Lily's Pov
I woke up when the loudest alarm I've heard played.
When you heard this alarm, you will be going to wake up even though you don't want to. No'ng una nakakainis 'pag naririnig namin ito but little by little, nakakasanayan na namin.
We have no choice.
It's monday already, time is so fast. Lumipas nanaman ang dalawang araw.
Parang kailan lang excited ang bawat isa na pumasok dito at manghang-mangha sa nakikita pero isang linggo na ang nakalipas.
Sa isang linggo na 'yon, ang dami ko ng nalaman, natutunan tungkol sa paaralan na ito, tungkol sa kailangan sa aming mga abilidad at tungkol sa nangyayari.
May mga nagbago din simula nang malaman namin that we are dream wanderers, nagbago na ang place ng dorm namin, napagpasyahan nila na magkatabi-tabi kaming mga dream wanderers ng mga dorm room para kung magkaroon man ng problema matutulungan namin ang isa't isa ng malapitan.
Hindi na ito sa mga senior high students dorm nakalocate kundi kasama na rin namin ang mga teacher na dream wanderers.
Mr. Peligro said na sulitin na raw namin itong weekends dahil this week we will going to start to train.
And yes, we did. Sinulit namin ang oras sa panonood ng series, tinuruan rin niya ako magluto at kahit papaano nagkaroon din kami ng time to talk with my family.
Nalaman na rin nila ang isa sa mga rason kung bakit ako pumasok sa school na ito, naikwento ko na sa kanila kung ano ang nangyari kay dad at katulad din ni Ian ay isa ring dream wanderer ang dad ko.
Kahit labag pa sa loob ko at sobrang inaantok pa ako ay kinailangan ko ng bumangon, nakita ko na kakabangon lang din ni Michelle na diretso agad sa banyo. Since this weekends ay siya lagi ang nagluluto, sinabi ko sa kaniya na ako na ang magluluto ngayong umaga.
"Sure ka na? Kaya mo na?" tanong niya habang nagsisipilyo sa banyo, nagthumbs up lang ako sa kaniya at nagsimula ng magluto.
Madali lang naman ang lulutuin ko, fried rice at hotdog. Tinuruan niya ako magluto ng mga lutong ulam talaga katulad ng adobo, sinigang at iba pa.
I want to try it but we have to be hurry because we have just two hours to prepared before the class started.
****
"Good Morning, beautiful people!" isang energtic na bati ni Michelle sa lahat, himala at napaaga yata kami dahil wala pa yung dalawang lalaki, si Nef at Ian na magkaroom mate.
Mukhang late silang nagising, huh. Kung alam lang sana namin edi sana dinaanan na namin sila sa room nila.
"Morning," walang ganang bati naman sa kaniya ni Vin samantalang si Lou ay dedma lang.
"Good ba ang morning mo, Lou?" tanong ni Michelle sa kaniya nang hindi siya batiin nito.
Tumaas naman ang kilay nito sa kaniya, "Alam mo ikaw, masyado kang papansin no?" sabi naman sa kaniya ni Lou.
Michelle is obviously offended on what Lou said to her, makikipagdebate pa ata siya kaso nagbell na kaya nag-ayos na kami ng upo.
"Grabe talaga 'tong si Lou, hirap makipagkaibigan sa kaniya," Michelle said.
"Intindihin mo na lang," sabi ko.
Sakto naman ang pagdating ni Nef at Ian at kasunod na rin nila si Mr. Van, nagtaka kami dahil hindi siya ang first subject namin ngayon kundi si Mr. Peligro.
Binigyan niya kami ng isang malawak na ngiti, usually 'pag ganitong oras ang bigat ng atmosphere eh dahil ang seryoso palagi ni Mr. Peligro at napapalunok na ako ng laway dahil may ikukuwento nanaman siya na sure na bago lang sa aming pandinig.
Pero bakit nga pala si Mr. Van ngayon?
"I know you're wondering kung bakit ako ang first subject nyo ngayon. Nagswitch muna kami ni Mr. Peligro ng time dahil may aasikasuhin siyang important ngayon," pagpapaliwanag nito.
