big boss, mukhang ayaw niyang ma-display ang mukha ng ating Ms. Finale," bulalas niya at malisosyong nginitian ako.
Napatingin ako kay Maddi at napangiwi.
Ibig sabihin, hindi pa ako tanggal?
Parang may natanggal na mabigat na bagay sa dibdib ko at nakahinga ako ng maluwag.
"Naks naman! Kapag kaya naging finale ako ay may pa maskara din si bb?"
"Sinong bb?"
"Ang slow mo naman, friend! Si big boss, in short, bb! Ano ba 'yan, halika na nga!"
Natawa nalang ako at naging maganda agad ang mood ko. Naghiyawan ang lahat nang magsimula kaming sumayaw. At dahil masaya akong malaman na may trabaho pa rin ako ay ginalingan ko sa paggiling.
Hindi ko na inisip pa kung bakit hindi niya ako tinanggal kahit pa dinecline ko ang alok niya.
I swayed my hips and raised my hands while dancing slowly. Naglambitin ako sa pole stand at nagpadausdos ng dahan dahan.
I'm getting used to this kind of dancing. Dancer kase ako noon pa man, kaya madali nalang sa akin ang maka adopt ng bagong klase ng pagsasayaw.
Hindi man gaya ng nakuha kong tip noong nag finale ako ang nakuha ko ngayon ay malaking halaga pa rin sa akin ito.
I smiled when the manager of this club gave us our salary plus the tip. Iba ang manager sa tinatawag naming Mamshi, siya lang ang nakatoka sa dancers.
Pinadala na rin niya sa akin ang isang whole face maskara na kulay itim at kulay gold. Lagi ko na raw itong susuotin kapag sasayaw ako. Huwag ko raw kakalimutan dahil mahigpit na utos ito ni Mr. Moroco.
Confused man dahil doon ay hindi ko nalang pinansin. I'm fine with it though, mas magiging komportable na akong sumayaw dahil walang makakakita ng buong mukha ko at walang makakakilala sa akin.
My real identity will be safe.
Nakauwi ako sa bahay ng mga alas dose na ng madaling araw. Nag half bath lang ako bago matulog.
Kinabukasan ay nagpunta ako ng hospital dahil ako ang magbabantay maghapon kay nanay, ang mga kapatid ko naman ay magsisi-pasok sa eskwelahan.
Tutal ay wala din naman akong gagawin sa buong araw at gabi pa ang pasok ko sa Hades. Kakausapin ko na rin ang doctor at tatanungin kung ano na ang kalagayan ni inay, kung okay na ba siyang ilabas o mas magandang doon muna para mas ma-obserbahan.
"Your mother's body was not fighting anymore, Ms. Levetri. We should undergo her into a therapy first then if kaya na ng kaniyang katawan, we can remove the cyst, kakailangan mo nga lang ng hospital na may kumpletong kagamitan, and I am very sad to say that we can't perform the operation here."
Napasapo ako nang noo dahil halos kakaupo ko pa lang sa opisina ni Dr. Jonathan ay agad na niyang sinabi ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag.
"A-Ano pong..."
Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"Ano pong ibig sabihin no'n, doc? Hindi na po ba talaga tumatalab ang gamot sakanya? Itong hospital na po ang pinaka malaki dito sa lungsod, wala nang-"
"I will refer you to Dr. Melvin's private hospital. He is a mexican professional doctor that prioritize this kind of condition, magaling ang mga doctor doon, including him," he cut me off.
"Private ho?"
He nodded.
"You will need a huge sum of money, and he's also a few city from us. Hindi ka na lalayo pa papuntang Maynila para lang mapagamot ang nanay mo," sambit nito.
"May estimate na po ba kayo sa maaaring gastusin namin doon? Gusto ko pong malaman kung aabot sa isang daang libo," kagat labing tanong ko.
"Higit pa doon, iha. Kailangan mong paghandaan ang magiging operasyon, sa ngayon ay kailangan na namin siyang i-therapy dahil kung hindi..."
Napatungo ako at halos takpan ko na ang tenga ko huwag lang marinig ang sunod niyang sasabihin.
Tulalang pumasok ako sa hospital room kung nasaan ang inay. Gusto kong umiyak nang makita siyang nangangayayat na. She's peacefully sleeping, pero alam kong hirap na hirap na 'yan, hindi lang mareklamo.
Lumapit ako sa higaan niya at umupo sakanyang tabi.
Kagat labing inangat ko ang kamay ko para haplusin ang kaniyang pisngi.
Kumibot ang labi ko at hindi ko na napigilang mapaiyak nang maramdaman ko ang paggalaw niya.
Tumayo ako at tumalikod sakanya dahil ayokong makita niyang umiiyak ako.
"L-Lyn?" Tawag niya sa akin sa paos na boses.
Astherlyn kase ang pangalan ko at sanay si inay na Lyn ang itawag sa akin.
Pinunasan ko muna ang luha ko at huminga ng malalim bago siya hinarap.
"Oh, gising ka na pala. Nagdala po ako ng makakain," wika ko at inayos agad ang mga dala kong pagkain sa mesa sa gilid niya.
Dahan dahan itong umupo mula sa pagkakahiga na agad ko namang tinulungan.
"Ingat lang po, 'nay, bawal daw kayong masiyadong gumalaw sabi ni doc," paalala ko sakanya.
"Salamat, anak. Kamusta ang mga kapatid mo?" Ayos lang ba kayo?"
Tipid na ngumiti ako, "Okay naman ho, nasa eskwelahan pa silang tatlo kaya ako muna ang magbabantay sa'yo."
Kahit siya ang nasa hospital ay mas inaalala niya kami. Napaka responsable niyang ina sa amin at minsan ay naiinis nalang ako dahil gusto kong isipin niya rin ang kalagayan niya.
Gusto kong magalit minsan sakanya dahil bakit gano'n nalang siya ka-selfish pagdating sa kalagayan niya.
Sa loob ng ilang oras ay pinigilan ko talagang maging emosyonal. Pinakain ko lang siya at pina-inom ng gamot, hanggang sa pagtulog ay binantayan ko siya.
Dumating si Midel alas sais na ng hapon kaya binilinan ko muna siya bago ako umuwi.
Kailangan ko pang mas galingan sa trabaho at mas makakuha ng malaking tip dahil hindi biro ang gagastusin ko, kahit sa therapy pa lang.
Nakakaramdam man ng pagod, pero wala sa isip ko ang sumuko. Ako nalang ang inaasahan sa pamilya.
Laban lang, Asther! Kaya mo 'to! Pagchi-cheer ko sa sarili ko.