Umuwi akong tuwang tuwa nang malaman ang nalikom kong tip sa pagpe-perform kanina bilang finale sa Hades.
Hindi ako halos makapaniwala nang malamang mahigit walampung libo ang tip sa akin, kasama na ro'n ang mga dolyar. Lahat 'yon ay binigay sa akin, walang labis walang kulang.
Kasabay ko si Maddi sa pagbaba ng taxi sa kanto namin at nag-uumapaw na saya ang nararamdaman naming dalawa dahil higit pa sa inaasahan naming tip ang aking nakuha.
"Tara na muna sa bahay, Madz. Hahatian kita rito–"
"Hoy, huwag na! Itabi mo na 'yan at ibayad mo na rin sa hospital ng nanay mo, okay na ako sa nabigay sa aking tip kanina!" Pagtanggi niya sa akin.
Umiling ako.
"Hindi pwede, ikaw ang nagrekomenda sa akin kaya kailangan din kitang bigyan," angal ko naman sakanya.
Napalabi siya, "Ang sweet mo naman, bestfriend! Sige na nga! Pero kahit limang libo lang, ayos na ako!"
Natatawang tumango ako sakanya at naglakad na kami papasok sa masikip na eskinita. Malapit lang ang bahay nila sa amin at halos kami nalang ang tao sa labas. Ala una na rin kase kami nakauwi dahil naghintay pa kami ng go signal kay Mamshi.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay inilabas ko na ang bag ko na may naglalamang sandamakmak na tip.
Kumuha ako doon ng sampung libo at inabot sakanya.
"Huwag ka nang tumanggi," inunahan ko na agad siya nang i-abot ko sakanya ang pera.
"Gusto ko palang mag thank you, malaking tulong 'to para kay nanay, mababayaran ko na ang kalahati ng kaniyang hospital bill."
"Sabi ko naman sa'yo, eh! Sa una ka lang kakabahan, worth it naman, 'di ba?"
Tumango ako, "Sobra. Sige na, umuwi ka na at mukhang inaantok ka na rin. Maaga pa tayo bukas dahil may event daw sa gymnasium, kita kits!"
"Sige, sabay na tayo bukas. Hintayin kita sa paradahan," utas niya bago naglakad palayo.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntonghininga at pumasok na sa loob para magpahinga. Hindi ko na nagawang mag hilamos o uminom man lang ng tubig at nahiga na agad sa tabi ni Brinella. Ilang saglit lang ay nauwi na ako sa mahimbing na tulog.
Halos mapabalikwas ako ng bangon nang marinig ang tilaok ng manok sa kapitbahay. Dumako agad ang mata ko sa orasan na nakasabit sa dingding namin at nakitang malapit na mag alas-otso.
Nanlalaki ang matang napabangon ako at dumiretso sa kusina para magluto sana ng almusal pero natagpuan kong kumakain na ang tatlo kong kapatid doon.
"Late ka na nagising, ako na nagluto," sambit ni Midel at tumayo para kuhaan ako ng plato.
"Late na ako nakauwi kagabi, pasensya na."
Umupo ako sa tabi ni Brinella at nagsimula nang kumain, mabuti nalang at may event ngayong umaga sa campus kaya hindi masisira ang araw ko dahil kay panot.
"Midel, pakihintay pala ako, ikaw ang magbabantay kay nanay ngayon, di ba?"
Tumango siya.
"Sige, maliligo na ako," sambit ko nang matapos kumain.
Binilisan ko ang pagligo dahil paniguradong hinihintay na din ako ni Maddi sa kanto. Maganda ang mood ko ngayon dahil feeling ko ay nabawasan kahit papaano ang aking mga alalahanin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakuha ko kagabing tip. Parang nanaginip pa nga ako dahil sa tuwa.
"Ito pambayad ng kalahati sa bill ng hospital, ito naman ibili mo ng grocery mamaya," inabot ko kay Midel ang halos 60 thousand na kinita ko kagabi.
Kumunot ang noo niya at tila nagtaka kung saan ako nakakuha ng ganito kalaking pera.
"Hindi ka naman siguro gumagawa ng illegal? Alam mong ayaw ng inay ang gano'n–"
"Syempre naman hindi! Galing sa legal na paraan 'yan, huwag ka nang maraming tanong, Midel. Basta ang mahalaga may pambayad na tayo sa hospital."
Hindi ko na siya hinintay sumagot at tinakbo na ang paradahan at hindi nga ako nagkamali. Busangot na nakasandal si Maddi sa pader ng waiting shed habang hinihintay ako.
"Ang aga mo namang ma-badtrip, oh, limang daan," nagkunwari akong may inaabot sakanya kaya napatingin siya sa akin.
"Walang araw ata na hindi nasisira ng mga bwisit kong kapatid ang araw ko," himutok niya.
Natawa ako, "Ilang taon na silang ganiyan, hindi ka pa ba sanay?"
"Sanay na! Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis. Tara na nga!"
Inunahan na niya ako sa pagsakay sa jeep nang pumarada ito sa harap namin. Sumunod naman ako sakanya.
Mabuti nalang at may mababait akong kapatid. Pera lang ang problema ko sa buhay dahil iyon lang ang susuporta sa pangangailangan namin at sa pagpapagamot kay nanay.
Kung ako ang nasa kalagayan ni Maddi. I'll choose peace over my pride. Iiwan ko ang pinag-aagawang bahay para lang matahimik na ang lahat.
Mas gusto ko ang tahimik na buhay kesa sa puro away at sermon ang maririnig mo araw araw. Hindi ako lumaki sa gano'ng pamilya at sobrang nagpapasalamat ako.
Nakarating kami sa campus saktong pagtunog ng bell hudyat na alas-otso na. Lahat ng papasok sa campus na late ay malilista ang pangalan at titignan kung nakailang beses ka nang late. Kapag lima na, makikipag-apiran ka na kay dean sa kaniyang office.
Mabuti nalang at nakapasok kami agad.
Rinig na ang malakas na tugtog sa gymnasium kung saan gaganapin ang event. I'm clueless, hindi ko alam kung anong event 'to, even Maddi. Wala naman kaseng ina-announce at mukhang biglaan lang.
Mabuti na rin ito para walang klase ng umaga at hindi magkakasalubong ang landas namin ng pinaka paborito kong professor.
Please note the sarcasm.
Habang naglalakad sa hallway papuntang gymnasium ay nagkagulo ang ilang mga estudyante nang may pumasok sa gate ng campus na isang mamahaling sasakyan, kasunod no'n ang ilang mga naka motor na sa tingin ko ay mga security base na rin sa asul na suot nila at pare-pareho pa.
"Anong meron?" Tanong ko kay Maddi.
"Aba, ewan ko! Kakarating ko lang din, sabay pa nga tayo, baliw ka ba? Tara na sa loob, baka maubusan tayo ng upuan."
Inalis ko nalang ang tingin ko sa kumpulan na 'yon at pumasok na sa gym.
Sa laki ng gymnasium na 'to ay pwede na atang dito ganapin ang opening ng sea games. Natawa nalang ako sa ka-exaggerate-an ko.
Hinila ako ni Maddi sa bakanteng upuan sa harap katabi lang nila Paulo. Napansin agad ako nito kaya nginitian ako. Kinalabit niya ang katabi niya at nakipagpalit ng pwesto, inulit niya 'yon sa isa pang nakapagitna sa amin kaya ngayon ay siya na ang nasa tabi ko.
"Goodmorning, Astherlyn!" Bati niya.
"Morning," simpleng sagot ko lang.
"I didn't get a chance to see you yesterday, nabalitaan ko 'yung ginawa nila Leia, I'm sorry–"
"Okay lang, hindi mo kasalanan kung masiyado silang obsessed sa'yo, ang pogi mo kase."
Nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti nang sabihin kong ang pogi niya.
Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti dahil ngayon lang ako nakakita ng kinikilig na lalake. At sa mismong harap ko pa.
Hindi ko man siya gusto bilang manliligaw, pero nakakatuwa 'yung ganitong reaksyon mula sakanya.
"Thanks for the compliment, you just made my day."
Napailing iling nalang ako sakanya habang may naka plaster na ngiti sa labi.
Friday ngayon kaya kailangan pa rin naming pumasok ni Maddi. Ang suspension na pinataw sa amin ni dean ay effective starting monday next week.
Napaayos ako ng upo nang marinig ang pagtunog ng mic sa taas ng stage. Nandoon na ngayon si dean para siguro sa opening speech.
"Okay, students. Keep quiet, magsisimula na ang ating mini program, all of you, please sit down and do not make any noise, we have our very important visitors today, please cooperate!" Mahinahong saway ni dean sa mga maiingay sa likod.
Tumigil din naman agad ang mga ito sa pag-iingay.
"Alright, thank you. Please remain seated until the program ends," iyon lang at bumaba na siya ng stage.
Nakuha agad ng atensyon namin ni Maddi ang mga lalakeng nakamotor kanina na nagsi-pasok sa double door ng gymnasium, nagkanya kanya silang pwesto bilang security, hanggang sunod na pumasok ang isang medyo long hair na lalake.
Matipuno, gwapo at mukhang may lahing spanish or mexican, ang lakas ng dating ng isang 'to. Rinig ko ang ilang impit ng mga babae sa likod na row.
Nang akala namin ay siya lang ang bisita ay parehas kami ni Maddi na na-estatwa nang sunod na pumasok ay ang taong hindi namin inaasahan na magiging bisita pala ng campus.
"Hala!" Rinig kong sambit ni Maddi.
Napayuko agad ako nang nagpalinga linga ito at sinusuri ang mga estudyante.
Shit! Ang big boss!
Bakit siya nandito? Kung minamalas ka nga naman, nasa harapan pa mismo kami nakapwesto kung saan kitang kita kami sa stage.
Sunod sunod na pumasok ang ilan pang lalake, mga nasa apat sila plus si Mr. Tres at 'yung unang pumasok. Isa lang ang namukhaan ko pa sakanila na nakita ko rin sa bar noong in-interview ako.
Umakyat silang lahat sa stage at kinamayan sila dean at iba pang professor.
"Maddi! Tara na sa likod maghanap ng ibang space, kitang kita tayo rito–"
"Ano ka ba! Okay lang 'yan, wala namang mangyayari sa'yo kahit makita ka nila, eh! Huwag kang kabahan, hindi ikaw ang pinuntahan nila dito," putol niya sa akin.
"Kahit na!" Bulong ko sakanya pero ayaw niyang pumayag.
Napalingon ako kay Paulo nang kalabitin niya ako.
"Stay still, makikita kayo ni dean na nagbubulungan, pay attention infront para hindi ka mapagalitan," bulalas niya.
Napatuwid nalang ako sa pag-upo dahil sa sinabi niya.
Umupo na ang mga bisita sa nakalaang upuan nila sa itaas ng stage. Ang iba sakanila ay nakangiti habang nililibot ang mata sa mga nakaupong estudyante.
Habang si Mr. Tres at 'yung long hair ay pawang mga seryoso lang ang tingin. Mukha pa nga silang naiinip kahit kakarating pa lang nila.
Pinakilala muna ni Professor Garry ang mga bisita. Ang katabi ng aming boss sa Hades ay pinsan pala niya. Siya si Thadron Cy Moroco, isa ring malaking personalidad sa larangan ng business. Kaya pala parehas silang walang emosyon sa mukha at mukhang mapanganib dahil magkadugo pala sila.
Now it makes sense.
Sunod namang pinakilala ang iba na halos hindi ko na rin marinig ng maayos ang kanilang mga pangalan dahil napaskil ang mga mata ko sa aming big boss.
Hanggang sa nanlamig nalang ako at nanayo ang mga balahibo nang mapadako ang tingin niya sa akin.
Agad kong iniwas ang mga mata ko dahil sa hiya. Nahuli ata niya akong tinitigan siya.
Nakakahiya ka, Asther! Boss mo 'yan, baka mamaya bigla ka nalang mawalan ng trabaho.
Babae pa rin naman kase ako. Marunong akong humanga sa gano'ng klaseng itsura. Hindi naman ako tibo, hindi nga lang ako nagkakagusto sa lalake. Marunong lang mag-appreciate ng looks.
Bigla rin akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa kaniyang presensya. Hindi ako komportable, hindi rin ako mapakali kaya kung saan saan nalang ako tumitingin.
Huwag sana niya akong mamukhaan o makilala man lang. Isang beses pa lang niyang nakikita ang mukha ko. Noong nag-perform ako at hinila niya pababa ng stage ay mata ko lang din ang nakikita no'n, so hindi ko alam kung natatandaan niya ako.
Sana hindi.
"Hey, do you want a juice?" Pukaw ni Paulo sa atensyon ko.
Inilabas niya sa kaniyang bag ang isang bote ng orange juice. Hindi pa iyon bukas at tingin ko ay medyo malamig pa.
"Hindi na, Pau. Inumin mo nalang–"
"I have another one here, sige na, Asther. Mukhang matagal pa 'tong program, I know you're thirsty," pilit niya sa akin na sa huli ay hindi ko na tinanggihan.
Kanina pa talaga ako nakakaramdan ng uhaw, ewan ko ba kung mind reader ang isang 'to at nalaman pa 'yon.
Binuksan ko ang bote ng juice at tinungga iyon, saktong pagbaba ko nito mula sa bibig ko ay napadako nanaman ang mata ko sakanya.
Kunot noo at salubong ang kilay na nakatitig siya sa akin at inilipat ang tingin kay Paulo.
Natapos ang program na hindi mawala sa utak ko ang klase ng tingin niya kanina. Para siyang galit na ewan.
Sa pagtatapos din ng program namin nalaman ni Maddi kung bakit nandito sila. They're the new owners, as in lima silang may ari na nitong aming university. They bought it from Mr. Lee, which is the former owner na ngayon ay retired na at naka-base na sa South Korea.
Ang liit talaga ng mundo, sa isip isip ko.