CHAPTER 7

2172 Words
"Ayos na ho ba ang pakiramdam niyo?" Nandito ako ngayon sa hospital dahil dinalaw ko muna si nanay. Maaga pa naman para sa shift ko sa restaurant at sa trabaho ko sa bar kaya napagpasyahan ko munang dito na dumiretso pagkatapos ng klase namin kanina. Hindi ko pa nasasabi sakanya na suspended ako ng isang linggo. At wala akong balak na sabihin dahil ayokong isipin pa niya 'yon. "M-Medyo masakit lang ang likod ko. Dahil siguro ito sa kakahiga," malumanay niyang sagot. Napabuntong-hininga ako. Matagal tagal na rin kase siyang nakahiga. Kahit gusto ko mang i-uwi na siya ay mas makakabuti pa rin na nandito siya para mas matutukan. Nakausap ko ang doctor kanina, cancerous na raw ang bukol niya sa matris. Dapat siyang obserbahan at malaking halaga ang kailangan ko kung sakaling kailangan siyang operahan. Hindi naman ako nagtagal sa hospital dahil dumating na rin si Johann at Brinella. Sila naman ang magbabantay ngayon habang si Midel ang mag-aasikaso sa bahay at ang magluluto ng mga pagkain nila. Hindi na ako nag abala pang maligo at dumiretso na sa restaurant, mamaya nalang kapag tapos ng shift ko para hindi naman ako ma-over sa ligo. Hindi ako ang finale ngayon dahil wala naman daw event sa Hades, normal na araw lang for the customers, kaya kasama na ako sa mga sasayaw sa unang batch. Nag text na muna ako kay Maddi na kung matagalan ako mamaya sa paglabas ng restau, mauna na siya sa bar at susunod nalang ako. Nag-reply naman agad siya at sinabing mauuna na nga raw siya dahil gusto niya munang magliwaliw sa loob ng Hades. Pumasok ako sa unang trabaho ko nang walang kain, walang ligo at walang gana dahil nakaramdam ako ng kaunting sama ng pakiramdam. Ang daming tao ngayon dito sa restaurant at aligaga kaming lahat dahil may pa-birthday party pala ang mayora ng lungsod. Kaya pala pawang mga mukhang mayayaman ang nandito. Pati ang boss namin ay nandito at ine-entertain sila. Ganito kapag kilalang tao ang kumakain sa aming restaurant, hindi mawawala ang boss at manager para kausapin sila. This is their way to gain their trust on us, at ma-satisfy sila sa service para bumalik sila sa susunod. Plastic kung baga. Sa ibang normal na customers ay hindi sila ganito. The world is so unfair. Habang bitbit ang isang tray ng dessert papunta sa table nila ay may tumakbong bata sa gilid ko at mabilis ko itong naiwasan. Ang kaso lang ay nabangga ko naman ang isang upuan na lumikha ng malakas na tunog dahil bakal ang mga paa nito, hindi pa doon nagtatapos ang naging kamalasan ko nang madulas sa kamay ko ang tray. Sinubukan ko itong saluhin pero huli na ang lahat. Nagsi-laglagan ang mga cupcakes na nasa tray at lahat ito ay nasira at nagkanda watak watak sa sementong sahig ng restaurant. Narinig ko ang pagre-reklamo agad ng ilang mga bisita dahil natalsikan sila ng icing. Pinuntahan naman ako ng manager at ng aming boss at tinignan kung anong nangyari sa akin at natapon ko ang mga 'yon. "What happened?" Tanong ng chinese naming boss. "S-Sorry, nadulas po kase–" "Asther, linisan mo na agad 'yan, nakakahiya sa mga bisita! Ngayon ka pa pumalkpak," galit na bulong sa akin ng aming manager. Kagat labing tumango ako at pinulot ang mga sirang cupcake. Lumapit naman sa akin ang ilang ka-trabaho ko at tinulungan ako sa paglilinis. Narinig ko ang paghingi nila ng paumanhin sa mga bisita at nagsabing papalitan agad nila ang kanilang dessert. Nahihiyang napayuko nalang ako at pinagpatuloy ang paglilinis. Hanggang sa matapos at ipatawag ako sa office ng aming amo. Doon pa lang ay alam akong mapapagalitan na ako ng malala. Ito ang unang beses na nangyari ito sa akin. Naiinis nalang ako sa sarili ko dahil kung kelan may event tyaka pa ako pumalpak. Napaka malas ko naman! Nang makapasok sa loob ng office ay agad na nilapag ng amo ko ang isang sobre sa lamesa. "You're fired, take that money and get out of here. Ayoko sa palpak na empleyado," bulalas niya pagkapasok ko. Nagulat ako nang marinig iyon. "B-But, Sir–" "No no no," aniya at umiling iling pa. "Here," inabot niya sa akin ang sobre kaya napilitan akong tanggapin iyon. Masama ang loob na umalis ako ng restaurant dahil sa pagtanggal sa akin para lang sa isang pagkakamali. Hindi man lang ako