Chapter 14 - More Evidence

2729 Words
Lily's Pov Among us, there are just three who succeeded to find the door in less than twenty minutes. Guess who is this? It was Vin, Lou, and Ian. I am so amazed and wondering how they did that so easily? They are so good. Kaya ngayon, relax lang sila habang kami ay kasalukuyang kinakaharap ang aming punishment. Nandito kami ngayon sa sports field area, ang naging parusa para sa mga katulad naming hindi nagwagi ay ikutin ng thirty times ang malawak na sports field na ito which is talagang nakakapagod. Sobrang init na ng paligid at tirik na tirik na ang araw. Wala pa kami sa kalagitnaan ng bilang pero pagod na pagod na ako at hingal na hingal. Kaya ba today, Lily? Ganito ang napapala ng 'di pala exercise at 'di active sa mga physical activities. Wala naman kasi akong ginawa sa bahay kundi humalata at hindi ko talaga nabibigyan ng oras yung pagwoworkout. Hindi ko rin naman kasi ineexpect na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. What is happening to me right now is something unexpected and not agree to my plan. Lahat ng 'to ay matinding challenge para sa'kin. "Sir, ayoko na. I am so exhausted!" nanghihinang saad ni Michelle habang pinupusan ang 'di magkamayaw na pagpatak ng kaniyang pawis. Kung kanina ay nakakatakbo pa kami ng mabilis ngayon ay puro lakad na lang ang nagawa namin. "Don't give up Michelle, ayan pa nga lang ang parusa sa inyo. Paano pa kaya sa mga susunod?" natatawang tanong ni Mr. Van habang nakikisabay sa'min. Tagaktak na rin ang pawis niya. "Don't tell me, mas may something hard kaming mararanasan sa susunod, sir?" tanong naman ni Nef. "Of course students, ngayon pa lang iexpect niyo na 'yan. This is just a beggining, marami pa kayong dadanasing mahihirap na sitwasyon. Galingan niyo next activity para 'di kayo napaparusahan," sabi ni Mr. Van sabay tingin sa'kin at nakakaloko ang kaniyang mga ngiti na parang ako ang pinaparinggan. Hanggang ngayon medyo badtrip pa rin ako dahil naisahan niya ako kahapon sa activity namin, expected ko na maaachieve ko na mahanap yung pinto less than twenty minutes through his footprints pinaikot-ikot lang pala niya ako. May pagkakulit at mapang-asar na personalidad din pala itong si Mr. Van, pagkatapos ng activity namin at makabalik na kami sa realidad no'ng nakaraan. Nagulat kami dahil tawa siya nang tawa at kinuwento niya sa mga kaklase ko kung paano niya ako naloko, pinagtawanan tuloy nila ako kahapon. "Take note, huwag susundan ang footprints ni Mr. Van," sabi ni Michelle habang nagsimula na ulit kami tumakbo, sinamaan ko siya ng tingin dahil obvious na inaasar niya ako ngayon. Napansin ko na napatawa rin ng bahagya yung iba especially si Mr. Van. "Don't worry guys, natuto na ako," sabi ko sa kanila. "But on a serious note, Lily. Mali naman talaga yung ginawa mo, you have to find a door on your own way without depending on anyone. Advice ko sa inyo, gumawa kayo ng sarili niyong strategy, kailangan niyo paganahin ang critical thinking skills niyo dito. Tignan niyo yung tatlo, they made it," sabay turo niya sa tatlo kaya nagawi din yung tingin namin sa kanila. Si Vin at Lou ay seryosong nag-uusap samantalang si Ian ay nanonood sa'min. Nang mapansin niyang napatingin kami sa kanila, he cheered us, "Go guys, kaya niyo yan!" isang malakas na sigaw niya. "I was amazed for them because according to carson, they found it within five minutes," Mr. Van said at lahat kami ay nanlaki ang mata at nashock sa sinabi niya. Seriously? Five minutes? How is that possible? "May naisip agad silang strategy," sabi ni Mr. Van sabay turo doon sa dalawa na nang-uusap at pinapanood kami. "As in silang lahat,five minutes, sir?" tanong naman ni Nef. Bahagyang tumango si Mr. Van, "Yes, pero hindi sila sabay-sabay. Nauna si Vin sa lahat, sumunod si Lou at Ian. Mga seconds lang ang pagitan nilang tatlo," "Ang galing talaga nila, sana all," si Michelle. "Magaling kayong lahat, huwag kayong panghinaan ng loob. You may not