Ngayong araw din na 'to ay napagkasunduan namin ni Maddi na pupuntahan na namin ang bar na sinasabi niya. Ngayon din daw kase sila nagma-mass hiring at baka mahuli raw kami at hindi ako makapasok. Sure na kase sakanya dahil may backer siya.
Malapit na matapos ang shift ko dito sa restaurant at kaunting oras nalang ay uuwi na ako. Advice sa akin ni Maddi na magsuot raw ng fitted na damit or kahit anong dress para agaw pansin agad ako.
Susundin ko nalang ang sinabi niya dahil desperada na rin akong magkaro'n ng trabaho. Nakausap ko ang doctor kaninang umaga, malala na raw ang kalagayan ng inay, kailangan ng malaking halaga para maipagamot siya sa mas magandang hospital na may kumpletong kagamitan.
Napabuntong-hininga nalang ako habang pinupunasan ang pawis ko dito sa loob ng locker room namin. Tapos na ang trabaho at nag-aayos nalang ako para umalis. Hindi ako pwedeng dumiretso sa pupuntahan namin ni Madz dahil bukod sa hindi ko alam kung saan iyon, kailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid ko.
Lulutuan ko sila ng pagkain at syempre, ang babaunin nila sa hospital para sa pagbabantay. Tsaka nakakahiya naman kung pupunta ako ro'n nang hindi man lang nakakaligo. Feeling ko ang lagkit lagkit ko na tsaka baka amoy pawis na rin ako. Mas maganda nang presko para magkaroon din ako ng tatag ng loob mamaya.
"Una na ako, Regine. Thank you pala sa pa-cake mo kanina," sambit ko sa kasamahan ko sa trabaho.
"Wala 'yun, hindi kita naimbita sa birthday ni Jonathan, eh. Ingat ka sa pag-uwi!"
Nginitian ko siya at tinanguan. Mabuti nalang at meron akong mabubuting kaibigan. Kahit papaano ay nakakabawas sila ng pagka-bugnot sa buhay.
Si Jonathan pala ay ang nag-iisa niyang anak. Single mom siya kaya todo kayod din.
Sumakay na ako ng jeep para makauwi ng mabilis, gustuhin ko mang maglakad ay baka mahuli pa ako mamaya.
"Oh, itong itlog na may kamatis, ulam niyo mamaya sa hospital kung sakaling magutom man kayo doon, itong pakbet ulamin niyo ngayon, ha?" Bilin ko sakanila habang nagsusuklay ako ng buhok.
"Saan punta mo? Hindi ba tapos na shift mo?" curious na tanong ni Midel.
Nakapamewang pa ito sa harap ko at seryoso akong tinitignan.
"May lalakarin lang kami ni Madz, trabaho."
"Dis oras ng gabi?"
Tumango ako, "Oo, kailangan ko ng extra income. Huwag ka na magtanong, ihanda mo na mga dadalhin niyo," sagot ko at kinuha na ang aking sling bag.
"Una na ako," dagdag ko pa at lumabas na ng bahay.
Nakasuot ako ng isang bodycon dress ngayon, maxi dress ang tawag dito, hindi naman siya revealing pero hubog na hubog ang kurbada ko. Tsaka hindi man lang ito lumagpas sa tuhod ko kaya maiksi na siya para sa akin.
Kulay itim na may minimal fonts design sa harap, ito lang ang sa tingin ko ang babagay sa pupuntahan namin. Sana lang talaga at matanggap ako. Pole dancer is a risky job, maraming pwedeng mambastos sa'yo, pero aalalahanin ko pa ba 'yun?
Basta hindi ako ite-table o gagawan ng mali, okay lang sa akin. Sasayaw lang naman tsaka malaki ang kita.
Iba ang pole dancer sa mga tume-table, sabi sa akin ni Maddi. Doon pa lang ay nabuhayan na ako.
Nang makarating sa plaza kung saan ako susunduin ng kaibigan ko ay sakto namang tumawag siya.
"Hello? Nandito na ako, nasaan ka na?" tanong ko sakanya.
"Hello, sorry mukhang hindi kita masusundo. Nandito na ako, pinauna ako ng backer ko. Pero nasabi ko naman na may kasama ako kaya ipapasundo ka nalang daw, hintayin mo nalang–"
"Maddi, ako nalang pupunta, i-text mo nalang sa akin ang address," putol ko sakanya.
Ayokong sumama kung kani-kanino. Mahirap na.
"Sure ka ba? Baka nandiyan na rin 'yung sundo, eh."
Huminga ako ng malalim.
