Lily's Pov
AGAD na kumaripas ng takbo si Mr. Peligro nang marinig niya ang sinabi ni Kiara at kaagad naman niya itong sinundan. Nang tumayo si Vin at Ian para sundan sila Mr. Peligro ay sumunod na rin kami dahil sa matinding kuriosidad.
"Why are you following us? You should've stayed in your room," sabi ni Mr. Peligro sa'min nang mapansin niyang nasa likuran kami niya habang tumatakbo.
"We are also dream wanderers, it's our duty also to help you," sabi naman ni Vin at wala na siyang nagawa na pigilan kami.
"Teka, nasaan nga pala sila Mr. Aguiluz sir, pinuntahan ko ang lahat ng teacher pero hindi ko sila mahagilap," sabi ni Kiara.
"Sila Mr. Aguiluz ay nasa Crescent World with Van, yung iba ay hindi ko alam kung nasaan," tugon niya at maya-maya ay nakarating na kami sa dorm building ng junior high.
"What floor should we go?" tanong ni Mr. Peligro.
"At the 5th floor, sir"
Dahil kailangan namin magmadali, we have to use elevator at ngayon ko lang nadiscover na may elevator pala dito sa bawat building. Sa hagdan kami dumadaan ni Michelle palagi dahil clueless kami.
Malayo pa kami pero natatanaw na namin ang mga nagkukumpulan na estudyante sa pinakadulong room. Kahit hindi ko alam kung saang specific room ito, nagkaroon na ako ng ideya dahil sa mga tao.
Hindi pa ko nakakamove on sa pinanood sa'min ni Mr. Peligro tapos may mangyayaring ganito pa.
"Excuse me, students." sabi ni Mr. Peligro at binigyan nila kami ng isang espasyo nang sa gayon makapasok kami sa loob ng room.
Nadatnan namin 'don ang mga kalalakihan na ginigising ang isang lalaki habang yung iba ay pinapakalma yung babaeng humahagulgol at nangangatog sa isang sofa.
Nagawi yung tingin ko sa lalaking hindi na magising, nakahiga siya sa diretsong posisyon at namumutla na siya.
Hindi nagdalawang isip si Mr. Peligro at Kiara at lumapit sila dito, chineck nila kung humihinga pa ba o hindi.
"He's still breathing, kailangan natin siya dalhin sa hospital, Sir" sambit ni Kiara.
Sumang-ayon naman ang lahat, nang bubuhatin na sana yung lalaki ay nanlaki ang mga mata namin dahil nagkaroon ng dugo ang mga kamay ni Mr. Peligro, tinignan nila yung likod ng lalaki at mayroon itong sugat at 'di tumitigil ang pagdurugo nito.
Nakaramdam ng pagkataranta ang bawat isa, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko sa pagkabigla.
Evil dreamer ba ang may kagagawan nito?
Damn, huwag sana.
Sakto naman ang pagdating ni Mr. Jackson, may dala-dala siyang hospital bed na may roller. Dali-daling nagtulungan ang mga kalalakihan sa pagbuhat sa lalaki at ilagay siya doon. Walang sinayang na oras ang lahat, mabilis kaming pumunta sa hospital.
He needs to be save, kailangan niya mabuhay.
"Maiwan ko muna kayo, I will go to Crescent World. Malakas ang kutob ko na inatake siya ng evil dreamer because of his wound at the back," sabi ni Mr. Peligro.
"Mag-iingat ka, Sir," sabi naman ni Kiara at mabilis na siyang tumakbo papunta sa building kung saan nakalocate ang Dream Wanderer meeting room.
Samantalang kami ay nagpatuloy sa pagpunta sa hospital. Napakalayo ng agwat nito mula sa junior high building.
Pansin ko sa mga estudyante na naglalakad ang pagkabahala sa kanilang mukha, yung isang grupo na magkakaibigan ay nagtatawanan ngunit nang makita nila kami at yung lalaki na nasa hospital bed ay napalitan ng takot ang kanilang nararamdaman.
"Wala po ba tayong ambulance dito sa school so that we can go there so easily?" Lou said, tagaktak ang pawis.
"We have, but it's limited. Ginamit na siya ngayon lang dahil may isang estudyante ring hindi magising sa senior high building. We have no choice but to run until hospital area," tugon ni Mr. Jackson na ikinabahala ko.
"You mean sir, may iba pang case katulad ng nangyari sa lalaking ito?" tanong ko naman.
"Yes, today there are three students who has the same case with Arman,"
It's very alarming, parang bigla akong natakot sa nangyayari ngayong araw. Huwag naman sanang lumala ang sitwasyon katulad ng pangyayari two years ago.
Mga ilang minuto ang ginugol namin bago makapunta sa hospital, sinalubong agad kami ng tatlong nurse at inadmit nila ito sa isang bakanteng room. Sakto namang dumating ang isang babaeng doctor, si Ms. Alisah.
Doctor pala siya at hindi teacher.
"Kami na ang bahala sa kaniya, maraming salamat sa mabilisang pagpunta niyo sa kanya dito," sabi ni Ms. Alisah, tumango lang kami sa kaniya bago tuluyang lumabas ng room.
"I hope he will going to survive," sabi ni Ian habang naglalakad kami papalabas. Kita mo sa mga mata niya ang lungkot.
Lumapit naman sa kaniya si Mr. Jackson, ang kaniyang tatay at inakbayan niya ito at pinagaan ang loob, "He will anak, let's pray for it," sabi ni Mr. Jackson.
"Sir, sa tingin mo nagsisimula na muling mambiktima ang mga evil dreamers? Nakakabahala," tanong ni Nef.
Nagkabikit balikat naman si Mr. Jackson, "Sa ngayon, di pa natin alam. Si Mr. Aguiluz lang makakasagot ng tanong na 'yan, but let's wish that they will not back again dahil hindi niyo magugustuhan ang mga mangyayari,"
The next day, naexcuse kaming mga dream wanderers sa klase dahil may meeting kami with Mr. Aguiluz sa Dream Wander's meeting room. Umupo kami sa kung saan kami nakaupo no'ng time na nagdecide kami na maging willing sa responsibilidad namin at mameet sila.
Nang makarating kami ay tatlo na lang ang kulang. Si Mr. Peligro, Ms. Martinez, at si Kiara. Pansin ko rin na may nakatapal na band-aid si Mr. Aguiluz sa kaniyang mukha, sa kaniyang kaliwang pisngi.
"Let's start the meeting,"
"but sir, wala pa po yung iba?" tanong ni Carson.
"They are in Crescent World, inutusan ko sila na hanapin yung iba pang hindi nagigising," ani ni Mr. Aguiluz at nagsimula na siya.
"Last meeting, we talk about the boy who didn't wake up last week. Walang nakitang anumang diperensya sa kaniya na dahilan ng pagkacoma niya, he woke up yesterday but he seems like in trauma dahil 'di siya makausap ngayon at nakatulala lang pero kahit papano nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas na siya ngayon,"
Napahinga naman siya ng malalim, "and earlier, while in Crescent World. I personally caught evil dreamers." saad niya dahilan para manlaki ang aming mga mata.
"He is walking papunta sa room at naghahanap ng mabibiktima niya, I didn't attack him immediately. Sinundan ko siya ng tahimik at bago pa siya makapasok sa loob ng panaginip ng isang lucid dreamer, pinigilan ko agad siya at sumugod.
"Nasakal ko siya no'ng una, hinigpitan ko ito ng buong pwersa ko but unfortunately, he managed to stabbed me at my stomach and here.." sabay turo niya sa mukha niya at ipinakita rin niya yung sugat na natamo niya sa tiyan.
Napahawak ako sa bibig, tunay na nagsisimula na nga sila. Kailangan na namin pagbutihin ang aming training at matutunan ang kailangan naming matututunan dahil kundi malabo ang tyansa na makatulong kami na labanan sila.
Gusto kong patunayan kay Mr. Delubyo that we deserve to be called 'Dream Wanderers' that we're not pabigat like what he said to us.
"What about the two victims, nasave niyo ba sa kanila kahapon?" sabi ni Vin.
"About the two victims, huli na nang mainform kami ni Mr. Peligro sa nangyari. Pagdating namin sa panaginip nila, wala na sila. For now, magpapatuloy pa rin tayong maghanap sa kanila. We have to find them bago magten days dahil hindi na sila makakasurvive, " saad ni Mr. Aguiluz.
I nod, naalala ko nga ang sinabi ni Mr. Peligro, may limit lang ang pagiistay sa Crescent World, hindi dapat kami tumagal doon ng sampung araw dahil maglalaho na lang kami na parang bula.
"What do you mean sir about ten days?" naguguluhang tanong ni Michelle.
Oo nga pala, 'di pa ito nabanggit sa kanila at hindi ko rin ito nashare sa kanila nang magkwento ako sa pag-uusap namin ni Sir.
"We just have ten days to stay in Crescent World or else we will gonna die,"
And they are all shocked, pansin ko na sa tuwing nakakadiscover kami ng bagong kaalaman ay hindi namin maiwasan na magulat katulad ngayon.
"So we have to find them as much as possible," sabi ni Michelle.
Lunch time.
Habang seryoso kaming nag-uusap dito sa tapsilogan. May isang malakas na tunog ang narinig naming lahat, natigil kami sa kung ano ang pinaggagawa namin.
"Anong tunog 'yon? Katakot naman,"
"Kaya nga, parang may 'di magandang mangyayari,"
"It sounds like hell,"
Mga komento ng mga ibang estudyante nakasama naming kumakain dito sa loob ng tapsilogan. Hanggang sa nakarinig kami ng isang malalim na buntong hininga mula sa speaker.
"Good afternoon students, at 1 pm. Please go to the auditorium. We have something important to tell you, everyone should go because this is for all of you,"
"OMG, ano kaya yung sasabihin nila?"
"Nakakacurious, 'di naman nila tayo tinipon last year katulad nito,"
"Putek, bakit kinakabahan ako?"
Nagmistulang kusilap ang bawat estudyante na kumakain. Ang bawat isa sa kanila ay naglabas ng sari-sariling mga opinyon patungkol sa biglaang announcement.
Nagkatinginan kaming anim, hindi man kami magsalita ngunit alam ko na iisa ang nasa utak namin ngayon.
May kinalaman ito sa pinag meetingan namin kanina.
Mabilis na lumipas ang oras, nagmadali na kaming tumungo papuntang Auditorium Room. Mabuti na lang ay malapit lang ito sa tapsilogan na kinainan namin at kinailangan lang naming maglakad ng sandalian.
Nang makarating kami, marami ng mga estudyante. Ang ingay na ng paligid.
"Lily," narinig kong may tumawag sa'kin pagkalingon ko ay si Carson, sumenyas niya na lumapit kami doon sa pwesto niya na nasa bandang unahan.
"Dito kayo umupo, ipapakilala na kayo mamaya sa lahat ng estudyante," sabi ni Carson dahilan para biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Seriously? Kailangan pa kaming ipakilala sa lahat? Shock.
"Need pa ba 'yon?" tanong ni Ian.
"Yes, it is necessary. Kailangan nilang malaman na isa kayo sa mga dream wanderer so that they can ask you for a help," pagpapaliwanag ni Carson.
"Ito na ata yung hinihintay ko, ang maging famous," pagbibiro ni Michelle.
Bahagya akong natawa sa kaniya, actually lagi niya 'yang sinasabi sa'kin before.
"Don't think that you will be going to be famous, ipapakilala kayo para makatulong," Carson said.
"Joke lang, Carson. 'Di ka naman mabiro," sabi nito.
"Some jokes are half meant," pagpaparinig ni Lou at nauna ng umupo.
"Luh? Anong problema no'n?" tanong ni Michelle sa'kin nang makaupo na rin kami.
Nagkibit balikat na lang ako.
Nafocus na ang aming paningin sa harap nang mabukas na ang ilaw nito at kasalukuyan ng nandoon si Mr. Aguiluz, I still remember the first time I saw him here. Ang lakas talaga ng dating niya para sa'kin.
Tumahimik na ang paligid, lahat ng mata ay nakatingin lamang sa kanila. Naghihintay sa kung anumang bagay na kailangan naming malaman ngayon.
"First of all, thank you for all your time to come here. What I am going to tell you is a serious matter, I want you to listen carefully,
"pero bago ko iyon sabihin, gusto ko munang ipakilala sa inyo ang mga bagong dream wanderers. Maybe some of you were saw them while walking to the hallway and some of you are not, today I want you to meet Nef, Vin, Ian, Lou,
Michelle, and Lily. Please give them a round of applause,"
Napuno ng palakpakan ang buong Auditorium. Kumabog bigla ng mabilis ang puso ko na parang lalabas na ito anytime, sinenyasan ako ni Carson at Kiara at iba pang teachers na pumunta na sa stage at chinicheer nila kami na as in proud na proud sila.
Kinakabahan ako pero hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko ineexpect na makakatuntong ako sa stage na 'to. Kumaway-kaway kami sa lahat na para bang isang artista, first time ko gawin 'to.
Ang daming first times na nagawa ko sa paaralang ito.
Akala ko tapos na, kinailangan lang namin kumaway pero nagulat kami nang nag-abot si Ms. Martinez ng isang microphone kay Ian.
"Anong gagawin namin dito, Ma'am?" tanong ni Ian.
"Just give a short speech, kaya niyo yan."
Aangal pa sana kami pero wala kaming nagawa kundi sundin ang sabihin ni Ms. Martinez, nakakahiya naman kung magtatalo pa kami sa stage na ito habang pinapanood ng buong estudyante.
Dahil si Ian ang may hawak ng microphone, siya na lang ang pinagspeech namin. Kita ko ang pamumula ng kaniyang tenga, mahiyain din pala siya.
"H-hello every person here, we just want to say how glad we are to have this kind of ability. I know lahat tayo aware sa nangyari two years ago at hanggang ngayon hindi parin tayo nakakampante. As a dream wanderer, we would like to know you that we will do our best for the sake of our life," sabi ni Ian at nagpalakpakan naman ang lahat.
Nakahinga ako ng maluwag nang makababa na kami ng stage at makaupo at ito na nga ang pinakahihintay ng lahat.
Ang sasabihin ni Mr. Aguiluz, may ideya na ako kung ano ito pero natetense pa rin ako.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng iba?
"That's our dream Wanderer, and now I am going to say it to you,"
"This past few days, aware naman kayo na may mga issue tungkol sa hindi paggising ng tatlong biktima. Naging abala kami sa pag alam kung ano ang cause nito at nakakalungkot mang sabihin, kagagawan ito ng mga evil dreamers,"
"OMYGOSH, they're back?" rinig kong sabi ng isang estudyante mula sa aming likuran.
Napuno ng iba't ibang reaksyon ang loob ng Auditorium, 'di ko maiwasan na matakot para sa'ming lahat. Kung nag-uumpisa na nga sila at bumalik na nga sila it means na anytime sa'min ay malaki na ang tyansa na mapahamak.
It's kind of creepy when I think about it.
"They are back with stronger, little by little they are starting to attack us again. Kailangan natin maghanda, maging aware sa mga susunod na araw. Kailangan natin magkaisa, if someone is in danger.
"Mabilis niyong ireport ito sa'min para malabanan natin ang mga evil dreamers, they are more stronger than now. We can defeat them by unity,"
He said with full of hope and determination.