Chapter 16 - Have fun

2569 Words
Lily's Pov Two weeks had passed. Finally, after a few weeks of massive focus and patience, we managed to know the strategy on how to open the door easily. Akala ko hindi ko siya talaga magagawa at napressure pa ako dahil ako ang huling nakarealize ng dapat gawin. Ang tanging paraan lang pala para makapunta doon ng mabilisan ay dumiretso lang dapat kami sa kanan, huwag kaming liliko o pupunta sa kaliwa dahil maliligaw at maliligaw talaga kami at hindi talaga namin makikita yung pinto. Ako man ang huling nakagets ng strategy, masaya ako dahil nagawa ko naman and I think that is what matter the most. It should be one week training pero dahil hindi namaster ng lahat ito kaagad umabot kami ng two weeks. It's our rest day today. Ngunit pinatawag kami ni Mr. Van para sa panibagong bagay na itetraining namin, wala daw dapat kaming sayanging oras at kailangan na niyang maturo sa'min ang lahat. Simula ng inaannounce ni Mr. Aguiluz na kumikilos na muli ang mga evil dreamers sa pambibiktima, halos lahat ng tao ay niyayakap na ng takot at pagkabalisa lalo na at nadadagdagan pa ang bilang ng mga nabibiktima nila. Ayon sa sinabi sa'min, ang latest na nabibiktima na ay walong katao dito sa Crescent High ngunit posibleng may nabibiktima rin silang ibang tao na hindi nag-aaral dito o hindi aware na lahat kami ay nasa kapahamakan. There is a tendency also na pwede rin nilang atakihin ang mga normal na tao na nananaginip. It's very sad and terryfying to think, lahat ng tao ay damay dito. Lahat kami ay nababahala dahil anytime pwede nila kaming puntahan sa sarili naming panaginip at biktimahin kami. If we only can lock our door, gagawin ko talaga 'yon pero nang tinanong ko ito kay Mr. Peligro walang way para magawa ang bagay na 'yon kaya ang kailangan lang namin gawin ay idefend ang aming sarili hanggang sa aming makakaya. Sa loob ng dalawang linggo, walang araw na hindi pumupunta sila Mr. Aguiluz at iba pang dream wanderers sa Crescent World. Yung iba ay nakabantay sila doon para kung anytime man na may umatake sa isang dreamer maliligtas at maliligtas sila. Samantalang yung iba naman ay busy sa paghahanap ng mga nabiktima, hangga't maaga inaalam na nila kung saan ngayon kasalukuyang nagtatago ang mga evil dreamers nang sa gayon ay mailigtas ang mga nabiktima sa lalong madaling panahon. Sa totoo lang, gustong gusto na namin tumulong ngunit hindi pa rin kami inaallow dahil kailangan mo na raw namin magtrain at doon daw dapat kami magfocus. "You're all here," sabi ni Mr. Van nang makarating kami sa training room. Nakakatuwa na sabay-sabay kami kaninang nagsilabas sa aming room dahilan para magkasabay rin kaming makapunta dito. "Ano po ang itetrain natin today, Mr. Van?" tanong ni Ian. "I will be going to teach you how to defend yourself, I will give you some tips on how to fight and how to defeat evil dreamers." Napanganga ako sa sinabi niya at napabuntong hininga. Kung no'ng last training namin, kinailangan namin maimprove ang aming critical thinking skills and how to strategize well ngayon naman kailangan naming iimprove ang aming physical body. We have to be flexible with it. Kakayanin ko ba 'to this time? "Oh anong mga mukha 'yan, bakit parang down na down kayo?" natatawang tanong ni Mr. Van sa'min. "Sir, mukhang ito hindi ko na talaga kakayanin," walang gana na saad ni Michelle tila nawawalan ng pag-asa. "Michelle, ayan ka nanaman. Don't make yourself down, kung nagawa niyong mapagtagumpayan yung last training. I am gonna make sure na makakaya niyo rin ito, trust yourself, trust the process," paglalakas ng loob sa'min ni Mr. Van. "Kaya nga guys, kaya natin 'to. Kayo pa ba? Lalakas niyo kaya," energetic na sabi ni Nef, makikita mo sa kaniya ang fire na gusto niyang matutunan ang lahat ng mga bagay na dapat naming malaman. Sa bagay, bukod sa pag-isip ng strategy, pagbuild ng mga plano. Ang pagkakaroon ng knowledge sa pakikipaglaban ay isa ring nakaimportante dahil sa pamamagitan nito we can defend ourselves, we can save for those who need help, and we can DEFEAT evil dreamers. Sa pagharap sa isang mabigat na sitwasyon na ito, nararapat na maging matatag kami both physically and mentally. "Tama, we can do this," Ian said. Mr. Van walks towards the center area of the training room, "Alright students, please stand here properly," sabi niya at umecho ito sa loob ng room. We immediately followed him at pumunta sa gitna. "Alam kong makikipaglaban tayo, hindi sa mundong ito kundi sa mundo ng panaginip. Pero bakit kailangan nating magtrain pa, diba? "The answer is, kung anuman yung mage-gain nating skills in reality, kung anuman yung mindset natin, kung malakas ba tayo o hindi sa mundong ito. Maaadapt natin ito sa loob ng panaginip, that's why it's very important to train also how to fight ngunit magtetrain din tayo sa dream world in the next day," Wala kaming nagawa kundi tumango, kahit na hindi talaga ako mahilig sa mga ganito kinakailangan ko itong gawin para sa ikakaimprove din ng sarili ko. Kaya mo 'to Lily, trust yourself. "Bago tayo magsimula, let's do stretching first. Makakatulong ito para maging flexible ang ating katawan," Naghanda na kami maging si Mr. Van, sinusunod namin ang mga pinag gagawa niya. Habang ginagawa namin ito ay ipinapaliwanag din niya kung ano ang tawag doon at kung ano ang mga kahalagahan. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil may panibagong bagay na naman akong nagawa na hindi ko nagagawa before. At some point, I'm thankful because it made me go out of my comfort zone. It may be hard pero ieenjoy ko na lang. Mas mabuting may natututunan din ako ng ibang bagay kahit papaano kaysa naman wala. Sampung minuto yata kami nagstretching, dito pa lang tagaktak na ang aking pawis at hingal din. "Okay, before we start. Five minutes break," Uminom muna kami ng tubig at nagpahinga sandali. Nilagyan ko na rin ng bimpo yung likod ko dahil baka matuyuan pa ako ng pawis at magkasakit at tuluyan na kaming nagsimula ulit. "Usually, when you meet an evil dreamer in Crescent World, lahat sila ay may dala-dalang weapon at ang karaniwang weapon nila ay isang knife. Hindi niyo ito mapapansin kaya maging aware kayo if that happens. "When one of them attacks you, always remember that they have a weapon," pagpapaliwanag niya. At tinuruan niya kami ng mga kailangan naming gawin kung paano namin dedepensahan ang aming sarili kapag may isang tao na sasaksakin kami. Pagkatapos niyang ituro 'yon, tinuruan rin niya kami kapag naman hinawakan kami sa wrist, sinasakal kami at iba pang maaaring gawin sa'min ng mga evil dreamers. It's a new knowledge for me. Hindi siya madaling gawin at hindi mo siya matatandaan talaga ng mabilisan kaya inadvice sa'min ni Mr. Van na magtrain kami hindi lang sa time ng klase kundi sa free time din namin. Pwede rin daw sa loob ng aming panaginip nang sa gayon ay maisagawa namin ito ng mabuti. "Also, kapag inaatake kayo ng evil dreamers, hindi natin maiiwasan na kabahan, tama? We need to overcome this as much as possible. Kailangan hindi tayo mauunahan ng takot kasi kapag nauna ang takot, there is a tendency na matataranta at mamemental block na tayo. Kailangan natin maging matapang at maging aware all the time," Pagkatapos ng apat na oras na pageensayo, lantang gulay ang bawat isa sa'min habang naglalakad. Tirik na tirik ang araw ngayon at saktong lunch na rin pala kami natapos kaya naman napagpasyahan naming kumain. "So sa tapsilogan ulit tayo kakain, 'di kayo nagsasawa?" sabi ni Nef na parang suyang suya na lagi niyang inoorder. "Pwede naman tayo kumain sa ibang restaurant," sabi naman ni Michelle. Pansin ko namang umiling-iling si Vin, "I am so sorry guys, tagtipid ako ngayon. Masyadong mahal yung pagkain sa iba, 'di kaya ng budget," At maya-maya may isang ideya na pumasok sa isip ko, I don't know kung mag-aagree sila, "Kung gusto niyo sa dorm room na lang tayo kumain, mamalengke na lang tayo," sabi ko. Nagkatiningan silang lahat at bahagyang napatango, "Saang room naman? Huwag sa'min 'di pa kami nakakapaglinis ni Nef," sabi ni Ian, pinangunahan na niya. "Sa room na lang ni Lou or Vin, tutal solo naman nila," sabi ni Michelle at napailing-iling naman yung dalawa. "No way," reklamo ni Lou. "Huwag sa room ko, makalat din," si Vin. "Sige, sa'min na lang pero ambag ambag tayo sa pagkain ah," sabi ko na lang para matapos na ang usapan dahil pare-parehas na kaming gutom na gutom. Nagawa pa nilang magtalo. "Li----" Magrereklamo pa sana si Michelle ngunit pinigilan ko na. We are about to go to the market, kaso narealize ko na namalengke pala kami no'ng nakaraan ni Michelle at meron pa kaming baboy na nasa refrigerator. "Kayo ba? May stock pa ba kayo?" tanong ko. "Meron sa'min tokwa, binili namin kahapon ni Ian," sabi ni Nef. "Kayo?" sabay tingin namin kila Vin at Lou pero umiling-iling lang sila. "Sige, magtokwa't baboy na lang tayo," si Ian. "Meron akong drinks, yun na lang ambag ko," si Vin. Tumingin naman kami kay Lou, nakabusangot na mukha niya kaming tinignan at nagdadalawang-isip pa yata kung sasama siya sa'min o hindi, "Ako na bahala sa kanin," "Oh 'yon naman pala eh, bilisan niyo na gutom na ako," sabi ni Michelle. "Teka, sino ang magluluto?" tanong naman ni Ian. "Si Michelle, masarap magluto 'yan," saad ko at proud na proud na tinuro siya. "Well," **** "Hay buhay, napakasakit ng katawan ko," reklamo ni Michelle at humilata sa kaniyang higaan. Halos kakatapos lang namin kumain, ang sakit ng tiyan ko ngayon at mukhang nabigla dahil sa gutom na gutom na talaga ako kanina. "Tumayo ka nga d'yan, kakakain mo lang," suway ni Lou sa kaniya. Gulat naman siyang tinignan ni Michelle at hindi makapaniwalang kakausapin siya nito. Napabangon ito mula sa pagkakahiga, "Lou? Ikaw ba 'yan? Hindi ko alam na concern ka pala sa'kin?" sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. Tinignan naman siya nito nang may pagtataka, "Alam mo, napakaweird mo talaga. I'm not concern about you, pinagsasabihan lang kita," inis na sabi nito. She even rolled his eyes. "Kala ko nagbago na, sungit pa rin pala," mahinang saad niya dahilan para matawa kami ng bahagya. Kahit na mahina ang pagkakasabi niya nito, narinig pa namin maging si Lou. "Anong sabi mo?" nakataas na kilay na tanong niya. "Wala, ang sabi ko nabusog ba kayo sa kinain natin?" "Oo naman, solve na solve. Sarap mo pala magluto, punta na lang ako dito everyday," malawak na ngiti pagkakasaad ni Ian, tinignan naman siya ng matalim ni Nef. "May problema ka ba sa pagluluto ko pre, sabihin mo lang," sabi nito kay Ian. Napahalakhak naman si Ian nang makita niya ang reaksyon niya at 'di ko maitatangging nakakahawa ang mga tawa nito, "What if I say yes?" tanong ni Ian habang tumatawa pa rin. Maya-maya bigla siyang sinakal ni Nef, makikita mo dito yung pabirong gigil na gigil siya. Nagulat ako nang gamitin niya yung itinuro ni Mr. Van sa'min kanina patungkol sa pagdefend 'pag sinakal kami pero syempre they make sure na hindi sila magkakasakitan. "Effective pala yung tinuro ni Sir, akala ko 'di siya magwowork," sabi ni Ian sa'min. "It's effective, naituro ito sa'min din no'ng nagenroll ako ng self-defense class," sabi ni Lou. "So it means, alam mo na lahat ng tinuro sa'tin kanina and master mo na siya?" tanong ko. Bahagyang tumango si Lou, "Me too, kung hindi niyo natatanong. Magkasama kami sa class before ni Lou at nagkakausap na rin kami," sabi ni Vin. Nanlaki ang mata ko dahil ngayon lang namin nalaman, it's kind of surprising kaya naman pala minsan may sarili silang mundong dalawa at sila lang ang nag-uusap dahil magkakilala na pala sila before pa lang. Now I know. "Easy peasy na lang pala sa inyo 'tong dalawa, ako nakakapanood lang ako minsan sa mga series eh and sometimes naaadapt ko rin," si Nef. "So may idea ka na rin?" si Michelle. "Yep but not good enough," So kaming dalawa lang talaga ni Michelle ang wala pa talagang knowledge tungkol dito? How poor we are. "But still guys, hindi ko pa rin kinokonsider ang sarili ko na magaling na dito. I will continue to train and I will still do my best to improve more," sabi ni Vin. "Ako, I didn't take class pero may idea na rin ako kung paano idefend yung sarili ko kasi simula pagkabata tinuturuan na ako ni Dad kung paano lumaban. Nagtataka nga ako kung bakit niya ako tinetrain before at ngayon ko lang napagtanto na dahil pala makakatulong sa'kin in the future especially nasa danger tayong situation," sabi ni Ian. "Speaking of danger, may nabiktima kaya ngayong araw?" tanong ko naman, all of a sudden. Nagkibit balikat lang sila, "Wala naman silang nababalita pa ngunit let us hope na 'di na ito madagdagan," si Vin. "Hopefully, takte kasi 'yang mga evil dreamers na 'yan eh. Ano ba ang rason nila para gawin nila ito?" inis na sabi ni Michelle habang nakahilata pa rin. "'Yan din ang tanong na gusto kong masagot at tsaka sino ba sila? They are also people like us or nageexist lang sila sa panaginip?" si Nef. "Even them, they don't know who are they. Hanggang ngayon, wala pa rin silang suspect. Kung hindi nila nagawang malaman kung sino ang mga ito before sure ako na mahihirapan din tayo malaman kung sino sila," sabi naman ni Lou. Napahinga ako ng malalim, biglang bumigat yung atmosphere, para kaming nastress sa pinag-usapan namin. Bakit ba kasi nagtanong pa ako kanina tungkol dito? "Anyway guys, let's not talk about it. May gagawin pa ba kayo ngayon?" tanong ko. Napatingin silang lahat sa'kin, masaya ako dahil 'di na ako naiilang o nahihiya sa kanila unlike no'ng first week. "Ako wala naman, what did you ask?" si Ian. "Let's use this time to do something that may help us to feel relaxed," sabi ko. Napangisi naman si Lou at napakrus ng mga braso, "At ano naman ang way para makapagrelax tayo?" "Hm, let's watch movie," aya ko sa kanila. Sandali namang tumahimik ang paligid, I let them decide. "Ano go ba?" muli kong tanong. "Yes, sure," sabi naman ni Ian at umagree ang lahat. "Sometimes, we need to have fun," Agad namang kinuha ni Michelle ang kaniyang laptop kung saan may laman na napakaraming mga movies. Kahit papaano, kailangan din namin makapagrelax at magkaroon ng time sa aming sarili dahil no'ng mga nagdaang linggo ay wala talaga kaming pahinga. Pag-aaral, training, minsan may meeting pa, ang pahinga na lang talaga namin ay kung saan matutulog na talaga kami. Nakakapagod sobra pero bawal sumuko. Sa oras na ito, sinulit namin ang kaonting free time namin dahil hindi kami nakakasiguro na magagawa pa namin ito sa mga susunod na araw, hindi namin alam kung ano mangyayari sa hinaharap kaya hangga't may oras para makapagrelax, hangga't may pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto naming gawin, hinding hindi ko 'to sasayangin. Sa pageenjoy namin sa panonood, nakaramdam kami bigla na parang may nagvibrate. Cellphone lang pala 'yon ni Vin, kinuha naman niya agad ito at aksidente kong nakita na may nagtext. "Guys," tawag niya, nagawi naman ang tingin naming lahat sa kaniya. "Hm?" "Magready daw tayo sabi ni Mr. Van, we will have a battle," sabi nito. "What? A battle?" tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD