CHAPTER 4

2088 Words
"Ahhh! Bruhaaa!" Tili ni Maddi ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa gate ng aming campus. "Hoy, ang ingay mo. Napaka aga!" "Kase naman! Espesyal agad ang magiging role mo mamaya sa bar! Nag-text sa akin si Mamshi, ikaw raw ang main dancer mamayang gabi doon! Tapos take note, sarado ang bar mamaya para sa mga local customers dahil may party na magaganap doon! Birthday pala ng big boss!" Napahinto ako sa paglalakad at gulat siyang tinignan. "Bakit ako? Wala ba silang pinaka main dancer? Baguhan pa lang ako–" "Ay nako, huwag ka nang tumanggi. Malalaki raw mag-tip ang mga bisita mamaya, baka maka singkwenta mil ka pa ro'n, malay mo baka isang daang libo pa, eh!" Inirapan ko siya sa sobrang exaggerated ng mga sinasabi niya. "Hinaan mo 'yang boses mo at maraming chismosa sa paligid," nagpalinga-linga ako at nakita ang ilang bratildang estudyante na masama ang tingin sa amin ni Maddi. "Hayaan mo sila, mga mukhang palaka kase mga 'yan. Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa klase ni panot, ma-guidance ka nanaman," sambit niya at hinila na ako papunta sa aming classroom. Napabuntong-hininga nalang ako sa isiping magsisimula agad ako sa trabaho mamaya bilang main dancer. Ano naman kayang sasayawin ko ro'n? Alam ko lang ay kumembot kembot. Wala pa nga akong practice, napasabak agad ako. Wala ba silang training or workshop? Natawa nalang ako sa sarili kong katangahan. Pole dancer sa bar tapos mage-expect na may workshop? Nababaliw na ata ako. Saktong pagpasok namin ng classroom ang siya namang pagsulpot ni Professor Panot sa loob. Masama agad ang tingin niya sa akin at pabagsak na inilapag ang kaniyang mga dalang libro sa mesa sa harap. And as usual, dahil hindi naman na bago sa amin ni Maddi ang makaharap ang panot na 'to, edi ayon, nasabon nanaman kami lalo na ako sa loob ng isang oras. Panay ako ang tinatanong sa discussion at pinagre-recite. Pasalamat siya at matalino ako kaya hindi niya ako mapapahiya kung sa tanungan lang din naman babase. Naging maayos ang ibang sumunod na subject kaya nakahinga naman ako kahit papaano ng maluwag. First subject talaga sa umaga ang pinaka nakaka-stress. "Nag-text nga pala ulit si Mamshi, ipapadala niya raw ang mga susuotin natin mamaya. Hintayin nalang natin diyan sa may gate kapag lunch–" "Ikaw nalang muna ang kumuha, pupunta pa ako ng hospital, si Johann ang nagbabantay ngayon dahil wala silang pasok, mag-aabot lang ako ng pera," putol ko sakanya. "Sige, ako na bahala. Tara na sa canteen, hindi ako nag-almusal kanina bago umalis ng bahay, alam mo naman 'yung madrasta ko, bungangera," natatawang sambit niya. Natawa nalang din ako dahil parehas talaga kaming may problema sa pamilya. Iba nga lang ang sakanya, step mother niya ay gusto siyang palayasin sakanila pero dahil palaban siya, hindi siya pumapayag. Magsawa raw siya sa mukha niya dahil hinding hindi siya aalis sa bahay na 'yon. Patay na rin kase ang tatay niya kaya ang bahay ay naiwan sakanya na inaangkin naman nung madrasta niya. Minsan nakikita ko nalang siyang may pasa sa pisngi at nagdudugo ang labi. Pinagtulungan daw siya sakanila ng mga kapatid niya sa labas, nakakahanga lang siya kase hindi talaga siya sumusuko. Laban kung laban. Parang ako. Nawaglit lang ako sa pag-iisip nang mapahinto ako sa sigaw ni Maddi kasabay ng pagkahulog ng isang baldeng may lamang madumi at mabahong tubig at sakto sa aming dalawa. Tawanan ng mga estudyanteng nasa hallway at corridor ang umalingawngaw sa tenga ko. "You both deserve that, scholars! Masiyado kayong papansin sa mga boys dito, hindi niyo naman kauri! Go back to where you belong, beggars!" si Aya, isa sa mga alalay ni Leia na nasa gitna nila. Isa sila sa grupo ng mga babaeng patay na patay kay Paulo at sa mga kaibigan nitong hindi man lang sila mapansin. Bale apat silang nasa gilid namin at kumpirmadong sila ang nambuhos dahil may balde sa harap nila. Napatingin ako sa basa kong damit at nakita ang ilang duming nakakapit dito. Mukhang tubig pa ito galing sa canteen na pinaghugasan ng mga pinggan at ilang utensils. Mabilis kong pinigilan si Maddi nang sugurin niya ang mga nambato sa amin ng tubig "Maddi, huwag!" sigaw ko sakanya pero nagpumiglas siya at hinablot ang buhok ni Leia, ang pasimuno sa lahat. Nagsigawan ang mga nanonood sa amin. Lahat ay nasa corridor dahil break time namin. Chineer nila ang grupo ni Leia at ang lakas ng sigaw ay dumagundong sa mahabang hallway nitong university. "Aww! Let go of me, b***h! You're so stinky!" Maarte nitong sigaw at pilit na kumakawala sa pagkaka-sabunot sakanya ni Maddi. Pipigilan ko pa sana siya dahil ayoko ng gulo pero nang makita ko ang pagtulong sakanya ng mga kaibigan niya ay hindi na ako nagdalawang isip na sumugod na rin. I won't let them hurt my friend, not on my watch. Hinawakan ko sa buhok ang dalawa at hinila. Inilayo ko sila kay Maddi at halos ingudngod na sa semento ang kanilang mga mukha. Hinila ko pa lalo ang mga 'yon para lang hindi nila ako maabot at masabunutan din. Parehas na silang sumisigaw sa galit ngayon at halos ayaw akong hawakan dahil basa ako at mabaho. They should taste their own doze of medicine. Gano'n din ang ginawa ni Maddi. Bale tig dalawa kami ng kalaban. Wala silang nagawa kahit da-dalawa lang kami laban sakanilang apat. Paano ba naman, matapang lang sila kapag magkakasama, this is the first time that we finally show them what they deserve. Sumusobra na sila. This is already too much. Okay lang sana kung salita lang ang ginagamit nilang pambu-bully, they crossed the line now and they're gonna pay for it. Gigil na gigil si Maddi. Nagmumura pa nga siya habang sinasabunutan ang dalawa. Hindi pa siya nakuntento at pinagsisipa niya ang mga 'to. Natigil lang kaming lahat ng may malakas na pito ang tumunog at lumitaw sa kumpulan ng mga chismosang estudyante si dean, kasama ang ilang professor. "ALL OF YOU! IN MY OFFICE, NOW!" Mabilis na nagsi-pasok sa bawat classroom ang mga nanonood at kami nalang ang naiwan. Binitawan ko na ang dalawa sa harap ko at huminga ng malalim. Habang si Madz ay nakahawak pa rin sakanila. "Miss. Corson! Let go of them!" Saway sakanya ng isang professor. "Why would I? Binuhusan nila kami–" "Maddi," putol ko sakanya. "Bitaw na," hindi siya mananalo sa mga professor na 'to dahil mga rich kids lang ng university ang mahalaga sakanila. Si Dean na mismo ang humawak kay Maddi at inilayo ito kila Leia. "You all gonna pay for this scene you've caused! Follow me!" Napabuntong-hininga nalang ako at hinawakan siya sa kamay at hinila pasunod kay dean. "Okay na 'yon. Nagantihan naman na natin sila, maligo nalang tayo after tayo kausapin sa office, may extrang damit ako sa locker," pagpapakalma ko sakanya. Iba rin talaga magalit ang isang 'to. Kung ako ay pumapatol din minsan, kaya ko namang kontrolin ang galit ko. Tsaka kapag pumatol ako, ibig sabihin no'n ay napuno na ako. Pinatawan kaming lahat ng one week suspension pero umalma ang ilang professors. Wala nalang silang nagawa nang pirmahan na ni dean ang kaniyang record book at galit kaming tinignan. Pinaalis din naman kaming lahat agad. Wala akong problema sa naging parusa dahil lahat naman kami ay napatawan no'n, but Maddi said it's quite unfair for our side. Tama siya pero wala na kaming magagawa. Masama ang tingin sa amin nila Leia nang palabas na kami ng campus. Pinakyuhan pa nga sila ni Maddi dahil sa sobrang inis. Naligo na muna ako sa bahay at dumiretso na sa hospital nang sumapit ang lunch time. Kung hindi ako makakapasok ng one week, ibig sabihin makakapag-pahinga ako kahit papaano sa bahay at matututukan ko ang kalagayan ni nanay. Medyo pabor sa akin ang naging parusa. Pwede pa akong maghanap ng sideline sa isang linggo na 'yon. Three jobs every day, not bad. Kailangan kong makaipon. Sumapit ang gabi at kumatok na sa bahay namin si Madz. Wala sa mood na pinakita niya sa akin ang dala niyang paperbag na may laman na mga costume. Ito ang susuotin namin mamaya. "Hintayin mo nalang ako mamaya sa labas ng restaurant, hanggang 8 ang shift ko hanggang closing, dadalhin ko na rin 'to," wika ko at sumabay na sakanya sa