"Oo, i-text mo na sa akin agad, sasakay nalang ako ng taxi, bilisan mo."
Pinatayan ko na siya ng tawag at naglakad na ulit palabas ng kanto kung saan maraming dumadaang taxi. Mapapa gastos ako nito ng malaki pero mas okay na 'to, kesa mapahamak pa ako.
Mabuti nalang ay may nabale ako sa amo ko kanina.
Wala akong tiwala sa mga tao ngayon. Malakas ang instinct ko kaya mas sinunod ko ang gusto ng utak ko.
Tinext naman agad sa akin ni Madz ang address kaya sinabi ko na iyon sa taxi driver.
Mabuti nalang at hindi naman pala ito gano'n kalayo. Na one hundred thirty lang ako sa pamasahe, not bad para sa air-conditioned taxi.
Napatingala ako sa dalawang malaking palapag na building na may nakasulat na HADES sa gitna na nagkukulay pula at asul, kumikislap kislap ito na kung tititigan mo ay masakit na sa mata.
Mukhang pang mayaman itong bar. Mga pumapasok kase ay pawang mga naka suit, dress na maiiksi or corporate attires. Mga businessmen/women. Grabe, na-feel out of place agad ako.
Tama nga si Maddi. Sosyalan dito. Hindi basta basta.
May mga cigarette girls din sa labas na nakasuot ng maiiksi, binebentahan ang mga nakatambay dito sa labas.
Napatingin ako sa suot ko. Mabuti nalang at disente ito tignan.
Naglakad na muna ako sa tabi ng bar at tinext si Maddi, sinabi kong nandito na ako at kailangan ko ng sundo para hindi ako mahiya pumasok.
Nag-reply rin naman siya agad at sinabing pumunta ako sa likod nitong building dahil doon daw kami papasok. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at naglakad na roon.
May mga nakasalubong akong kalalakihan na ang iba ay lasing na. Pinagtitinginan ako pero hindi ako nagbigay ng reaction at blangko ang mukhang naglakad lang ako hanggang sa makarating sa likod. Sakto namang paglabas ni Madz sa isang pinto at nakita niya agad ako.
May mangilan-ngilang babae rin ang nandito na nagbabalak pumasok.
"Tara na sa loob, nagsimula na pumili si Madam."
Hinila niya ako papasok at walang imik na nagpahila nalang ako. Sinalubong kami ng malakas na tugtog at mahabang pila ng mga babae na kung titignan mo ay parang nasa strip club ka na. Ang re-revealing ng suot, ang iba ay kita na ang s**o.
Dumiretso kami sa unahan kung saan pinigilan ko agad siya dahil sa pila.
"Hoy, saan tayo? May pila, oh."
Sinamaan niya ako ng tingin, "Huwag ka na umangal, malakas kapit ko rito kaya mauuna tayo sa pila. Nasabi ko na kay mamshi na may kasama ako, in-approve na niya," aniya at kinindatan ako sa huli.
Wala na akong nagawa nang makapasok kami sa isang kwarto na may mga nakaupong lalake, panay naka business suit at ang lalakas ng dating. May dalawang bakla at apat na babae rin ang nandito. Agad akong sinuri ng mga nasa loob kaya bigla akong kinabahan.
Iba pala talaga ang awra ng mayayaman, parang mga gangster rich kid version or mas magandang sabihin na mafia? Ang lalalim tumitig pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang vacant seat sa gitna. Mukhang hindi pa sila kumpleto.
"Pa-pwestuhin mo na sa harap, Maddi," utos ng isang bakla sakanya.
Sinenyasan naman ako ng kaibigan ko na pumunta na sa harap, nag-aalinlangan man sa una ay nilakasan ko nalang ang loob ko dahil kailangan ko 'to. Hindi ako pwedeng umuwing bigo. Para sa pamilya ko ito.
Nagbigay lang ako ng tipid na ngiti sa mga nakaupo sa harap ko at tumayo ng maayos. Hindi ko pinahalata ang kaba ko dahil baka ayawan agad ako. Dapat patatagan ng loob dito.
"Can we start now, Finn?" tanong ng isang lalake sa kaniyang katabi.
"Not yet, wala pa si Tres–"
"Start now," putol sakanya ng isang baritonong boses.
Lahat kami ay napalingon sa entrada ng pintuan. Nakatayo roon ang isang lalakeng nakasuot ng itim na three piece suit, bukas ang puting polo sa bandang dibdib kung saan sumisilip ang kaniyang tattoo, may hawak na briefcase at nakakatakot ang awra.
Iba ang awra niya sa mga nandito, mas mukha siyang mapanganib. Walang emosyon siyang umupo sa bakanteng upuan sa gitna at humalukipkip.
Bigla akong nanlamig nang magtama ang mga mata namin. Nag-iwas agad ako ng tingin.
Sh*t, ba't gano'n siya makatingin? Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa saglit na pagtama ng mata namin. Ang lamig no'n at grabe ang epekto sa akin. Para siyang isang greek god.
"I said start, don't just stand there. I don't wanna waste my time, lady."
Mas nangilabot pa ako sa lamig ng boses niya.
Agad naman akong pinandilatan ng mata ng ilan sa mga babae at sinenyasan na ipakilala ang sarili ko.
I already know the drill of this interview, kung tutuusin ay madali lang pero halos ayokong ibuka ang bibig ko.
Huminga muna ako ng sobrang lalim at tumitig sa iba niyang kasamahan.
"G-Goodevening, my name is Astherlyn Demselle Levetri, 20 years old–"
"Enough with the self introduction, honey. Can you dance?" mahinahong putol sa akin ng isa sakanila na nakaupo sa pinakadulo.
Mukha itong mabait. Nakangiti pa nga sa akin. Lumalabas rin ang dimple niya sa kaliwang pisngi, ang gaan ng awra niya kaya sakanya ako tumingin.
"Yes, sir."
He nodded, "Okay, can you show us some moves?"
I expected this one. May nakatayo na kasing pole stand sa gitna kung saan kami magpapakitang gilas. Mabuti nalang at ready ako.
Tumango nalang ako at pumwesto na sa gilid ng pole. I placed my left hand to it and started swaying my hips slowly. Ang isang kamay ko ay nakataas at sumasabay sa bewang ko.
"Sway more," rinig kong utos ng isa sakanila habang nakangisi.
Sinunod ko naman ang gusto nila hanggang sa ginawa ko na ang huli kong alas. Kinagat ko ang labi ko habang nagse-sexy dance sa pole at hinaplos ang aking katawan. Hindi sinasadyang napadako ang mata ko sa nasa gitna.
His eyes were piercing, he's looking at me like I'm some boring slut na hindi man lang siya matuwa na sinasayawan. Parang galit pa siya sa tingin niya.
Nang matapos ay tumango tango sila. Nakita ko ang pag thumbs up ni Maddi sa akin sa gilid. Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa noo ko. Hiningal din ako ro'n kaya sunod sunod ang paghinga ko ng malalim.
Kahit papaano ay nawala ang hiya ko doon.
"What do you think, Reydan?" tanong nung nakangisi kanina sa nagpasayaw sa akin.
"Perfect," sagot nito at binigyan ako ng malawak na ngiti.
"Race?"
"She's good, I like her."
Tinanong pa niya ang iba at puro magandang feedback naman ang sinabi kaya natuwa ako sa loob loob ko.
Mukhang hindi ko naman sila nabigo.
"How about you, Tres?"
Lahat kami ay napatingin sakanya at inaabangan ang kaniyang sasabihin. Hinawakan niya ang labi niya at nilaro iyon. Mariin niya akong sinuri mula ulo hanggang paa hanggang sa bumalik ito sa mga mata ko.
This time, imbis na umiwas ng tingin ay matapang na sinalubong ko ang titig niya. May dumaan na kung ano ro'n pero bumalik rin sa pagiging blangko.
"Start tomorrow."
Iyon lang ang sinabi niya at tumayo na. Lumabas siya ng pinto ng walang paalam sa mga kasama kaya napabuga ako ng malalim na buntonghininga.
"Mukhang wala pa rin siya sa mood, okay next."
Hinila na ako ni Maddi paalis doon at nang makalabas kami ng bar ay tumili siya.
"H-Hoy!" Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya dahil sa ingay.
"Shutacca! Nakaharap mo pa talaga si Mr. Moroco!"
"Oh? Ano ngayon?"
"Bruha, sikat na sikat 'yun! Pinaka mayamang businessman sa atin! Bachelors ang mga nasa loob kasama siya, hindi mo alam?"
Umiling ako, "Alam mong madami akong problema para pagtuunan pa ng pansin ang mga ganiyan. Pasalamat nalang ako at natanggap, kinakabahan ako kanina, bwisit."
Tumawa siya, "Normal lang 'yan, ang importante may trabaho ka na. Tsaka ikaw pa lang ang nagustuhan ng mga nand'on, ang swerte mo!" nakalabi niyang sambit.
Napangiwi nalang ako at hindi na sumagot.