binigyan ng second chance, nabuburyo ako. Pagod at lantang umuwi ako ng bahay at naligo. Mas sumama ata ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Hanggang sa makarating ako sa Hades at pumasok sa likod ay wala talaga ako sa mood. Wala rin si Maddi sa dressing room at ang ibang dancers lang ang nandito, busy mag-ayos ng kanilang mga kolorete sa mukha. Since nakabihis na sila ay pumasok na lang din ako sa locker room at doon nagbihis. Isang highwaisted black leather shorts at black halter crop top ang costume namin ngayon. Iba't ibang style ng crop top ang bawat dancers at ang napunta sa akin ay halter nga at medyo mababa sa likod. Kita ang tiyan ko rito. Walang pag-alinlangang sinuot ko iyon at lumabas. Sakto namang pagdating ni Madz na kanina pa pala nakabihis. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Ayos ka lang ba?" "Hindi, natanggal ako sa trabaho–" "Dito?" Putol niya sa akin. "Sa restau, nagalit si singkit dahil nasira ko ang ise-serve ko sanang dessert." Natawa siya, "Jusko, mabuti na rin iyon at wala ka nang aalalahanin na iba. Dito ka nalang at malaki naman ang kitaan, huwag kang manghinayang doon!" Tama naman siya, pero sayang pa rin dahil pandagdag na rin iyon sa panggastos. Nasasayangan talaga ako pero wala na akong magagawa. "Okay! Line up, ladies! Magsisimula na ang party party!" Malakas na sigaw ni Mamshi sa amin kaya naputol ang usapan namin ni Maddi. "Smile, bruha. Huwag kang sumimangot doon para more tips!" Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntonghininga bago lumabas ng pinto. Malakas na tugtog at wild na mga rich kids ang naabutan namin sa dancefloor. Nagsimula kaming magkanya-kanya ng stand pole. Malumanay ang kanta at romantic scene sana ang makikita mo dito sa loob pero ang mga sumasayaw sa gitna ay kulang nalang at halos maghubad na at doon na sila magsiping. Panay naghahalikan ang mga tao. Ang iba ay walang pakialam at tuloy ang inuman. Hanggang sa nagsalita ang DJ at naghiyawan ang mga tao nang malamang magpe-perform na kami. Wala kaming choreography, basta kembot kembot ka lang dito, mang akit ng customers at i-entertain sila gamit ang iyong sayaw, 'yun na 'yon. Tips and more tips while dancing. May mga sumubok na lumapit sa akin habang ako ay sumasayaw pero alerto ang mga bouncer dito at hinaharangan agad sila. Bawal kaming galawin dahil hindi naman kami pang-table. Natapos ang aming performance ng halos isang oras. Bumalik kami sa dressing room pero hindi pa man ako nakakaupo ay narinig ko na ang pangalan ko sa entrada ng pinto. Isang lalake ang tumawag sa pangalan ko. Isa ito sa mga kaibigan ni Mr. Tres Vanni Moroco, ang aming big boss. "Where's Ms. Levetri?" Kunot noong lumapit ako sakanya. "He wants you, VIP room upstairs." Nanlaki ang matang napatingin ako kay Maddi at gano'n din siya sa akin. "Oh my god! Pinapatawag ka sa taas? Ano pang hinihintay mo? Gora na, bilis!" Tinulak tulak pa niya ako palabas ng pinto. "T-Teka lang! Bakit ako pinapatawag? Baka alisin din ako rito, Madz? Grabeng kamalasan naman–" "Shunga! VIP room daw hindi sa office ni big boss. Pumunta ka na para malaman mo kung bakit ka pinatawag, balitaan mo ako pagtapos." Wala na akong choice kung 'di sumunod sa kaibigan niyang seryosong naghihintay sa akin. Umakyat kami sa second floor kung nasaan lahat ng VIP rooms, nakarating kami sa pinakadulong kwarto at doon ako pinapasok. Red and black ang theme ng kwartong ito. Malaki rin siya na halos buong bahay na ata namin ang isang kwartong 'to. "Tres is inside," utas ng kaibigan niya bago sinara ang pinto. Naiwan akong kinakabahan sa loob at mabagal na naglakad para hanapin kung nasaan si Mr. Moroco. Medyo madilim dito, ang ilaw ay hindi katulad ng normal na ilaw sa mga kwarto, dito ay para kang nasa redroom. Led lights ba ang tawag dito? Nagiging ignorante na ako. "Demselle..." Nagulat ako nang maramdaman ang mga kamay na dumapo sa bewang ko kaya napaharap ako sa likod ko. "Sir." "Asther Demselle, right?" Napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Sinubukan kong lumayo pero humigpit ang hawak niya rito. Kagat labing napatango ako at pasimpleng kinuyom ang kamao. Fuck, why do I feel like I'm going to pass out anytime? He's looking at me intently, ang mata niya ay grabe kung makatingin sa akin. Para bang bigla akong sinilaban dahil sa pasimpleng paghaplos niya sa bewang ko. "Pinatawag niyo raw po ako?" Buo ang boses na tanong ko at pinigilang mautal. Tumaas ang gilid ng kaniyang labi bago ako hinawakan sa braso at hinila paupo sa isang itim na couch. "Yeah. I have something to offer you." Umupo siya sa tabi ko at halos manginig ako dahil sa pagdikit ng kaniyang hita sa exposed kong legs. Mas naging maiksi ang suot kong short dahil sa pag-upo ko at gusto ko man itong takpan ay wala akong makitang pwedeng gamitin bilang pantakip. Kaya naman pinatong ko nalang ang dalawang kamay ko ro'n para kahit papaano ay hindi ako masiyadong exposed. Nagsalin siya ng alak sa basong nakapatong sa mini glass table sa harap namin. "Umiinom ka?" Naiilang na tumango ako at umiwas sakanya ng tingin. "Good. Here, drink this," inabot niya sa akin ang baso na tinungga ko naman agad at inisang lagok lang. Sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ako dapat kabahan ng ganito pero ewan ko ba. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng dating niya at may kakaiba sakanyang awra. Hindi ko rin alam kung bakit ako pinatawag at kung ano ang offer na sinasabi niya. He chuckled a bit before pouring another shot. Akala ko ay para sa akin ulit 'yon pero siya naman ang tumungga. Sa iisang baso lang kami uminom! That means, we indirectly kissed. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. "Do you like your job, Demselle?" He asked after drinking. "O-Oo naman." Sumandal siya at tumagilid, pinatong rin niya ang kamay niya sa headrest ng couch kaya nagmukha siyang nakaakbay sa akin. He's wearing a suit, nakabukas nga lang ang ilang butones nito kaya litaw ang matipuno niyang dibdib at may sumisilip na tattoo. "You sure?" Paninigurado pa niya. "Yes, Mr. Moroco. Malaki ang kita ko kahit unang araw pa lang, k-kaya..." Tumikhim muna ako bago nagpatuloy, "Kaya gusto ko itong trabaho," dagdag ko. I'm not gonna lie, I like this kind of job. Sa una lang ako natakot na baka literal na bastusin ako ng mga nandito pero hindi pa naman nangyari at sana huwag naman. Naramdaman ko ang paglapit pa niya sa akin. Napasinghap ako ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa pisngi ko at pinaharap ang mukha ko sakanya. Mapupungay ang matang nakatingin siya diretso sa mata ko. Lasing siya. Sigurado ako do'n. Ngayon ko lang siguro napansin dahil nilapit niya ang mukha niya sa akin. I gasped when his thumb touches my lips. "I wanna offer you something..." Para akong kinakapos ng hininga nang haplusin niya ang labi ko at mariing nakatitig doon. Kagat kagat niya ang labi niya at tila ba nagpipigil na gawan ako ng hindi maganda. He's my boss. I am just a mere employee, oh– I mean, scratch that. Isa pala akong pole dancer. But he's touching me like a I'm sort of a w***e. Instead of feeling a little disgusted, nakaramdam ako ng init sa katawan. "Mr. Moro–" "Call me, Tres." Hindi ako nagsalita. Dumausdos ang kamay niya mula sa labi ko papunta sa pisngi hanggang sa leeg ko. I gasped when he pulled me. Halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mga labi namin. "Are you a witch? I feel like I've been charmed," he softly murmured. Unti unting lumalapit ang mga labi niya sa akin at nang maramdaman ang magaang pagdampi nito ay mabilis akong napalayo sakanya at tumayo. "You're drunk, Sir. Lalabas na ako," bulalas ko at maglalakad na sana palabas ng pinto nang sundan niya ako at ikulong ang bewang ko sakanyang mga braso. Mabilis ang mga naging pangyayari at bigla nalang niya akong isinandal sa pader at sinunggaban. Na-estatwa ako dahil sa ginawa niya. Pinalalim niya ang halik niya at ipinasok ang kaniyang dila sa bibig ko, he ravish every inch of my mouth, hanggang sa tumigil siya sa ginagawa at hinihingal na napayuko. Just like him, I'm gasping for air too. Wala akong nagawa dahil sa sobrang pagka-bigla sa ginawa niya. He... He kissed me! Hinawakan niya ako sa baba at seryosong nakipagtitigan. "20 Million, I will offer you 20 f*****g million, milady." Napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya. "Just be my goddamn wife..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD