Lily's Pov
Out of curiosity, nang makatulog agad ako at muling makapunta sa mundo ng panaginip, ang unang ginawa ko ay subukang hanapin muli ang kulay purple na pinto na nakita ko kanina pero naghanap lang ako sa wala, hindi ko na ulit ito makita hanggang sa mapagod ako kakahanap.
Naiisip ko tuloy ngayon, is it just part of my imagination? is it all in my mind?
Pero hindi eh, hindi maaaring parte lang 'yon ng imahinasyon ko.
Dahil una, hindi ko naman alam kung anong pinto yung kailangan ko mahanap, hindi rin sumagi sa isip ko yung ganoong klaseng pinto like I saw earlier so imposibleng gawa-gawa lang 'yon ng utak ko.
Pangalawa, paanong nakita ko si Mr. Aguiluz sa panaginip? I didn't imagine him as well, pagkapihit ko ng doorknob at mabuksan ng pinto I really saw him, hindi ako pwedeng magkamali na siya 'yon.
Hays, I am so very confused. I feel like getting crazy with this.
"Mababaliw na yata ako" mahina kong saad sabay hagis ng malaking bato sa dagat na iniimagine ko ngayon.
Usually 'pag may katanungan akong hindi masagot-sagot, 'pag may problema akong kinakaharap. Lagi akong nagiimagine ng nasa dagat, it makes me relax at para akong nasa isang payapang lugar.
As a Lucid dreamer, it really helps me a lot----
Nagulantang ako at napabangon mula sa pagkahiga nang marinig ko ang isang malakas na alarm mula sa labas, medyo nakakarindi ang tunog nito at siguradong magigising ang lahat sa tunog.
"Good morning students, sorry to interrupt your dreams but it's time to wake up. The class is about to start at 9:00 am, don't forget to eat breakfast and pray. Have a good day!"
Hindi ko maiwasang mapainat, sa totoo lang antok na antok pa talaga ako.
Teka, anong oras na ba? Bakit ang bilis ng oras? Bakit parang kakatulog ko lang?
Kahit 'di ko pa maidilat yung isang mata ko pinilit ko ng bumangon at mag-ayos ng higaan bago pa ako muling akitin ng kama.
Mahirap na, first day of school ngayon. Nakakahiyang malate.
Habang nagaayos ako, parang nawala yung antok ko nang may maamoy akong lutong pagkain. Napatingin ako sa pwesto ni Michelle, wala na siya sa higaan so it means siya ang nagluluto sa kusina ngayon.
Nakakatuwa mag-aral dito sa Crescent High dahil libre lang ang tuition pati ang dorm room. Sa isang room, naglalaman ng dalawang estudyante at ang swerte naming dalawa dahil kami ang magkasama dito sa room.
Pumunta na ako sa kitchen nang matapos akong magligpit at maihanda yung uniform na susuotin namin. Nakita ko si Michelle na napapainat habang nagluluto, she is wearing an apron while cooking our favorite food which is the Kimchi-bookeumbap.
Parang nagising lahat ng alaga ko sa tiyan nang mas lalo kong maamoy ito.
"Kanina ka pa gising?" tanong ko sa kaniya, mukhang nagulantang pa siya nang magsalita ako.
"Nakakagulat ka naman friend, bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Oo kanina pa, hindi ako nakatulog ng maayos namamahay kasi ako." sabi niya, habang nakafocus pa rin sa pagluluto.
Maya-maya biglang may kumatok sa pinto, since nagluluto si Michelle ako na ang pumunta sa pinto para harapin kung sino man ang kumakatok.
Bumungad sa paningin ko ang isang lalaki na mukhang kakagising lang din.
"Dito po ba ang dorm ni Ms. Felicity Gonzales?" agad niyang tanong saakin.
"That's me po, why?" nagtataka akong tanong.
Hindi niya ako sinagot, tumango-tango lang siya at may isinulat sa notebook na hawak-hawak niya.
"How about Ms. Michelle Antonio?"
"Yes, dito rin po. Nagluluto po siya ngayon sandali tataw---"
"Ahh, huwag na," pagpipigil niya saakin.
"I just want to congratulate you two because you won on the dream game yesterday, please go to the Academic Head Office to get your prize before class. Enjoy your first day" sabi niya at mabilis ng umalis.
Habang ako ay naiwang nakanganga at nabigla sa mga sinabi ng lalaki.
"Hoy, lily. Tara--- Anong nangyari sayo? Bakit parang naestatwa ka d'yan?" kung hindi pa ako tapikin ni Michelle sa braso baka hindi pa ako natauhan.
Humarap ako sa kaniya habang gulat na gulat pa rin, "Michelle, nanalo daw tayo sa dream game kahapon."
"WHAT?"
***
Hindi nga ako nagkakamali, everything that I saw in a dream like the purple door and Mr. Aguiluz is not a joke. It is not part of my imagination.
Pero hindi ko pa rin maiwasan na maweirduhan at mapatanong sa mga bagay na hindi ko pa rin maintindihan.
Paanong may totoong pinto sa loob ng panaginip? Paanong nakita ko si Mr. Aguiluz sa labas ng pinto na 'yon?
This is impossible dahil sa pagkakaalam ko talaga, nako-control lang namin yung panaginip namin, nakakagawa kami ng sariling mundo pero hindi kami pwedeng magkita sa panaginip, kaming mga lucid dreamers.
Kaya hindi ko maiwasang mapatanong, paanong nangyari 'yon?
Tama nga yung sinabi ni Dad sa last letter niya saakin at ni Ms. Lopez sa speech niya kahapon na marami pa kaming hindi nalalaman, may mga bagay pa kami na kailangan malaman.
Whatever is that, I can't wait to know this at malakas ang kutob ko na dito ko na rin malalaman ang nangyari kay Dad.
I hope so.
"Lily, may dumi ba ako sa mukha? May muta pa ba ako? Hindi ba pantay yung lipstick ko?" tanong saakin ni Michelle habang naglalakad kami palabas ng Dorm Building ng mga Senior High Students, para siyang ewan na nahihiya ngayon.
Kunot-noo ko siyang tinignan, "Hmm, wala naman, bakit mo natanong?"
Lumapit siya ng mas malapit saakin at bahagyang hininaan ang boses, "Hindi mo ba napapansin? Pinagtitinginan tayo ng mga ibang estudyante?"
Napatingin naman ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan nga kami habang naglalakad.
Anong problema ng mga 'to?
"See, bakit kaya nila tayo tinitignan? Dahil ba maganda ako?" sabi niya saakin, napairap ako sa sinabi niya dahil ang aga -aga ba't parang ang lakas ng hangin sa paligid.
Magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako, "Oh, 'wag ka ng kumontra!" sabi niya na para bang nananakot kaya binago ko na lang ang usapan.
"Anyway, akala ko ba hindi mo nakita yung pinto sa dream game kahapon, why did you lie to me?" tanong ko sa kaniya, sandali siyang natigilan sa tanong ko at tumingin saakin.
"Ahh, 'yon ba? I was about to surprise you when I got the reward eh kaso spoiler itong si kuya mong naginform saatin kanina kaya wala ng excitement. Tsaka hindi mo rin naman sinabi na nakita mo rin ito, so fair lang right?" sabi niya at tumatango-tango lang ako.
"Hindi ka ba nacucurious? about sa purple na pinto na nakita natin?"
"I am, kaya nga 'di rin ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa mga pangyayaring 'yon. Naweweirduhan ako, para akong masisiraan ng ulo. I didn't experience that before." sabi niya saakin, makikita mo sa mukha niya ang magkahalong kuriosidad at pagkalito.
"Same feeling, tsaka did you open the door? Have you seen Mr.Aguiluz?" muli kong tanong.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa tinanong ko, "Si Mr. Aguiluz ang nakita mo? Hindi ko siya nakita pero alam mo kung sino ang nakita ko?"
Kunot-noo ko siyang tinignan, "Who?"
"Si Ms. Martinez."
"So it means----"
"Excuse me, please excuse me. Kailangan namin magmadali."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may isang lalaking kumakaripas ang takbo at sa likod niya ay may isang babaeng namumula ang mata at hindi mapigilan ang pag-iyak. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking 'yon ay yung kaninang naginform saamin kanina.
Halos lahat kami na naglalakad ngayon ay napatigil at natuon ang atensyon sa tumatakbo dahil sa kuriosidad na bumalot sa aming isipan. Nakita naming pumasok sila papasok doon sa katapat ng room namin.
Mukhang may hindi magandang nangyari.
"Ano kayang nangyayari 'don?" tanong ni Michelle, makikita mo sa tono niya na curious siyang malaman ito. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula muling maglakad.
Kailangan na namin magmadali dahil ilang oras na lang magsisimula na ang klase, kailangan pa namin dumaan sa Academic Head Office.
Marami na ring nagkakalat na estudyante ngayon, makikita mo sa mga mukha nila ang excitement. Sa tulong ng school map na binigay nila saamin for guide ay hindi kami nahirapang makapunta agad sa building kung nasaan ang guidance office.
Nang makarating kami sa Academic Head Office na nasa first floor lang. Nadatnan namin ang isang babae at tatlong lalaki na naghihintay sa pinto nito na may iba't ibang pinagkakaabalahan.
Mukhang katulad namin ni Michelle ay nandito rin sila para kunin ang premyo dahil sa pagkapanalo sa dream game.
"Hi miss, pwede magtanong? Bakit nandito pa kayo sa labas? Sarado pa ba itong Academic Head Office? Wala pa ba si Ms. Lopez?" tanong ni Michelle sa isang babae na nakasandal sa pader at kasalukuyang nagaayos ngayon ng kanyang buhok.
Napatigil ito sa ginagawa at tumingin kay Michelle, maamo ang mga mukha nito. Maputi at matangkad, kulay light brown ang kaniyang buhok. Hindi maitatanggi ang kaniyang kagandahan.
"Obvious ba? You think maghihintay kami dito kung nakabukas na ang Academic Head Office? Common sense naman girl." tugon nito kay Michelle habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay.
Nagulat kami sa inasta niya, napatingin ako kay Michelle na tila nainis sa pamimilosopo ng babae na ito. Sa kabila ng maamo niyang mukha, may pagkamasungit pala siya.
"Nagtat---" tatarayan rin sana ni Michelle yung babae kaso pinigilan ko na hangga't maaga.
"Huwag mo lang pansinin" bulong ko sa kaniya.
Mahirap na, nasa harapan kami ng Academic Head Office ngayon. Kung papairalan niya yung inis niya baka madiretso kami sa Guidance office nito na malapit lang dito.
Maya-maya, dumating na si Ms. Lopez na medyo nagulat pa na tumingin saamin. Mukhang nagulat siya dahil mas nauna kami sa kaniya.
"Come in," sabi niya nang mabuksan niya ang pinto ng Academic Head Office, pumasok na kami agad at pinaupo niya kami sa mga extra chair.
Pumunta siya sa table niya at may inilabas na isang purple box dito na de susi at may ikinuha siya doong mga kwintas.
"Good morning students, I wanted to congratulate you. The game looks like a simple but it's really a tough game at bihira lang ang nananalo but you made it..." binigyan niya kami ng isang maganda ngiti.
"So here's your prize."
At isa-isa niya kaming inabutan ng isang crescent moon necklace. It looks so expensive. Hindi ko man aminin pero nagustuhan ko ito.
"Wow, this is very beautiful, Ms. Lopez. Thank you so much" sabi ni Michelle na tuwang-tuwa dahil sa natanggap niya.
"No worries, you all deserve to receive a special gift like that. Please do take care of it. " sabi niya saamin, tumango lang kami sa sinabi niya.
"Thank you Ms. Lopez, actually napakatalino ng kung sino man ang nakaisip ng dream game na 'yon, it's a fun game for me" sabi ng isang lalaki, yung gulo-gulo ang buhok.
Natawa siya ng bahagya, "Actually students, the dream game you played yesterday is not just a simple game nor a fun game," she said.
Hindi man kami magkaclose anim pero nagkatinginan kami dahil sa kuriosidad na bumalot sa amin dahil sa sinabi ni Ms. Lopez.
"What do you mean by that, Ma'am?" hindi ko maiwasan mapatanong.
"It is also a game to identify who is SPECIAL AND MORE SPECIAL."