Lily's Pov
I opened my eyes and I am running in a place where I'm not really familiar with and a zombie is chasing me.
"WHAT THE HECK!" I shouted nang malapit na siya saakin, tumakbo ako ng mabilis.
Maya-maya, I realized that I am in a dream now, it's just a dream. Hindi ko ineexpect na makakatulog ako agad.
"STOP CHASING ME," muli kong sigaw sa kaniya, huminto ako sa pagkakatakbo. Inisip ko that I am strong with this zombie.
Sinipa ko siya ng buong lakas hanggang sa maglaho na lang siya na parang bula.
Sa lahat pa naman ng mapapaniginipan ko, ito pa?
Naupo ako mula sa gilid, kinalma ko ang sarili ko. Agad kong pinalitan yung scenario ng panaginip ko like I usually wanted to saw in my dream at sa isang iglap.
Nagbago na yung paligid and I saw the beautiful looks of moon. Nakaupo na lang ako ngayon sa buhanginan at kasabay nito ang malakas na alon mula sa dagat dahilan para mabasa ang damit na suot-suot ko.
I love dreaming like this because it makes me happy and I feel like I am in a peaceful place. Sayang nga, hindi ko na siya naiishare kay dad like I used to do when he is still alive.
"In your own dreams, you have to find a door and open it"
Napatayo ako nang maalala ko yung sinabi ni Mr. Aguiluz kanina, which is yung mechanics ng game.
Wala kong ideya kung ilang oras na ang lumipas but in order to win a game, I need to find a door within 30 minutes.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, kung saan ako magsisimula.
Ayokong ilibre si Michelle, for sure na mahal ang mga bilihin dito. Nagtitipid ako at kailangan ko pa bumili ng gamit bukas.
At isa pa, nacucurious talaga ako sa tunay na pinto daw dito sa mundo ng panaginip.
Sounds weird, right?
Naglibot-libot lang ako sa paligid, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Like playing in other game, wala akong maisip na strategies na kailangan kong gawin to win.
Napakaunique naman kasi ng game na 'to at parang ang imposible naman ng pinapahanap nila saamin. Naiisip ko tuloy kung pinagtitripan lang nila kami.
"Is a real door truly exist?" I feel like crazy while asking myself.
Lumipas ang minuto at paikot-ikot lang ako sa panaginip ko, hindi ko pa rin nakikita yung pinto. Para akong naglalakad ng walang katapusan, na hindi umuusad.
I am wondering if someone already found a real door. Kung nahanap na niya, saan at paano?
Patuloy lang akong naglalakad habang nagmamasid sa bawat sulok, kahit nasa loob lang ako ng isang panaginip nakakaramdam pa rin ako ng pagod. Naniniwala ako na hangga't hindi pa natatapos ang oras mayroon pang---
"Teka, ano 'yon?" mahina kong tanong sa sarili ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may aksidente akong nakita na isang kulay purple na bagay na kay liwanag 'di kalayuan. Hindi ko mawari kung ano ang bagay na 'yon.
Nanliit ang aking mga mata nang makita ko ito, tinitigan ko siya ng maigi at napakurap-kurap. I do make sure that it is not based on my imagination.
Hindi ko namamalayan na papalapit na ako. Para niya akong tinatawag at sinasabing lumapit sa kaniya.
Habang lumalapit ako, mas lalo siyang lumiliwanag na tila isang ilaw hanggang sa manlaki ang mata ko na makita kong isa siyang pinto.
Napahawak ako sa bibig dahil sa pagkamangha, "Is this real? Seriously?"
Hindi talaga siya base sa imagination ko? How is this possible?
Wala na akong sinayang na oras pa. Bago pa mahuli ang lahat, hinawakan ko na yung doorknob at agad na binuksan yung pinto.
When I opened the door, nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
I saw him looking at me. Muli akong napakurap-kurap sa pagkabigla.
"M-Mr. Aguiluz?" nauutal kong saad.
Napansin ko na nanlaki rin ang kanyang ang mga mata when she saw me pero kalaunan ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Congratulations, you won" narinig kong sabi niya.
Lalapit na sana ako sa kaniya para magtanong pero ilang segundo ang lumipas, bigla na lang siyang naglaho na parang bula sa paningin ko.
Wait, is it part of my imaginati---
Nagising ako dahil sa isang maingay na tunog, the lights are already open.
Inalis ko yung panyo na itinali at itinakip ko sa mata ko at dali daling umupo ng maayos.
Napahinga ako ng malalim, ang bilis ng t***k ng puso ko. May aircon naman pero pinagpapawisan ako.
"Time is up" sabi ni Ms. Martinez at umingay nanaman sa loob ng Auditorium at nagtatanong sa isa't isa patungkol sa game.
"Ano ba naman yan, hindi ko mabuksan yung pinto. Bakit ganon?" reklamo ng isang estudyante.
"Did you see the door? Ako kahit anong hanap ko, hindi ko makita" gulat na gulat na sabi ng isang estudyante sa katabi niya.
"Same, nakakainis gusto ko pa naman manalo"
"May nanalo kaya? Kung gayon, paano nila nabuksan yung pinto?" sabi pa ng isa.
"Ang sabihin mo, paano nila nahanap yung pinto?"
Marami ang naging dismayado saamin dahil sa hindi nila nahanap yung pinto at yung iba dahil nakita nga nila pero hindi naman mabuksan.
Habang ako, hindi ko pa rin ineexpect na nabuksan ko yung pinto at lubos na nagtataka dahil sa nakita ko si Mr. Aguiluz.
Tunay ba talaga yung nakita ko?
I shake my head, I feel like so weird right now because of what happened.
Napasulyap ako sa pwesto ni Michelle na gising na rin kinukusot-kusot ang mga mata.
"Did you see the door?" I asked her immediately.
Dali-daling lumungkot ang kaniyang mukha at parang dismayado, "Sadly, no Ikaw ba?"
What the heck, hindi talaga ako makapaniwala.
Sasagutin ko na sana ang katanungan niya pero natuon na yung atensyon namin sa stage.
"Welcome to the reality, new students," halos magsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko muli ang boses ni Mr. Aguiluz, patuloy na tumatakbo sa utak ko yung mukha niya, yung sinabi niya kanina sa panaginip.
Hindi pa nagsisimula ang pasukan pero ba't parang mababaliw na ako dahil sa mga weird na nararanasan ko ngayon.
"I just wanna say congratulations to all the winners, alam niyo na kung sino kayo and for those people who did not win, you still did a great job. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili."
"Ang swerte naman ng nanalo"
"Seriously, may nanalo? Paano nila nahanap yung pinto?"
"Pambihira, totoo nga yung pinto? 'Kala ko biro lang"
"Sino kaya yung mga nanalo? Ang galing naman nila."
"Sana all."
Naririnig kong komento ng mga nasa paligid ko habang ako ay hindi maiwasang mapatulala.
"That's all for today, I hope all of you enjoyed the game. You can go back to your dorm already and rest. Again, WELCOME TO CRESCENT HIGH."
Sandali pa siyang nagstay sa kinatatayuan niya, he is looking to somebody at nagulat ako nang biglang nagawi yung tingin niya saakin.
He smiled and nod at me bago tuluyang bumaba sa stage at para akong naistatwa sa kinauupuan ko.
Paano nangyaring nakita ko siya sa panaginip? Anong ibig sabihin nang pinto na 'yon?