Lily's Pov
IT took me time to sleep because we're just waking up this morning. Halos kalahating oras pa yata ang ginugol ko bago ako dapuan ng antok at makapunta sa loob ng panaginip.
I prepared myself, nang matanaw ko na ang kulay purple na pinto ay tumakbo na ako dito at hindi na nagdalawang-isip na lumabas.
As I go to the Crescent World, napalingon ako sa aking gilid dahil may isang lalaki ang sumisigaw dito at humihingi ng tulong.
"TULONG!" malakas na sigaw na ito at gumagapang siya paatras habang ang evil dreamer ay tila nageenjoy sa ginagawa niya at tinapatan niya ng baril ang isang binatilyo.
Naglakad ako ng dahan-dahan at bahagyang nagtago, kumuha ako ng isang arrow sa aking likod at dali-dali kong itinapat sa kaniya ang pana.
"AHHHH!" sabi nito nang matamaan siya sa likod, napaupo siya ngayon at namimilipit sa sakit.
Wala akong sinayang na oras, lumapit ako sa direksyon niya at gigil na pinagtatadyakan siya, pinagsusuntok hanggang mawalan siya ng malay.
Dali-dali akong pumunta sa direksyon ng lalaki habang nakasandal sa isang gilid habang yakap ang kaniyang mga tuhod dahil sa takot. He is also crying and breathing so fast.
"Hold my hand, kailangan mo na makabalik sa reality," sabi ko.
Hinila ko ang kaniyang mga kamay at umalis na sa pwesto namin, "Teka, alam mo ba kung saan ang room mo?" tanong ko muli.
"Hindi po," sabi nito.
"Pero natatandaan mo kung saan ka lumabas?"
Tumingin siya sa bawat pinto na nakikita niya, tila naguguluhan siya at nalilito dahil dito, "Hindi po ako sigurado pero sa pagkakatanda ko, dito po kami lumabas ng hilahin niya ako." sabay turo niya sa pinto na walang ilaw na nasa bandang kanan niya.
It might be his room dahil kapag walang ilaw ang isang pinto it means ay nasa labas ng Crescent World o nasa realidad ang isang dreamer.
Tumango ako at binuksan ko ang pinto niya, napakadilim nang makapasok kami at mga ilang segundo ang lumipas bumungad sa'min ang isang malinis na tubig at sa gilid nito ay may isang bangka at sagwan. Napatingin ako sa kalangitan, it's color purple.
"This is my room, this is what I always imagine," tugon niya.
He managed to create his own world in this room, it truly means that this is his own room. Naalala ko na tinanong ni Ian ang patungkol dito during class at ayon kay Mr. Peligro, walang sinumang makakapagimagine sa sarili mong panaginip kundi ikaw lang, sarili mo lang.
When someone goes inside your dream room, he/she cannot control it because this is your property.
"Ano na pong gagawin ko?"
Nakasakay na siya ngayon sa isang bangka, rinig na rinig ko ang tunog ng malakas na alon.
"You have to go back to the reality, you have to wake up at hihintayin kita hanggang sa makabalik ka," sabi ko.
Tumango naman ang lalaki, nginitian niya ako. Ngayon ko lang napansin na napuruhan din siya ng evil dremer, he got bruise in his face.
"Thank you for saving me," huling sambit niya at sa isang iglap bigla na lang dumilim ang paligid.
Huminga ako ng malalim, I am glad he's saved.
Dali-dali akong lumabas ng dream room niya, yung evil dreamer na pinana ko na ay nanatili pa ring walang malay. Tumingin-tingin ako sa paligid, maya-maya may narinig nanaman akong mga kababaihan na tumitili at humihingi ng tulong.
I followed their voice at nakita ko ito sa pinakadulo, katapat ng hagdanan. Magkayakap ang dalawang babae at hindi magkamayaw sa kakaiyak. The evil dreamer has something in its hand, isang armas na maaari niyang gamitin sa dalawang babae.
"No one will hear you here, it is the end of your----"
Bago pa siya tuluyang makalapit sa dalawang babae ay tumakbo ako sa pwesto nila, tumalon ako at malakas siyang sinipa sa tiyan dahilan para mapaatras siya ng bahagya at iniinda ang sakit.
I saw its eyes, I saw that it is literally furious right now.
"Who the heck are you?" inis na tanong niya sa'kin.
Nang marinig ko ang boses niya, maliit ang mga ito na parang ipit. I am sure that she's a girl.
I cleared my mind and focus, "TELL ME! WHO THE HECK ARE YOU?" tanong niya muli sa'kin.
Napangisi ako, "Why do you need to know about me? Pwede ba, stop attacking those lucid dreamer. Ako ang harapin mo, ako ang labanan mo," matapang na sagot ko sa kaniya.
Matagal na akong gigil na gigil sa kanila, they are putting everyone into danger.
"AHHH!" sabi nito at daling tumakbo sa'kin at malakas niya akong sinipa dahilan para tumalsik ako na pagkalayo. Kung hindi pa ako nakahawak sa isang doorknob ay tiyak na mangungudngod ako.
Damn, they are really too strong. Paano kami makakatalo kung may ganito silang abilidad?
Agad akong tumayo at tinignan siya ng masama, "Nasaan ang tapang mo? Ba't parang magaling ka lang sa salita pero hindi sa gawa?" sabi nito sa'min dahilan para maoffend ako.
Napakuyom ako ng kamao, nananatili ko siyang tinignan ng matalim habang siya ay nakangisi.
"Wanna feel some?" at muli niya akong inatake.
Susuntukin niya sana ako kaso ay mabilis ko itong naiwasan, hinawakan ko ang kaniyang kamay at binali ito dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
"SUMUSOBRA KA NA!" sigaw niya at kinuwelyuhan niya ako at isinandal sa pader.
Ramdam ko ang pangangatog ng kaniyang mga kamay, maya-maya ay isinandal naman niya ako sa isang rail at anytime pwede niya akong ihulog dito. Nalula ako ng makita kong malalim ang huhulugan ko at maaari akong mabagok.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ko magawa, mahigpit niya akong kinukwelyuhan. Maya-maya ay nagsisigaw-sigaw siya at sunod-sunod akong pinagsusuntok, bawat suntok niya ay feeling ko ay mababali ang mga buto ko sa mukha.
"TUMIGIL KA NA!" sabi ko at buong pwersa ko siyang sinipa sa kaniyang private part.
Napatigil siya at napalayo sa'kin, habang iniinda niya ang sakit ay inatake ko na muli siya. Hinawakan ko ang kaniyang ulo at galit na galit kong inumpog ito sa pader dahilan para mawalan siya ng malay.
Napatakip ako ng bibig nang makita kong tumutulong dugo sa sahig mula sa kaniyang ulo. Hinubad ko ang kaniyang hood at tumambad sa'kin ang isang maamong mukha ng babae, lumapit ako sa kaniya at chineck kung humihinga pa.
Napahinga ako ng malalim, I am sorry for her.
She's dead and I didn't mean it.
Napasandal ako sa pader at hingal na hingal. Ramdam ko rin ang hapdi ng aking mukha dulot ng pagsuntok niya kanina. Nalalasahan ko rin ang dugo sa aking labi.
"Ate, ate, ayos ka lang?" nabaling ang tingin ko sa papatakbo na dalawang babae.
Napasigaw sila at napaatras nang makita nila yung babae na ngayon ay namumutla na at mayroong dugo sa kaniyang ulo.
"Let's stay away from here," sabi ko sa kanila at sinundan nila ako papalayo.
"Lily," tawag sa akin ng isang pamilyar na boses, it's Mr. Van.
"Bakit ka nandito? Kumusta si Michelle, balita ko ayaw niyang magising," sabi nito at habang hinihingal pa.
Mayroon siyang hiwa sa kaniyang mukha ngunit hindi niya iniinda dito, "Si Nef po ang pinagbantay ko sa kaniya. Kumusta? Nahanap niyo na po siya?" tanong ko.
"Wala na siya sa room niya nang bumisita ko, si Mr. Peligro ang naghahanap sa kaniya ngayon," sabi nito sa akin.
"I hope we find her within this day, hindi mapapanatag ang loob ko hangga't hindi siya nahahanap,"
Tinap niya ako sa balikat, "Don't worry Lily, lahat tayo ay ginagawa ang best natin para makaligtas. She will be fine, alright?" pagpapalakas ng loob niya.
Napasulyap naman siya sa dalawang babae na nasa likuran ko, "Sino ang mga ito?" tanong niya sa'kin.
"Ah, nadatnan ko silang inaatake ng evil dreamer. We were about to go in their room kaso hindi ko alam kung saan ito, even them." sabi ko.
"Alright, babalik na rin ako sa reality. Mr. Aguiluz wants me to go back to check what is going on there at this moment, ako na ang maghahatid sa kanila," sabi nito.
Tumango ako, "Mag-iingat ka," sabi nito sa'kin at naglakad na sila palayo.
Bumaba ako ng hagdan at nandito ako ngayon sa isang daanan, I wonder kung nasaan yung mga kasama ko? Napakatahimik na ng paligid.
Ibig sabihin ba na sa pwesto na ito ay kakaunti lang ang nabibiktima?
"SINO BA TALAGA KAYO? BAKIT NIYO GINAGAWA ANG LAHAT NG KAHAYUPAN NA 'TO?"
Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang isang lalaki na nakapatong sa tiyan ng evil dreamer at sunod-sunod itong pinagsasapak.
Nang matitigan ko ito ng mabuti, it is Ian.