"Is it related to those evil dreamers?" tanong ni Vin sa kaniya.
"I am sorry Vin although you are all dream wanderers, bawal pa rin sabihin kung ano man yung gagawin niya ngunit malalaman niyo rin naman soon,"
Si Mr. Van nga pala ang teacher namin sa isang special subject na tanging isang dream wanderers lang ang mayroon. It is called Dream Education, siya ang magtuturo sa'min at magtetrain pagdating sa usaping dream.
Kung si Mr. Peligro ay nagtuturo sa'min about sa history, about sa mga evidences. Si Mr. Van naman ang magtetrain sa'min kung paano lumaban, dumipensa at iba pa.
"So Mr. Van, what are we going to do now?" excited na tanong ni Ian sa kaniya.
Gumuhit muli ang ngiti sa mga labi ni Mr. Van, "I will going to train you how to open your door,"
"Ehh? Diba nagawa na po namin 'yon? Ang buksan ang pinto?" tanong ni Nef.
"Yes nef, you're right but according to your performance on dream game. you found the door and open it in almost half hour which is too slow,"
"Too slow po? Ilang oras po ba dapat namin mahanap at mabukas ito?" tanong ko naman.
"Yes, it's too slow and too much time. Ang goal niyo ay mahanap niyo ang pinto within a seconds"
"WHAT? A SECONDS? SURE KA D'YAN SIR?" gulat na pagkakasabi ni Michelle, umecho pa yung boses niya sa paligid. Napatakip pa ng tenga si Mr. Van dahil dito.
Napanganga kami sa binitawang salita ni Mr. Van, hindi ako makapaniwala.
"No need to shout, Michelle," pagsuway sa kaniya ni Mr. Van.
"Yes, students. You need to find and open your door within a seconds, kailangan natin itong mahanap ng mabilisan dahil kailangan natin makapunta agad sa Crescent World,dapat mauna tayo sa mga evil dreamers, dapat mailigtas natin ang bawat nabibiktima, that's our responsibility, remember.
"May time limit lang ang pagpunta sa crescent world dahil kailangan niyo pa rin ng pahinga, at magkaroon ng time to yourselves kaya hindi dapat natin sayangin ang bawat oras, bawat pagkakataon na makapunta doon at makapagligtas ng ibang dreamers nor makahuli ng isang evil dreamers dahil wala pang sino ang may alam kung sino ba talaga sila, "
"But how is that possible Mr. Van? You think we can do that?" tanong ni Lou.
"Yes, of course, you can--"
"but how sir?" tanong ni Vin.
"Through training, kaya nga kayo may subject na ganito to improve your strength, your capabilities. It's possible if you work harder," sabi ni Mr. Van.
"I used to shocked before also when Mr. Aguiluz is our professor in this subject but with enough training, I was able to make it and I am sure that you can do it also,"
We just nod on what he said, he's right we have to work harder. Kung gusto mo maachieve ang isang bagay, kailangan mo itong paghirapan.
"Prepare yourselves, try your best to feel sleepy and I will do it too. Kailangan rin pala natin magtrain na makatulog ng mabilis pero sa mga susunod na araw ako magbibigay ng tips regarding that.
"I will give you one hour to do that and then we will going to start," sabi niya sa'min at umupo na sa desk niya at isinukbit sa kaniyang tenga ang earphone at pumikit.
Sa totoo lang, kasalukuyan akong inaantok ngayon dahil kulang ang tulog namin ni Michelle kagabi hindi dahil sa may gumugulo sa isip ko.
Alam niyo kung bakit?
Dahil nanood kami ng series sa tablet ni Michelle, walang wifi dito ngunit maraming nakadownload sa tablet niya. Tinapos namin ito ng dalawang araw at natapos ata kami magaalas tres na.
Napatingin ako sa mga kasama ko, wala nagiimikan sa'min at gumagawa ng way para antukin.
Dahil matagal-tagal pa ang oras, ang ginawa ko na lang para marelax at antukin lalo ay magbasa ng libro buti na lang ay may lagi akong dala-dala kahit papaano ay nakakapagbasa pa rin ako.
Ito ang happiness ko, reading. Kapag nagbabasa ako feeling ko 'di ako nag-iisa dahil parang kasama ko ang mga fictional characters at kasama ako sa mga journey nila.
"Okay guys, times up! Let's go to the bed area," sabi ni Mr. Van.
Ehhh bed area? Saan?
Pumunta siya sa left side ng room at hinawi niya doon ang isang kurtina at tumambad sa'min ang anim na bed, sakto talaga sa'min.
Bahagya akong nagulat dahil never namin napansin ito last week.
"Hala, may ganyan pala dito Mr. Van. Ngayon ko lang nalaman," sabi ni Nef na sinang-ayunan ng iba.
"Hindi sinabi ni Mr. Peligro sa inyo 'to?" tanong niya.
Umiling-iling kami, napatawa naman siya ng bahagya, "Now you know. Anyway, please lay and go to your own world," sabi niya at sinunod naman namin ang iniutos niya.
Nag-ayos na ako, hinigaan ko yung isang unan samantalang yung isa at yinakap ko.
Tinaggal ko muna rin yung palda na suot suot ko at kasalukuyan lang akong nakshort ngayon, mahirap matulog ng nakapalda no.
Bago pa niya kami patulugin ng tuluyan ay may importante pa siyang sinabi sa'min.
"Listen, nasa Crescent World ako. Oorasan ko kayo kung kailan niyo makikita at mabubuksan ang sarili niyong pinto.
"In the dream game, you have thirty minutes to find the door. Now, we want you to find it less than twenty minutes if you didn't make it, there's a punishment, are we clear?" Mr. Van said.
"Sir, anong punishment naman 'yan? Kanerbyos ah," sabi naman ni Michelle.
"I won't say it, good luck. Just focus" sabi nito at pinatay na ang ilaw.
Agad na nangningning ang mga moon and stars na glow in the dark sa kisame, ang ganda nitong pagmasdan at nakakarelax sa paningin.
Maya-maya nagpatugtog rin si Mr. Van ng isang music, kung hindi ako nagkakamali ito rin yung instrumental na pinlay ni Mr. Peligro during dream game.
Nakalimutan ko yung pinantatakip ko sa mga mata ko tuwing matutulog, wala rin akong dalang panyo o bimpo man lang.
Ang ginawa ko na lang ay pumikit at inilagay ko na lang sa mukha ko yung isang unan na yakap-yakap ko kanina.
Nagfocus ako, 'di ako nag-isip ng kung anu-ano hanggang sa naramdaman ko na ng tuluyan ang antok.
****
HINDI AKO MAKAHINGA.
A boy with no face is choking me right now, ang higpit ng pagkakasakal niya sa'kin.
"B-bitawan mo ako,"
Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay niya na nakasakal sa akin pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko ito maalis.
He's strong.
Teka, is this a dream?
Yes, I'm right that I am in a dream right now.
I close my eyes and think that I am strong with this faceless bald man and I successfully remove it from my neck.
"Stay away from my sight," sabi ko at sinipa ko siya at bago pa tumama ang aking mga paa sa tiyan niya ay naglaho na lang siya na parang bula.
Napahinga ako ng malalim dahil sa kaniyang mahigpit ng pagkakasakal.
Damn, bakit ganito lagi ang napapaniginipan ko?
Epekto ito ng kakanood ko ng series eh. Napapaniginipan ko minsan yung mga ibang scenes na napapanood ko.
Napatingin ako sa paligid, nasa isang street ako at may mga bahay na gawa-gawa lang sa pinagtagpi-tagping mga kahoy.
Teka, may kailangan nga pala akong gawin. I have to find and open the door in less than twenty minutes, I don't want to get punished.
Binago ko na ang settings ng panaginip ko, I change it into the peaceful beach. Ito na lang ulit ako ang inisip ko katulad no'ng dream game dahil baka sakaling mabilis kong mahanap dito yung pinto.
Honestly, I don't know where to find it. During dream game, I was found the door unexpectedly at hindi ko naman nalaman ang way kung saan ko nahanap 'yon.
I remember na sinubukan ko rin itong hanapin pero 'di ko na nahanap. Sana mahanap ko ito ngayon, ayokong maparusahan ng 'di oras.
"Hi, lily"
"Ay butiki," gulat na sambit ko nang biglang may magsalita.
At tumambad sa harap ko ang natatawang mukha ni Mr. Van, gulat ko siyang tinignan.
Napayuko ako, "S-sir, ikaw pala 'yan," I said.
"Masyado ka namang magugulatin," sabi niya sa'kin.
Hindi rin kasi ako nasanay na may magsasalita out of nowhere, nasanay ako na ako lang nagsisisigaw dito minsan. Yung mga iniisip ko namang tao, 'di ko naiimagine na nagsasalita sila the only thing I imagine is their facial expressions like how they smile or cry or sometimes there is no emotion.
"I witnessed a while ago that someone was choking to you," sabi niya sa'kin habang naglalakad kami.
"Ah 'yon, sir. Hindi ko alam kung bakit ko napapaniginipan yung mga ganong bagay," sabi ko habang napapakamot sa ulo.
"Napansin ko na it took you a minute for you to realize that you're in a dream. Kailangan mo rin matututunan 'yon, kailangan maging aware ka agad na you're in your dream para mapalitan mo agad yung scenario ng panaginip mo without defeating them," payo ni Mr. Van sa'kin.
I do get what he wanted to convey, minsan kasi ay hindi ko talaga narerealize na isang panaginip ang bawat nangyayari. Hindi ko maidentify ng mas mabilis kung alin ang totoo sa hindi.
There are dreams kasi na akala mo totoong nangyari diba? So kailangan kong matrain din ang bagay na 'yon.
"Pero Mr. Van, what do you mean po doon sa 'without defeating them?'" tanong ko.
"You can change your scenario already without defeating them, hindi mo na kailangan na isipin na malakas ka katulad ng ginawa mo kanina once na maging aware ka na nasa loob ka na ng panaginip, pwede ka na lang magisip ng ibang scene at magbabago na rin yung pangyayari sa panaginip mo, maglalaho na rin 'yong faceless man kanina,"
I nod at what he said, "How did you know that I was thinking strong earlier?" tanong ko.
"I saw you having a hard time removing his hands from your neck and then you close your eyes, I assume that you're thinking something, and you were thinking that time that you're strong than him," he explained, napamangha ako sa mga kasagutan niya because he's right.
How did he know this so perfectly?
"Good observer sir, huh," sabi ko sa kaniya.
Bahagya siyang tumawa, "No, I just used to do that before."
Napatawa na lang din ako ng bahagya, "Bakit ka nga pala nandito, sir? Diba dapat nasa Crescent World ka, paano mo malalaman na nahanap na nila yung pinto?" tanong ko.
Speaking of door, where is the door?
"Oo nga pala, sige maiwan na muna kita pupunta lang ako sa iba. Si Carson ang pinaglook up ko sa inyo, inutusan ko muna. Anyway, ganda ng panaginip mo ngayon ah, nakakarelax, " sabi ni Mr. Van at tumakbo na papalayo at hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Doon ko lang narealize na dapat sinundan ko siya dahil 'don naman siya lalabas sa pinto na kailangan kong hanapin.
Medyo tanga ako banda doon.
Hanggang sa makita ko yung footprints ni Mr. Van sa buhangin, lumiwanag ang aking mata nang makita 'yon.
It's really a big help. Makakatulong ko ito para malaman ko kung nasaan ang pinto.
I did not hesitate, sinundan ko na ang naging footprints ni Mr. Van. I make sure na matatandaan ko kung saan ako dadaan para in the next time, magagawa ko na ito within a seconds.
Kumanta pa ako habang sinusundan ito pero lumipas ang ilang minuto hindi ko pa rin nakikita ang pinto.
Napatigil ako sa paglalakad at napagtanto ko na tila parang paikot-ikot lang ako hanggang sa may nabasa akong mga words na nakasulat din sa buhanginan.
We caught you Lily, I know that you will use this method - Mr. Van.
Napafacepalm ako nang mabasa ko 'yon, I've wasted my time following his footprints but ended up in nothing.
Napakahilig talaga mang-asar ni Sir.
Nakakabadtrip.