be good at strategizing pero sa ibang bagay sure na magaling kayo, may iba-iba tayong galing," payo ni Mr. Van sa'min. "You're right, sir tsaka it's just our first time so I did expect that I will be failed talaga but for our next activity feeling ko makakaya ko na rin. I will do my best, " sabi ni Nef with determination. Binigyan siya ng isang malawak na ngiti ni Sir, "Yes, that's spirit Nef, keep it up." Samantalang kaming dalawa ni Michelle ay nagkatinginan dahil hindi namin sigurado na mapagtatagumpayan namin ang ibang mga activity sa mga susunod na mga araw dahil dito pa lang pansin kong hirap na hirap na talaga kami. Hopefully. Mahina kasi kami pagdating sa pagiisip ng plano, ito yung magpapatunay na magkaibigan kaming dalawa talaga. Yung sa dream game nga ay hindi ko alam kung ano gagawin 'don that time, it was just I saw the door all of a sudden. Pero tama si Mr. Van, every people has own capabilities. Hindi man ako magaling sa pagstrategize I am sure may mapapatunayan din naman akong kakayahan as a Dream Wanderer. "Okay, time is up! Wait lang kayo dito saglit," sabi ni Mr. Van nang maikot namin ng thirty times ang sports field. Napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang pagod, feeling ko mahihimatay ako dahil sa init ng panahon at sobrang init din ng pakiramdam ko ngayon. Nakakaramdam din ako ng uhaw pero wala man lang kaming nadalang tubig. Para akong naligo sa ulan dahil basang-basa ng pawis yung suot-suot kong PE uniform. Tumingin ako kay Michelle, napahiga na sa sobrang pagod. "Hoy, tumayo ka d'yan," sabi ko sa kaniya. "Ayoko na, pagod na pagod na ako, 'di ako makatayo" sabi niya at itinaas niya yung dalawang kamay niya na parang bata na magpapakarga Wala akong choice kundi hilahin yung dalawang kamay niya. "Mahinang nilalang ka pala eh," sabi ko, pangganti sa pang-aasar niya sa'kin kanina. Hindi naman niya ako inasar pabalik, parang nawala siya sa mood at hinang-hina. Dapat pala lagi 'tong pinapagod para mawalan din ng gana sa pagiging hyper no? "Guys, tubig muna kayo!" sabi ni Vin, nabuhayan ako ng loob. Mabuti at nakaramdam si Vin at bumili ng tubig. "Thanks, Vin," sabi ko nang abutan niya ako. "Salamat brad, the best ka talaga," sabi naman ni Nef, napatingin ako sa kaniyang mukha at pulang-pula ito ngayon. At dahil sa uhaw ko, straight kong nainom ang isang bote ng tubig at kahit papaano ay naibsan na ang nararamdaman kong pagod. Maya-maya ay nakabalik na si Mr. Van at nakapagpalit na siya ng damit, ang messy pa ng buhok at mukhang nagmamadali. "Students, ididismiss ko kayo ng maaga today. I have urgent thing to do, praktisin niyo palagi ang sarili niyo sa paghanap ng pinto. Mahalagang-mahalaga ang bagay na 'yon as Dream Wanderers kaya go and work hard for it, this whole week magfofocus tayo sa paghahanap ng pinto. Maiwan ko na kayo." sabi niya at nagmamadaling tumakbo palayo. Napagpasyahan na rin namin bumalik ng senior high building, pare-parehas kaming pagod kaya naging mabagal ang paglalakad namin. "Until now, I still wondering how did you do that thing?" tanong ni Michelle, tinignan niya si Vin and Lou, also Ian. "You mean kung bakit namin nahanap yung pinto?" pagkaklaro ni Ian. Michelle just nod, "Do we need to share our tricks to you?" tanong ni Lou, seryoso ang tono ng kaniyang pananalita. "Kung ayaw mo naman ishare, edi don't" sabi naman ni Michelle pabalik. Napatawa ng bahagya si Lou, akala ko 'di niya sasabihin pero nagsalita naman siya, "Hm, it was an unexpected moment. I made a pattern and can't believe it works. Minsan kailangan niyo lang mag-isip ng mabuti, huwag padaskol-daskol. Give time to think," sabi ni Lou, hindi siya mataray ngayon. Mukhang good mood siya, sana magtuloy-tuloy. "How about you, Vin?" tanong naman ni Nef, tinignan siya nito at napapakamot sa ulo. "Ganito kasi 'yan," sabi ni Vin, lahat kami ay napatingin sa kaniya. "The day after I saw the purple door in dream game, curiosity is hitting me so hard. Hinanap ko siya talaga kasi