Chapter 26 - She's in Danger

1127 Words
Lily's Pov HINDI agad ako nakatayo sa kinauupuan ko, my hands are shaking and my heart is beating faster. Kung 'di pa ako hilahin ni Lou, hindi pa kami makakasunod doon kila Mr. Peligro. I feel so very worried about Michelle. Habang mabilis kaming tumatakbo napatingin ako sa paligid, ang bigat ng pakiramdam ko. Unti-unti ay hindi ko napigilan ang mga luha na ngayon ay naguunahan ng magsibagsak. Nang makalabas kami ng building ay sandali kaming natigilan sa pagtakbo at nabigla kami sa mga nakikita namin ngayon. Mga estudyanteng nagsisitakbuhan din habang may buhat silang isang estudyante na mga walang malay. Nang makita nila kami ay agad silang naglapitan, "Tulungan niyo po kami, ang dami pong nabibiktima ngayong araw," sabi ng isang babae na hindi na mapakali sa kakaiyak habang buhat yung kaibigan niya. Maya-maya ay may dumating na apat na ambulansya, lumapit naman si Ian, Vin, and Lou doon upang ilagay yung ibang nabiktima sa ambulansya ngunit hindi ito sapat para mailagay ang lahat. Walang nagawa ang iba kundi tumakbo na lang papuntang hospital, maging kami rin. "Ian, I have a favor to ask you. Go to the Crescent World, please report it to Mr. Aguiluz. Hindi ko alam kung aware na sila pero if not, kailangan mo silang iinform patungkol sa nangyayari ngayon, susunod ako agad," sabi ni Mr. Peligro kay Ian at tumango-tango naman ito. "Sasama ako," sabi ko pero pinigilan ako ni Ian at sir. Tumakbo na siya sa papunta sa Dream Wanderer sleeping room samantalang kami ay nagpatuloy na sa pagtakbo. Ilang minuto rin ang tinakbo namin bago makapunta sa hospital, napakadaming tao ngayon at napakaingay at nagkakagulo. May mga naririnig akong nagwawala, nagiiyakan, at nagmamakaawa. Hindi na magkumahog ang mga nurses, hindi ko maiwasan maawa. Dumiretso kami sa isang room, inilagay si Michelle sa isang bed. Napatingin ako sa right side namin, may dalawang estudyante din ang nakahiga at may nagbabantay rin sa kanila. "Stay here, huwag niyong iwanan si Michelle. Kailangan ko pumunta sa Crescent World, kailangan nila ng tulong para mailigtas natin ang lahat," he said. "Teka sir, sasama kami. We are dream wanderers and we trained so well, we can able to fight for them already, " sabi ni Lou. "Pero ipinagbaba---" "No buts, sir. Let's go," sabi ni Lou at nauna na kay Sir lumabas at sumunod na rin si Vin. "Lily, stay here, kailangan ng magbabantay sa kaniya dito," sabi ni Mr. Peligro. As long as I want to go to the Crescent World and to help them, wala akong choice para magpaiwan. Napahinga ako ng malalim, overthinking hits me right now. Paano kung hindi na siya magising? Napasabunot ako at nagpalakad-lakad sa loob ng room. Hindi ko namalayan may tumutulo ng luha sa aking mata. "Michelle... Michelle" Maya-maya may isang nurse ang pumunta. "May I know her name?" "Michelle Rodriguez po" sabi ko at isinulat ito ng nurse sa hawak niyang information book. "Okay, thank you" sambit ng nurse at lumapit sa natutulog na si Michelle at 'di kalaunan ay may umalis na rin. Maya-maya ay may nagmamadali ring pumasok, pagtingin ko si Nef. Magaling na magaling na siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at dali-dali siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. "Hey, stop. She will be alright, we have to pray for her safety" he said, hinimas himas niya ang likod ko, tinatapik-tapik niya ang likod ko dahil napapahikbi ako ngayon sa sobrang takot at pag-aalala. "Paano kung hindi nila siya mahanap, paano kung hindi na siya makabalik sa realidad, paano kung---" "Ssshhh, don't say that. This is not the time for us to be pessimistic." At may kinuha siya sa kaniyang bag, "Oh, uminom ka na muna ng tubig. Please do your best to relax, walang mabuting maiidulot kung magpapanic ka. Hinga ng malalim, inhale...exhale." sabi ni Nef at inabutan niya ako ng isang bote ng tubig. "S-salamat" Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at ininom ng straight ang tubig. Napatingin muli ako sa direksyon ni Michelle, hinawakan ko siya sa kamay. "Please, wake up. Hindi ko kaya na mawalan muli ng isang importanteng tao sa buhay ko," bulong ko. I hope she will wake up as earliest as now, sana talaga mahanap na nila siya. Kahit na napakaraming tanong ng babae na 'to, napakakulit at minsan nakakainis, I considered her as one of the important people in my life. "Nasaan yung iba? Bakit ikaw lang ang mag-isa dito?" tanong ni Nef. "They are in the Crescent World, paano mo nga pala nalaman na nandito kami?" "Ian texted me, nang makapag-ayos na ako at sinabing pwede na akong lumabas ay dumiretso agad ako dito," sabi niya. Tumango-tango lang ako, "Gusto ko sanang pumunta kaso sabi ni Ms. Alisah na hindi pa ako pwedeng makipaglaban ulit, grabe yung ginawa no'ng evil dreamer sa'kin," sabi ni Nef. "Balita ko na inatake ka rin daw ng evil dreamer," sabi nito. Bahagya akong tumango, "Yes," "What happened? I am happy that you're fine," sabi niya. At ikinuwento ko sa kanya ang karanasan ko sa pag-atake ng evil dreamer sa'kin. "Grabe, napalakas nila. Binigay ko na lahat ng lakas ko but he managed to defeat me," "He? so ibig sabihin lalaki siya?" tanong ko. He just nod, "And how did you know that he's a boy?" "Natanggal ko yung hood niya at nakita ko ng malinaw ang pagmumukha niya," Nanlaki ang mga mata ko, "Really? Nasabi mo na ito sa mga teachers?" sabi nito. "No, not yet. Wala pa namang nagtatanong," sabi niya. "You should, it's a big help," "Yes, I will. Alam mo ba nang makita ko yung face niya, nanggigil siya sa'kin at mas lalo siyang naging malakas dahilan para masaksak niya ako sa tiyan at mabugbog niya ako. Buti na lang at may isang tao na tumulong sa'kin at pinigilan niya yung lalaki dahilan para makatakbo ako at makatago," "Huh? Isang tao? Sino ang taong ito?" Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam, it also wears katulad ng suot ng mga evil dreamer pero sigurado akong hindi siya isa sa kanila. Kung isa siya, hindi naman niya ako ililigtas diba?" tanong niya. "but that's weird," sabi ko. "Yes, if I were given a chance to see her/him again I will thank him/her," sabi niya. Maya-maya muli kaming napatingin kay Michelle at napatayo ako ng di oras at napalapit sa kaniya nang biglang may lumitaw sa kaniyang mga braso na tatlong mga mahahabang sugat na parang hiniwa, hindi niya matigil ang pagdurugo nito. "Nurse, help! NURSE!" sigaw ko. Napahinga ako ng malalim, hindi nanaman ako mapakali. Damn, mukhang hindi pa nila nahahanap si Michelle. Hindi ako makapaghintay. "NEF!" tawag ko dito, "Ssh, lily kumalma ka la----" "Bantayan mo muna si Michelle, I want to go in Crescent World. I need to help," "Pero----Lily, mag-iingat ka,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD