"Holy s**t–"
Halos mapanganga si Maddi at napamura pa nang lumabas ako sa locker room na suot ang binigay nila sa aking costume.
Nagsi-tinginan sa akin ang iba pang mga dancer at agad na nagbulungan. Hindi ko man sila rinig ay pakiramdam ko hindi maganda ang kanilang mga pinagsasabi. Nahihiyang napatingin ako sa suot ko at naglakad palapit kay Maddi.
"Panget ba? Mukha akong belly dancer dito, eh."
Natatawang hinampas niya ako sa braso at tinignan mulo ulo hanggang paa. Napaka oa ng reaction niya at kahit gusto ko siyang umaktong normal ay mukhang hindi na talaga mawawala ang kabaliwan sakanya.
"Baliw! Ang ganda mo nga! Ang sexy mo pa tignan, bruha ka. Paniguradong pagkakaguluhan ka sa labas mamaya, hindi talaga nagkamali si Mamshi na piliin kang pang finale!"
Seryoso ko siyang tinignan, sinusuri ko kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Ano ka ba! Totoo nga! Teka tanggalin na muna natin 'yang mask cloth mo at aayusan pa kita," aligaga niyang sambit at tinanggal nga ang nakatakip sa mukha ko.
Pinaupo niya ako sa isang high stool sa harap ng isang malaking salamin at nagsimula nang magkalkal ng kung ano ano sakanyang mga gamit.
"Hindi ko pa alam ang gagawin ko doon, Madz. Baka matanggal agad ako sa trabaho–"
"Hindi 'yan! Napaka nega mo talaga kahit kelan, gumiling giling ka lang doon. Tapos tignan mo ng diretso sa mata ang mga bisita, kayang kaya mo 'yan!"
Hindi talaga siya nawawalan ng fighting spirit. Mas lumalakas ang loob ko kapag kasama ko siya.
Hindi nalang ako nagsalita habang inaayusan niya. Magaling talaga siya mag make-up, naka highlight ang mga mata ko at ang kapal ng eyeliner na nilagay sa akin. Bumagay naman siya sa mata ko dahil medyo singkit din ako.
"Ayan! Isuot mo na ulit 'to at teka pi-picture-an pala kita para naman may memories ka rin dito sa cellphone ko!"
Nilabas niya ang cellphone niya at mabilis akong kinuhaan ng litrato. Hindi pa siya nakuntento at pinatayo ako para daw whole body shot. Pinagbigyan ko nalang siya sa gusto niya.
Habang naghihintay kaming lahat dito sa loob ay may lumapit sa aming tatlong babae, halos pare-parehas lang sila ng suot at ako lang ang naiiba.
Nakapamewang na huminto sila sa harap namin ni Maddi.
"Ikaw ang finale?" Tanong sa akin nung nasa gitna.
Ramdam ko na agad na hindi palaka-ibigan ang mga 'to kaya hindi na ako nag-abalang sumagot at simpleng tango lang ang pinakita ko sakanila.
Tinignan niya ako sa mapanuring paraan at sumimangot.
"Cheap," rinig kong sambit niya na sa tingin ko ay narinig din ni Maddi.
"What did you say, b***h?" Pumagitna siya sa amin at maangas silang hinarap.
Nakita ko naman ang takot sa mukha nung dalawa niyang kasama na nawala ata ang taray ng makita si Madz.
"Ang sabi ko, ang cheap niya para sa pang finale, sana pumili man lang si Mamshi ng iba–"
"You mean you? Hoy, mas cheap ka pa sa lahat ng nandito. Alam mo? Inggit lang 'yan, siguro hindi ka pa nakaranas ng finale 'no?"
Hinawakan ko na si Maddi sa braso para patigilin. Lumalakas na rin kase ang boses niya at ayoko namang mapaaway sa unang araw ng trabaho.
Masungit na inirapan lang ako ng nasa gitna at naglakad na rin papalayo sa amin nang makitang seryoso ko siyang tinitignan.
Gano'n dapat! Makuha siya sa tingin.
"Huwag mong pansinin ang mga 'yun, okay? Mga mukha silang pang kanto, iyon raw si Ellena sabi ng ibang mga nakausap ko rito, feeling superior daw at confirm!"
Napailing-iling nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
Hindi rin nagtagal nang pumasok ang tinatawag nilang Mamshi na nakasuot ng makukulay na pom-poms sa leeg.
"Okay, girls! Be ready to perform, nandito na ang big boss, huwag niyo akong ipahiya, maliwanag?"
"Yes, Mamshi!" Sabay sabay na sagot nila.
"Alright, magsi-pila na kayo. Nasaan na si Ms. Finale?"
Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo at tinaas ang kamay ko para makita niya.
"Oh my god!"
Nagulat kaming lahat ng tumili siya at tumakbo papunta sa akin. Halos mapatakip pa ako ng tenga sa lakas niyang tumili.
"Jusko, iha! Baka i-uwi ka na ni big boss sa mansyon niya sa sobrang ganda ng katawan mo! I knew it! Babagay talaga sa'yo ang ganitong costume!"
Inosenteng napatingin ako kay Maddi na kagat kagat ang labing umiiwas ng tingin sa akin.
Sabi na nga ba, may kutob talaga ako dito. Paniguradong inirekomenda ako nito at sinabi ang body measures ko, kaya pala sakto lang sa akin itong costume. Tsaka impossible talagang ako ang magiging finale dahil kabago-bago ko pa lang sa trabaho.
Humanda ka talaga sa akin mamaya, sa isip isip ko.
"Thank you, Ma'am–"
"Mamshi," putol niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilaang balikat.
"Umupo ka muna," itinulak niya ako ng dahan dahan pabalik sa inuupuan ko kanina lang.
"Mamaya ka pa naman sasayaw, I want you to stay calm tsaka huwag kang kakabahan doon, okay? They want a good dancer to entertain them, kapag nagustuhan ka nila, paniguradong tiba tiba ka sa tip!" Dagdag pa niya.
Pilit na ngiti nalang ang isinukli ko sakanya bago siya umalis sa harap ko at ihanda ang ibang dancers.
I can't back out now, at wala rin akong balak. Lumalaki na ang bill ni inay sa hospital, kailangan ko rin 'to para mabawasan ang problema ko sa gastusin.
This is it, Asther. It's already an opportunity for you, don't waste it.
Nag inhale exhale ako ng ilang beses. Nawawala ang angas ko dahil rito. Pumasok na si Maddi sa loob mismo ng bar at ako nalang ang naiwan dito sa loob. Ang iba sakanila ay magte-table sa mga bisita habang ang iba ay sasayaw sa stage.
Kahit ano palang tapang at tatag ko, kakabahan pa rin sa ganitong klase ng trabaho. Sana lang talaga ay maging maayos ang gabing 'to para sa akin.
Lulunukin ko nalang muna ang pride ko, mas maigi na 'to kesa magbenta ng illegal na droga at makulong pa.
Pinag-iisipan ko rin kung anong gagawin ko mamaya. Nauwi ako sa malalim na pag-iisip hanggang sa hindi ko namalayang tapos na pala sila at nagsisi-balikan na dito sa loob.
Pawis na sumulpot si Maddi sa harap ko at ang laki ng ngiti sa labi.
"Gosh! Ang popogi nila sa labas, Dem! Hindi ako halos maka focus sa moves ko dahil sa titig nila, para akong magco-collapse!"
Natawa ako sa reaksyon niya na may pagtirik pa ng mata. Inabutan ko naman siya ng bote ng tubig at kinakabahang tumayo dahil alam kong ako na ang sunod na sasayaw.
Nagtagal din pala ng halos kalahating oras ang mga nauna.
"s**t, Madz. Hindi ko ata kaya 'to," winawagayway ko ang kamay ko para mabawasan ang kaba.
"Dem, kayanin mo. Kaya nga kita nirekomenda dahil alam kong kailangang kailangan mo ng pera," sambit niya.
Tama siya, kailangang kayanin ng sikmura ko 'to. Natural lang na kabahan dahil unang araw ng trabaho, masasanay din ako.
Huminga ako ng malalim at kinuyom ang kamao ko para pigilan ang kaba. Pumasok na si Mamshi sa loob at tinawag ako. Hindi ako lumabas sa pinto kung saan lumabas ang ibang dancers kanina.
Hinila ako papunta sa isa pang pinto kung saan may malaking kurtinang kulay pula sa harap ko at rinig ko na rito ang boses ng ilang mga bisita, natigil ang malakas na tugtog dahil siguro inaabangan nila ang paglabas ko.
"Calm down, iha. Hindi ka nila kakainin ng buhay, wear this," binigyan niya ako ng isang 3 inches high heels na kulay gold din.
"Iyan nalang muna ang ipapasuot ko sa'yo at baka hindi ka sanay mag high heels, galingan mo, okay? Tip ko lang, kay big boss ka tumingin para walang problema," paliwanag nito sa akin.
Tumango tango lang ako at hindi na nagawang magsalita dahil sa kaba.
Napayuko ako nang unti-unting bumukas ang kurtina at nasilaw ako dahil sa malakas na spotlight na nakatutok sa akin, sipol at palakpakan ang sumalubong sa paglabas ko.
Kinagat ko ang labi ko at dahan dahang naglakad papunta sa pole stand sa gitna ng stage.
"Woooo! Own the dancefloor, sweetie!" Sigaw ng isang babaeng may hawak na wine glass malapit lang sa stage.
Nakatingin silang lahat sa akin.
Mabuti nalang at mata ko lang ang nakikita sa mukha ko.
Ginawa ko ang binuo kong step sa utak ko kanina habang naghihintay. Dahan dahan akong naglakad papunta sa gitna habang pinapagalaw ang bewang ko.
I gracefully move my hands and started to do some sexy steps. Sinabayan ako ng isang malaswa at malamyang tugtog na nakapagpasigaw sa mga bisita. Dahil sa spotlight ay wala akong halos makita sakanila, pwera nalang sa pinaka dulo kung saan may malaking couch at nakaupo doon ang mga lalakeng nag-interview sa akin noong isang araw, kasama ang ibang hindi ko pa kilala, may mga nakakandong sakanilang babae.
Ang gagara ng mga suot nila at mga high profiled talaga. They're not an ordinary citizens, they surely have millions on their bank accounts.
Nandoon rin ang tinatawag nilang big boss na seryosong nakatingin sa akin habang sumasayaw.
Bigla akong na-conscious, kailangan kong galingan dahil nanonood siya.
Humawak ako sa pole gamit ang dalawang kamay at tumalon para ipulupot ang dalawang paa ko doon bago nagpadausdos at nagpaikot-ikot.
I let my hair dance too. I did a graceful split and touch my body while looking straight to the big boss, gaya ng sinabi sa akin kanina. Nakita ko ang ilang pagbato ng pera ng mga bisita sa stage kung nasaan ako kaya nawala ang tingin ko sakanya.
Kunot noo man at medyo nabigla sa ginawa ay pinagpatuloy ko ang sumayaw. Sinabayan ko lang ang tugtog at kung anong maisip kong step ay ginagawa ko. I touched my hips and wander my own hands around my body. Pinadausdos ko pa ang kamay ko mula leeg padaan sa aking dibdib hanggang sa upper part ng legs ko.
"s**t, bro. She's so hot!" Rinig kong sigaw ng isa sakanila na nasa harap lang mismo ng stage.
Tumalikod ako at tinaas ang dalawang kamay kasabay ng paggiling ko sa gitna ng mabagal na musika.
"I'm having a boner!" Sagot naman ng isa sakanila.
Nakaramdam ako ng panliliit dahil harap harapan akong pinag-uusapan at binabastos pero wala akong magagawa. Alam ko ang pinasok kong trabaho, hindi man nila ako mahawakan, sa salita pa lang nila ay nababastusan na ako.
Tinuloy ko lang ang pagsayaw. Naglambitin ako sa pole at dahan dahang bumaba gamit ang isang kamay. I straightened my leg while the other one is wrapped on the pole, supporting my body. Dahil sa ginawa ko ay bumaba ang pang-itaas kong damit at mas lumitaw ang cleavage ko na ikinatuwa ng marami.
Ang daming pera, pati dolyar ang nagsisiliparan papunta sa akin, kusa silang lumalapit sa stage at nagtatapon ng pera.
Tama nga si Maddi, galante sila mag tip. Natapos ang tugtog kaya nagbigay lang ako ng isang pose at yumuko sakanilang lahat bilang pagtatapos.
Mukha naman silang satisfied kaya nakahinga ako ng maluwag.
Tumingin ako sa likod kung saan sinenyasan ako ni Mamshi na bumaba na, hindi na ako nag-abalang damputin ang mga pera dahil gusto ko nang umalis sa stage na 'yon. Bahala na silang kumuha no'n at magbigay sa akin. I'm done with my performance.
Pero bago pa man ako makababa ay nagsigawan ang mga bisita.
"Moreeee! More! We need her to dance again!" Sigaw nila na siyang nakapagpatigil sa akin.
"Bitin! Isa pa!"
"Come on, girl! We need more of you!"
Natigil ang lahat sa sigawan ng tumayo ang tinatawag nilang big boss at nakapamulsang naglakad papuntang stage. Nasa kaniya na ang atensyon ng lahat.
Nakasuot siya ng mahahaling suit at may hawak ng basong may laman na alak.
"Everyone, the finale was done. Let's enjoy the party, I will not allow you to watch another performance. Come on, let's have a toast and party all night," sinenyasan niya ang DJ kaya nagpatugtog na agad ito ng malakas na sinabayan na ng mga bisita.
They did a toast bago napunta ang tingin sa akin ng big boss. Naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ako sa braso bago hilain pababa ng stage.
"Let me get you out of here, you did a good job. Now, go home and rest," aniya nang maihatid ako sa likod at bumalik na rin agad sakanilang pwesto.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan niya ako sa braso. Nagtataka man kung bakit gano'n ang naging pakiramdam ko ay mas nangingibabaw sa akin ang pagkagulat dahil hindi ko ine-expect na gagawin niya 'yon sa isang katulad ko na isang hamak lang na tauhan niya rito sa bar.
Noong isang araw lang ay para siyang dragon na bubuga na ng apoy, pero iba na ang nakikita ko ngayon.
He's like a beast hiding inside that body.
Pretending to be good...