paglabas. "Sige, text mo ako. May susundo raw sa atin, napaka maalaga talaga ni Mamshi sa kaniyang mga dancer." "Okay, huwag ka na sumimangot diyan. Hindi mo bagay, mas lalo kang nagmumukhang mathilda," asar ko sakanya. Inirapan lang niya ako at lumihis na ng daan pabalik sakanilang bahay. Sumakay naman ako sa nakaparadang tricycle at nagpahatid na sa restaurant. Naging maayos naman ang buong shift ko at hindi ako masiyadong napagod dahil kaunti lang ang customers kanina. Nagsasara na kami ng restaurant nang may pumaradang mamahaling kotse sa harap namin at lumabas doon ang dalawang malalaking tao na nakasuot ng itim na suit, at mukhang mga barako. "Ms. Levetri?" Nagulat ako ng lapitan ako ng isa sakanila. Ako ba ang tinutukoy niya? Paano nila nalaman ang apelyido ko? Kinakabahang sinuri ko sila isa isa. "We're from Hades, the boss is waiting for you." Agad na pumasok sa akin ang sinabi ni Maddi na may susundo raw sa amin. Pero nasaan siya? Ba't ako lang ang sinusundo? "Your friend was already there," sambit pa ng isa na tila nabasa kung ano ang nasa utak ko. Binuksan niya ang pinto sa backseat at hinintay akong pumasok. "Faster, Miss. Get inside," utos nito sa akin. Napatingin ako sa mga kasama kong nagsasara ng shop at lahat naman sila ay busy sa pagsasara. Walang nakakakita kung anong nangyayari kaya mabilis akong pumasok sa sasakyan. Baka kase makita pa nila at magtaka sila kung bakit may sundo akong ganito. Para tuloy akong yayamanin, jusko! Mabilis naman nilang pinaandar ang sasakyan kaya pasimple akong nag sign of the cross at nagdasal na sana walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Ito ang kauna-unahang sumama ako sa hindi pamilyar sa akin. Nakarating kami sa parking lot ng Hades at nakita ko ang iba pang mamahaling sasakyan na nakaparada doon. Totoo nga ang sinabi nila, bigatin talaga ang mga 'to. Lumabas ako ng sasakyan bitbit ang mga gamit ko. Hindi na ako nagtanong sakanila kung anong susunod na gagawin ko at dumiretso na sa likod kung saan ang entrance ng mga pole dancer. Pumasok ako sa loob at hinanap si Maddi. Rinig ko na ang maingay na beat ng kanta sa loob ng bar, sigurado akong nagsimula na ang party nila. "Dem! Dito!" Kinawayan ako ni Madz sa pinakadulo kung saan siya nag-aayos ng mukha. Nakasuot na siya ng maiksing short-shorts at tanging bra lang ang nasa taas. Nakabukas pa ang zipper ng short niya at nakalitaw ang itim na terno ng pang-itaas niya. Ang sexy niya tignan pero naaasiwa ako sa gano'ng suot. "Magpalit ka na, bilisan mo. Mauuna kami sa'yo, bale ikaw ang finale mamaya, huwag kang mag-alala, hindi ganito ang costume mo!" Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang hindi katulad ng sakanila ang susuotin ko. Kita na ang kaluluwa mo doon kung nasa itaas ka ng pole. "Hindi pa ako marunong mag-ayos ng sarili–" "Kaya nga bilisan mo na't magbihis ka na, akong bahala sa'yo. Papagandahin kita ngayong gabi!" Sinunod ko nalang siya at pumasok na sa locker room kung saan may mga rest room din na konektado. Nilabas ko ang damit na nasa paperbag at napangiwi. Binuklat ko ang mga 'to ng maigi. Para naman akong magbe-belly dancing nito! Ganito ang karaniwang suot ng mga belly dancer, palda na ang design sa bandang bewang ay see through, tapos may mga beads na nakasabit at makikintab na glitters. Sa pang-itaas naman ay gano'n din, style bra siya at kulay gold, terno sila actually. Akala iyon na lahat pero may mask pa pala, isasabit mo lang ito sa magkabilaang tenga mo at matatakpan na ang kalahati ng mukha mo. Gold din at tela siya na abot hanggang leeg. So mata ko lang at noo, pati na rin buhok ang makikita nila mamaya. Hindi ang buong mukha ko. Sa tingin ko naman ay ayos na sa akin ito. Atleast hindi nila ako makikilala. Nagtataka lang ako, pole dancer kami hindi belly dancer, bakit ganito ang napunta sa akin? Pero nevermind, siguro ganito talaga ang gusto nila. Walang choice na sinuot ko nalang ang mga 'yon dahil alam kong anytime ay papasukin na ako rito si Maddi dahil sa tagal kong magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD