"Ms. Levetri, pinapatawag ka raw sa office."
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang tawagin ako ng sekretarya ng principal nitong campus namin. Nagsi-lingunan ang mga kaklase ko sa akin. Tinatamad na tumayo ako mula sa kinauupuan dahil katatapos lang kase ng exam namin at pagod pa ang utak ko tapos ito nanaman ang isang problema.
Paniguradong tungkol 'to sa pag-alis ko sa klase ni panot. Buti nalang wala siya kanina, kung hindi baka nasabon nanaman ako. Kainis talaga 'yun, palibhasa walang lovelife.
Sinundan ko siya papuntang office.
Nadatnan namin si Principal na may mga pinipirmahang papeles sa mesa. Agad siyang napaangat ng tingin nang makita kaming pumasok. Tinanggal niya ang salamin niya tsaka malakas na napabuntong hininga.
Sa utak siguro nito, sinasabi niyang ako nanaman ang napatawag. Pang ilang beses ko na rin kase ito. Mukhang nagsasawa na siya sa akin.
"Sit down, Ms. Levetri. You can leave us now," aniya sa kanyang secretary.
Tumango naman ito tsaka lumabas na ng pinto. Tahimik lang akong umupo sa harap niya at nakatingin lang sa malayo. Hindi ko siya matignan. Hindi lang kase 'to ang unang beses na pinatawag ako dito. Madami na akong kasalanan sa school, from cutting classes to assaulting some b*tch classmates. Mabait naman ako, pero kapag ang mga bully rito ay dinadamay na ang pamilya ko, doon kami nagkaka-subukan.
Hindi naman ako santo na palalagpasin ang panlalait nila sa pamilya ko porket mayayaman sila at kami ay dukha lang. Isubsob ko pa sila sa semento, eh. Okay na ako sa ako lang ang binu-bully pero kapag nandamay pa ni isa sa miyembro ng pamilya ko, doon talaga lalabas ang sungay ko.
Minsan kailangan ko rin mag cutting classes dahil ang tatlo kong kapatid ay nag-aaral pa at hindi talaga ako mapakaling maiwan si inay ng mag-isa. Baka atakihin siya ng sakit at walang mag-aasikaso sakanya.
"I received a complain from your professor that you– again, left his class without his permission. Is that true?"
Matabang ko siyang tinignan. "Hmm," tanging tugon ko lang.
"Care to tell me why?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Napatungo ako.
"Nasa hospital po kase ang nanay ko, kailangan kong puntahan dahil walang magbabantay sakanya doon, nag-alala ho ako."
Seryoso niya akong tinignan. Parang tinatantya pa kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Pwede niyo siyang bisitahin sa hospital kung gusto niyo ng pruweba," dagdag ko pa.
Napatango-tango naman siya at sumandal na sakanyang swivel chair. Mukhang kumbinsido na sa rason ko.
"I see, but that doesn't justify your action. You can just ask for a permission before you leave, that's quite disrespectful for the professor."
Napakamot ako sa ulo. Mukhang binabaliktad ako ni panot. Siya nga ang walang respeto sa estudyante.
"Sir, sinabi ko po sakanya na kailangan kong umalis dahil emergency pero hindi niya ako pinayagan, pagdating sa pamilya ko, walang makakapigil sa 'kin."
Napahilot siya sa sintido niya.
"I understand you, Ms. Levetri. Therefore, you still need to get punish for what you did. You will have to clean the entire canteen for three days straight, don't worry may mga makakasama ka naman ng iba pang school violators," sambit niya at kinuha ang kaniyang record book.
Napaikot nalang ako ng mata dahil sa parusang pinataw niya. Bwisit ka talagang panot ka! Huwag na sanang tubuan ng buhok 'yon at tuluyan nang makalbo, kainis!
"Pwede na ho bang umalis?" tanong ko nang wala na siyang maidugtong.
"Sure, dismiss."
Lantang lanta akong lumabas ng opisina niya at dumiretso sa canteen. Lunch time na rin naman na, kakain na muna ako dito bago pumunta ng hospital. Tapos na ang exam kaya pwede na kaming umuwi. Pumasok ang tatlo kong kapatid, ang kapitbahay naming si Aling Leti lang ang pinaki-usapan kong magbantay kay nanay. Pumayag naman siya dahil magkaibigan silang dalawa.
"Asther! Hey!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin, punta ka canteen?"
Inirapan ko siya. Si Paulo nanaman, isa sa masugid kong manliligaw. Walang kadala dala 'to, ilang beses ko na ngang binasted.
"Obvious ba?"
Tumawa siya. Naningkit ang mga mata at lumabas ang dimple niya sa pisngi na kinababaliwan ng mga babae dito sa campus– except me, of course.
"Sabay na tayo? Libre kita," alok niya.
"No, thanks. Gusto ko ng katahimikan ngayon, Paulo. Maghanap ka ng ibang kausap."
Tinalikuran ko siya at nagsimula na maglakad papuntang canteen. Kung ba't naman kase napakalayo no'n at hindi nalang sila mag food cart kada hallway para hindi naman napapagod ang mga estudyante.
Narinig ko ang yapak ng sapatos niya, sinundan niya ako at tumabi sa gilid ko habang naglalakad.
"Ito naman, ang sungit! I won't be too noisy, I promise! I just want to have lunch with you, Asther."
Napabuntong hininga ako. Ang kulit!
"Fine! Subukan mo lang mag-ingay at ite-tape ko 'yang bunganga mo!"
"I won't, promise!"
"Ok," tanging tugon ko.
Ngiting ngiti siyang sumabay sa akin papuntang canteen. Tutal kailangan ko naman ding magtipid, why not take advantage of their kindness, right? Tama, para paraan lang 'yan, Asther!
Nang makahanap ng upuan ay siya na mismo ang pumunta sa counter at nag order ng pagkain namin. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Maddi, kanina ko pa kase siya hindi nakikita. Hindi ko siya naging kaklase sa kahit anong subject ngayon, siguro absent ang isang 'to.
Tinupad naman ni Paulo ang sinabi niyang hindi siya mag-iingay. Ang dami niyang in-order na pagkain, mukhang hindi namin 'to mauubos. Kumain kami ng tahimik, ramdam ko ang sama ng mga titig sa 'kin ng fan girls niya. Sikat kase 'to dito sa campus, anak mayaman, gwapo tsaka varsity e. Ang daming nagalit sa akin nang malaman na ako ang gusto ng iniidolo nila, kaya hindi ko sinasagot kahit sino sa mga manliligaw ko, lalo na siya.
Bukod sa marami akong pasanin at problema sa buhay, wala pa talaga sa isip ko ang pagjo-jowa. Magiging distraction lang 'yan sa mga plano ko sa buhay.
"Salamat sa pagkain, pero ang dami pang hindi naubos, pwedeng ipabalot ko nalang? Sayang kase," bulalas ko nang matapos kaming kumain.
Narinig ko ang tawanan ng mga babaeng nasa tabi ng mesa namin, narinig siguro nila 'yung sinabi ko.
"Oh, sure. Kukuha lang ako ng plastic sa counter," ani Paulo.
Tumango ako at ngumiti sakanya. Ito ang maganda sa ugali ni Paulo. Hindi siya marunong mang-apak ng tao kahit anak mayaman. Kaya siguro maraming humahanga sakanya, kumabaga almost perfect na, eh.
"Ano ba 'yan, pati tira-tira gustong i-uwi. Nakakadiri, ano?" parinig ng isang babae sa kabilang lamesa.
"What a social climber," sambit naman nung isa.
Nilingon ko sila.
Geez, the typical insecure brats. Mga sosyalin na may gusto din kay Paulo, palibhasa hindi sila pinapansin.
Naghagalpakan sila at naghampasan pa na parang tuwang tuwa. Hindi ako bobo para hindi malaman kung sino ang tinutukoy nila. Mga feeling-era!
Hindi nalang ako kumibo, ayoko na silang patulan pa. Wala akong pake kung tira-tira man ang i-uwi ko, pagkain pa rin 'yan. Sa dami ng mga nagugutom sa mundo, mas magandang hindi tayo nagsasayang ng kung ano.
Natigil lang sila sa tawanan nang sumulpot na si Paulo sa mesa namin, may dalang isang box ng cake na tinitinda rito sa canteen.
"Here, idagdag mo na 'to. Teka, ako na ang magbabalot," wika niya.
Kumunot ang noo ko at matalim siyang tinignan.
"Ba't ka pa bumili niyan? Kako, ibabalot ko lang ang mga 'to, Pau."
Ngumiti lang siya. "Peace offering sa panggugulo ko sa'yo ng ilang araw," pagra-rason niya.
Inirapan ko lang siya at kinuha na ang mga binalot niyang pagkain at nilagay sa bag ko. Bibitbitin ko nalang 'tong cake dahil hindi kasya sa bag ko.
"Salamat, una na ako! Pupunta pa akong hospital, thank you uli rito!"
"Alright, hope to have lunch with you again soon! Thanks for letting me today, Astherlyn."
Tumango lang ako at tinapik siya sa balikat bago lumabas ng canteen.
May ulam na kami mamayang gabi, iinitin ko nalang ang mga 'to. Tsaka 'tong cake, hindi naman ito mauubos ni Nanay, bawal siya sa sobrang matamis. Pasalubong ko nalang din sa mga kapatid ko, paniguradong matutuwa ang mga 'yon. Minsan nalang kase sila maka-kain ng ganito.
"Maraming salamat po, Aling Leti. Baka po next week mabayaran ko na rin 'yung utang ko sa inyo," ani ko nang makarating sa hospital.
Nadatnan ko kasing nag-aayos na siya para umalis.
"Ay huwag mo na isipin 'yun, ilaan mo muna sa nanay mo. Tsaka mo nalang ako bayaran kapag nakaluwag-luwag na kayo."
Ngumiti ako. Ang bait talaga ni Aling Leti. Siya lang ang maaasahan sa mga kapitbahay namin, ang iba kase ay mga matapobre na. Lalo na ang mga kamag-anak ni Nanay. Wala kaming aasahan sa mga 'yon dahil puro walang kwenta. Magaling lang lumapit sa inay noon kapag may kailangan, ngayon na kami ang nangangailangan ng tulong, parang hindi na kami kilala.
Since tulog pa si inay, gagawin ko muna ang mga requirements ko rito. Madami akong kailangang tapusin, hindi pwedeng bumaba ang grado ko dahil baka mawalan ako ng scholarship sa campus. Madami man akong school violations at mahilig mag cutting classes, hindi ko naman pinapabayaan ang grado ko. Kung tutuusin, humahabol pa nga ako sa posisyon bilang c*m laude. Mukha lang talaga akong hindi interesadong mag-aral.
Napa unat ako ng mga braso nang sa wakas ay tapos ko na lahat ng kailangang sulatin at sagutan. Ready to pass na bukas.
Habang nagliligpit ng mga gamit ay pumasok sa pinto ang bunso kong kapatid na si Brinella. Kasama si Johann na nakauniporme pa.
"Oh, andito na pala kayo. Si Midel?"
"Nasa bahay, ate. Kami na muna ang magbabantay dito, may trabaho ka pa," si Johann.
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. 4:00 PM na, alas singko ang pasok ko sa restaurant. Maglalakad pa ako pauwi, baka ma-late ako.
"Sige, kayo na ang bahala rito, ha? Papupuntahin ko nalang dito mamaya si Midel para siya naman ang pumalit sa pagbabantay."
"Sige, ate. Ingat ka!"
Tumango lang ako at nagmadali na sa paglabas. Mukhang no choice ako ngayon kung 'di mag tricycle, may bawas kase sa sasahurin kapag na-late ka. Masesermunan ka pa ng manager.
Agad akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa bahay. Nadatnan ko sa bakuran namin si Midel na nagsisibak ng kahoy.
"Midel, gabi na ba't nagsisibak ka pa? Itigil mo na 'yan, baka makatama ka ng engkanto diyan."
Huminto naman siya. Sinundan niya ako papasok ng bahay. Agad ko namang nilabas ang mga pagkain na binalot ko kanina sa lunch namin ni Paulo. Napasapo ako ng noo nang makitang hindi ko nadala 'yung cake. Naiwan ko sa hospital.
"Ito, ulam niyo mamaya. Ipainit mo 'tong mga 'to at kumain ka muna bago hatiran sila Brinella sa hospital. May cake din doon, paghati-hatian niyo na."
"Ako ng bahala, maligo ka na at may pasok ka pa."
Tumango lang ako. Ganyan talaga si Midel, minsan tinatawag akong "Ate" kadalasan naman ay hindi. Minsan napagkakamalan pa siyang panganay sa amin dahil ang matured niya tignan.
Naligo ako at nagbihis na ng uniporme namin sa restaurant. Isang black na slacks, black na damit na may kwelyong pula at name tag sa gilid ng dibdib.
"Alis na ako! Ito, pamasahe mo mamaya papuntang hospital!" utas ko at naglagay ng isang daan sa mesa.
Agad akong lumabas ng bahay at halos takbuhin na ang paradahan ng tricycle. Last money ko na 'yon pero binigay ko na. Ayoko namang mapagod ang mga kapatid ko kakabalik sa hospital. Ang natitirang bente sa bulsa ko ang siyang pamasahe ko papuntang trabaho.
"Hoy, girl! Buti hindi ka na-late, bawas sweldo ka sana! Isang minuto nalang, oh."
Napangiti ako sa salubong sa akin ng isa kong ka-trabaho, si Regine. Siya ang pinaka close ko sa mga nagta-trabaho rito, kalog kase tsaka hindi plastic. Madali pang pakisamahan.
"Buti nga ano, kulang nalang liparin ko na ang daan papunta rito. Marami na bang customer?"
"Wala pa naman masiyado, mag time-in ka na bilisan mo!"
Agad naman akong tumakbo sa locker room at nag time-in sa device na nakadikit sa mismong pintuan.
Dahil wala pa naman masiyadong customer, naglinis linis nalang muna ako ng mga lamesa.
Napahinto ako sa ginagawa nang tumunog ang bell na nakasabit sa pinto ng restaurant. Tutunog 'yon kapag may dumating na customer.
Nakita kong pumasok ang ilan sa mga kaklase ko na karamihan ay puro babae. Umupo sila sa table na malapit lang sa akin.
Sh*t!
Mabilis akong napatakip ng mukha nang makitang binalingan ako ng isa sakanila.
Hindi ko kinahihiya ang trabaho ko. Alam ng buong campus na kailangan kong kumayod para sa pamilya ko. Ang ayoko lang ay magpakita sakanila ngayon dahil paniguradong ako ang pipiliin nilang magserve sakanila. Kilala ko ang mga 'to, mga certified bully. Hangga't maaari ay iiwas ako sa gulo, maikli pa naman ang pasensya ko.
Agad kong tinapos ang paglilinis ko tsaka nagmadaling umalis sa bandang 'yon, kailangan kong magserve sa mas malayong table. Masiyadong marami na ang problemang dinaranas ko para dagdagan pa.
Nahugot ako ng malalim na hininga nang makita si Regine na umasikaso sakanila.
Buti nalang talaga!