Lily's Pov
A Dream game?
Nagkatingingan kaming dalawa ni Michelle at kunot-noong tumingin sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Napuno ng kuriosidad ang buong Auditorium while Mr. Aguiluz just seriously looking at us na parang pinagmamasdan ang mga reaksyon naming lahat.
"Yes, you heard it right. We will play a game in a dream. Interesting, isn't it?" binigyan niya kami ng isang nakakalokong ngiti.
Parang naging kulisap ang mga bawat isa sa amin na lumilipad dahil sa mga bulung-bulongan at samu't saring opinyon nila.
"What do you mean, Mr. School Director? Nagbibiro ka ba? Impossible 'yang game na sinasabi mo." isang lalaki ang nagtaas ng kamay at tumayo para magtanong.
"I know some of you are curious about this dream game but I swear I'm not kidding you, new students."
"But how? How can we play a game together? We, lucid dreamers, can control our dreams but can't meet in a dream." sambit ng isang lalaki na napapailing.
Bahagyang natawa si Mr. Aguiluz bago muling magsalita, "Who told you that you are playing a game together? It is an INDIVIDUAL game and not a group, you will play this game on your own dream."
Kahit ang daming nagrereklamo, he is still calm and standing in that stage with full of confidence.
Ang lakas talaga ng dating niya.
Mukhang naclear naman sa lahat dahil tumahimik na ang paligid habang ako ay hindi ko pa rin maiwasan mapatanong.
What game are we going to play in a dream individually? Tagu-taguan? Habulan like we used to play before when we were still kid?
Napakrus ako ng mga braso, this dream game thing makes me extremely curious.
"I want you to listen and focus while I am explaining the game, if there is any problem you can ask a question." he said at sinenyasan niya si Ms. Martinez at inabot sa kanya ang isang remote.
Suddenly, biglang may nagtaas ng kamay at tumayo, isang matangkad na lalaki na nakapamulsa.
Gulo-gulo ang buhok nito at tila tamad na tamad, "Pwede po bang hindi sumali?" tanong niya.
Mabilis na napailing si Mr. Aguiluz, "I am sorry but everyone is required to play the game, don't worry it's fun I swear. This is the game you will never play in your life again so don't miss this chance."
We have no choice.
Bumukas bigla yung malaking screen sa gilid ng stage at lumabas dito ang isang presentation na may nakasulat dito na "Finding the Door: A Dream Game"
"We did prepare a presentation so that you will fully understand the game and as you can see we called this Dream Game, Finding the Door" pagpapaliwanag niya.
Napangiwi ako, finding the door? So hanapan ng pinto ito? It's a dream game so the only thing that we need to do is just imagine a door, that's it.
Are they kidding us? Tss.
"Simple lang ang mechanics ng game. In your own dreams you have to find a door and once you find it, try to open that door. That's it, is it easy right?" masayang pagpapaliwanag niya, sumang-ayon naman ang iba saamin.
"But this door is a real door and not based on your imagination."
What? Huh?
Napaawang ako ng bibig sa sinabi niya at tila naguluhan, a real door that is not based on our imagination? Nababaliw na ba sila? Muling napuno ng ingay ang Auditorium.
"A real door, may totoong door sa panaginip?" nagtatakang tanong ni Michelle.
"Paanong nangyari yon, Mr. Director? Seryoso ka ba sa larong ito?"
Mukhang malabo pa sa malabo ang makakita ng ganito. Lahat ng bagay na nakikita namin sa panaginip ay base lang sa naiisip namin but if it's true, it's kind of interesting and a challenging game.
"Yes, a real door in the dream truly exist at kailangan niyo mahanap 'yon" matipid niyang sagot.
"Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ng iba.
Nang muling tumahimik ang paligid, nilipat niya sa next slide yung presentation.
"You only have thirty minutes to find the door and those students who find and are able to open this will win a game and will receive a prize, just enjoy. Understood?" he said pero inexplain pa niya ulit hanggang maging clear sa lahat.
"But Mr. School Director..." sabi ng isang student na napapakamot pa sa ulo.
"Since it's a dream game, we have to sleep, right? Paano kami matutulog? I mean will you let us sleep sa kinauupuan namin?" pagpapatuloy niya.
"Thank you for asking that because I forgot to tell you that it's one of the challenges for this game. You have to learn how to sleep even you just sit" he said at may reklamo nanaman ang iba.
Wow huh, they are really serious in this game. It looks like everyone is curious.
Well, even me. Hindi ako makapaniwala sa larong ito.
"At may isa pa pala akong bagay na hindi pa nasasabi sa inyo,"
"I will play instrumental music that will help you to sleep deeply. Once you hear this, you will fell asleep quickly. It's proven and tested."
Pinagprepare na niya kami ng tuluyan, sakto na nagpalaro sila nito ngayon, dahil medyo nakaramdam na ako ng antok, posibleng makatulog agad ako.
Itinali ko muna ang buhok ko at ikinuha ko sa bulsa ko ang panyo para i-cover sa mga mata ko bago tuluyang sumandal sa kinauupuan ko ngayon.
"Good luck, Lily. Pustahan tayo?" natawa ako sa sinabi niya.
"Hay nako Michelle, ano nanamang kalokohan ang naiisip mo? Anong pustahan ka d'yan?"
"'Pag nanalo ako, ililibre mo ako sa mamahaling restaurants dito. Kapag naman ikaw ang nanalo, ikaw ang lilibre ko. Ano deal?"
"Alright" sabi ko na lang, for sure pipilitin niya pa ako kung hindi pa ako pumayag.
"Tignan na lang natin kung manalo ka saakin" pagmamayabang niya.
Hindi ko na lang siya sinagot, nirelax ko na ang sarili ko. Nag-imagine ako ng mga relaxing na bagay, nakakatulong ito saakin para madali akong makatulog.
Maya-maya, namatay ang lahat ng ilaw dito sa loob dahilan para mapasigaw yung mga ibang students dahil doon.
"Required bang nakapatay ang ilaw, Mr. Director?"
"Don't be scared, trust me when the lights are off mas madaling makakatulog. Anyway, The time will start at 1 minute, I will play this instrumental music now. Please enjoy, stay focus, and find the door quickly. Good luck!"
Okay, I am ready.
Tumahimik na ang paligid, sinimulan ng iplay ni Mr. Aguiluz yung instrumental music. Sobrang sarap niya sa pandinig, pumapasok ang bawat himig nito sa aming tenga.
Unti-unti nararamdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko.
Hanggang sa...