it's something new to me, it's something weird and I was thinking I am crazy. That time 'di ko siya nahanap, "until we know a lot about this school, about dream wanderers, and such. Last week, including weekends wala akong araw na sinayang para hanapin yung pinto until I found it because I realized something na naging key for me to find the door so easily," Vin said. "and what is that 'something' that you're pertaining for?" tanong naman ni Nef. All our eyes were pasted on him and waiting for him to answer until he shook his head from side to side, "No men, I will not tell it to you. It's your responsibility to find out, kaya niyo 'yan gamitin niyo ng maigi yung utak niyo para malaman yung strategy," I thought he will gonna say this but he's right. Mas gugustuhin ko rin naman na mapagtagumpayan 'tong task namin on my own. "Paano kung walang utak?" sabi ni Michelle at ngayon ay hinang-hina pa rin, lahat kami ay napatawa sa sinabi niya. Dahil kalahating minuto pa bago ang susunod na klase, pumunta na muna kami sa banyo para makapagpalit ng damit. **** "Here is the picture of Evil Dreamers," si Mr. Peligro sabay zoom in niya sa picture na nasa screen para mas makita namin ito ng malinaw. Last subject na namin for this day at hindi na ako makapaghintay na humilata dahil anytime pwede ng pumikit ang mata ko at makakatulog na ako dahil sa antok at pagod. "Tignan niyo ng mabuti," Nang makita ko ito ng malapitan ay napatango-tango ako. Ganito pala ang itsura nila? They are wearing all black clothes, a black shirt, and pants with a long black hooded cloak. Kaya pala wala pa rin silang alam kung sino ang mga evil dreamers dahil may cover ang mukha nito, nakasuot sila ng itim na maskara. Kung titignan mo, they are so creepy. Nakakakilabot itong tignan, mukha talaga silang papatay ng mga tao dahil sa hawak nitong kutsilyo sa kaniyang kanang kamay. "Sir, bakit parang drawing lang po siya?" tanong ni Ian. "It's just a drawing, walang camera sa crescent world at kung meron man ay hindi rin madadala 'yon dito sa reality. It was drawn by Mr. Aguiluz, and yes ito talaga ang eksaktong anyo nila," "As in lahat po sila ganyan ang suot? Pwede rin pala mapalitan ang ating damit sa Crescent World, akala ko ba hindi po natin kontrolado ang mangyayari 'don?" this time, si Nef naman ang nagtanong. "Pero may mga kasuotan na pwede mong magawa doon, 'di ko lang sure kung paano nila 'yan nagawa," pagpapaliwanag ni Mr. Peligro at tumango-tango lang kami. "I want you to remember this face, kapag nakakita kayo na ganyan ang kasuotan sa Crescent Wolrd, mas mabuti na tumakbo kayo palayo sa ngayon dahil katulad ng palagi kong sinasabi they are too strong, hindi sila magdadalawang isip na kumitil ng kahit sino at ayon din ang hindi dapat nating mangyari, are we clear?" Mr. Peligro said. "Next, I will show to you some CCTV footage from a couple of years ago. Ipapakita ko sa inyo yung mga pangyayari kung gaano kadaming nabibiktima ng evil dreamers noon," Tila nagising ang diwa ko dahil sa binitawan niyang salita, napaayos ako ng upo at nakatingin lamang sa screen. Isinaksak ni Mr. Peligro ang isang flash drive sa kaniyang laptop at pinlay niya ang isang video na laman nito. Magsisimula na sana ang video ngunit pinause niya muna ito sandali, "Anyway, I forgot to inform you. May mga sensitive scenes din kayong makikita na maaaring maging disturbing sa inyo," sabi niya sa'min. Muli ko nanamang naalala yung pinakita niya sa'min no'ng isang linggo, it was just a picture but now it's a video so masasabi kong mas malala ito. Nagkatinginan kaming lahat, saaming apat okay lang dahil nakayanan naman namin kahit papano last week. Tinignan namin si Nef and Michelle dahil panigurado silang dalawa lang ang maaaring umatras na makita kung ano man itong ipapakita sa'min ni Mr. Peligro. "Yes, sir. It's fine, siguro kailangan din namin tibayan ang aming loob dahil for sure makakakita rin kami ng mga ganyan in person," sabi ni Nef at mabilis naman na sumang-ayon si Michelle. Mr. Peligro just nod his head at muli ng sinimulan ang video, pinatay niya rin ang ilaw. CAM 10 6: 25 AM 07/26/2018 The color of the video is black and white at makikita dito ang payapang lugar ng dorm hallway. Hindi ko mawari kung saang floor ito pero it's on the dorm building. Masyado pang maaga at maaaring tulog pa yung iba dahil alas syete tumutunog ang alarm kaya naman wala man lang dumadaan na kahit sinong estudyante. Dumaan ang tatlong minuto ngunit wala pa ring nangyayari sa video, ipinapakita lang dito yung door na hallway hanggang sa mapapitlag ako nang may malakas na nagbukas ng pinto ng room. Akala ko walang audio, meron pala. Napalakas masyado ang volume ng speaker ni Mr. Peligro. Makikita mo dito ang isang lalaki na mabilis na tumakbo at takot na takot, mabilis ang bawat paghinga, "TULONG TULUNGAN NIYO KAMI, SOMETHING BAD HAPPENED TO MY FRIEND!" natatarantang tugon ng lalaki. Kumatok ang lalaki sa ibang mga dorm room na malapit sa room niya at humingi ng tulong, sunod-sunod namang binuksan ng iba ang pinto ng kanilang room at gulat na tinignan ang isang lalaki na umiiyak at balisa. "Bakit ho? Ano hong nangyari, kuya?" sabi ng isang babae na tila kakagising lang. "M-MY F-FRIEND, PLEASE H-HELP MY FRIEND!" at sumenyas siya na sundan siya doon sa loob ng room niya, hindi naman nagdalawang isip ang ibang mga estudyante na pumasok dito. At napuno ang room na 'yon nang isang malakas na sigawan at may mga tao na tila napatakbo palabas dahil sa kanilang nakita, may mga nagsasalita pa ngunit hindi na maintindihan ang kanilang sinasabi. Yung ibang nasa labas ay napapahawak sa bibig at parang hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Nagkakagulo na ang lahat. "Tabi muna kayo, kailangan natin siya dalhin sa hospital," isang malakas na saad ng isang lalaki na nakasuot lamang ng pangbahay, buhat ng limang kalalakihan ang biktima. Napamura ako sa isip nang makita ko yung mukha ng biktima. Kahit na black and white ang color ng picture makikita mo dito ang malalang nangyari sa kaniyang kaliwang braso at kamay. Maingat at dahan-dahan nila itong binubuhat. "Damn, it sucks," rinig kong tugon ni Nef na nasa likod ko, muli nanamang napahawak sa'kin si Michelle at ang lamig ng mga kamay niya. Napatalikod ang mga estudyante, maririnig mo yung sigawan at pagkataranta ng iba. Yung iba ay tila naiiyak sa nakita. Nagkalat ang dugo mula sa sahig hanggang sa 'di na nakunan ng CCTV yung iba pang nangyari. "This is so insane," sabi ni Ian, hindi maipinta ang kaniyang mukha at hindi yata kinaya kung ano ang nasa video. "Sa video na 'yan, hindi pa aware ang lahat patungkol sa evil dreamers kaming dalawa pa lang ni Mr. Aguiluz. I remember, ang ginagawa namin sa time na 'to ay nagmemeeting, "That boy is the second victim, ang first victim ay yung ikinuwento ko sa inyo no'ng nakaraan. After that day, mas lalong rumami ang naging biktima. Lahat kami no'n takot na takot at halos mawalan ng pag-asa, "It affects us a lot, yung iba hindi na natutulog dahil sa takot. Lahat kami pagod na pagod," saad ni Mr. Peligro, napapapikit siya ng mata at tila ayaw niyang balikan ang mga nangyari noon. "Grabe yung nangyari sa kaniya, sir. Hindi ko makalimutan," sabi ni Nef, napapailing iling siya. "Kaya kailangan nating maghanda, we should not let them to----" Naudlot ang usapan namin dahil may malakas na nagkakakatok sa pinto ng room. Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon. "SIR! SIR!" sabi nito. "That's open, what happened?" sigaw ni Mr. Peligro at lumapit sa pinto. Binuksan naman agad niya ito at tumambad sa aming pagmumukha ang pawis na pawis at alalang-alala na pagmumukha ni Kiara. "SIR, WE NEED YOUR HELP!" malakas na sambit niya, rinig mo ang mabilis na paghinga niya. "What happened?" Mr. Peligro said at pumunta siya sa direksyon ni Kiara. "MAY ISANG BABAE FROM JUNIOR HIGH BUILDING ANG AYAW MAGISING," sabi nito na ikinabigla namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD