Chapter 12 - This is it

2621 Words
Lily's Pov This is it. Today is the day where we have to fully decide if we're willing or not to take the responsibility of Dream Wanderers. Napostpone man 'to ng mga ilang araw pero darating pa rin talaga ang araw kung saan kailangan namin magpasya. Bago ako umalis kahapon at umuwi sa room namin, inutusan ako ni sir to inform others na ngayon nga ay kailangan na namin magdesisyon. Pinagisipan ko ito mabuti, I even hesitated at first. Para bang yung utak ko ay nahahati sa dalawang sitwasyon, tila nagtatalo sa kung ano ang dapat kong gawin. Paurong-sulong ako, sabi ko no'ng nakaraan na I go for it pero maya-maya magdadalawang-isip nanaman ako. It sucks. But this day, I am gonna make sure that my decision is the thing I wanted. Sinisigurado ko na di ako magsisisi sa huli. I AM WILLING TO TAKE THIS RESPONSIBILITY. Nakatulong sa pagdedesisyon ang napag-usapan namin ni Mr. Peligro which is about kay dad, dahil doon nagkaroon talaga ako ng lakas na loob na gampanan ang responsibilidad na ito. Dad is my inspiration at sigurado ako na kung nasaan man siya ngayon, kung nakikita man niya ako ngayon he will be proud at me and that's what I wanted to achieve to make him proud, also Mom and Kuya TJ. Yes, hindi man ako kasing lakas ni wonderwoman, 'di man niya ako kasing galing sa pakikipaglaban pero naniniwala ako na kaya ko. Kailangan ko lang ng lakas ng loob, tiwala sa sarili, at determinasyon. Hindi ito ang oras para paghinaan kami ng loob. As one of the dream wander, I have to be brave. We are destined to do this, so I do. "Sigurado na ba kayo sa mga desisyon niyo sa buhay?" tanong sa'min ni Nef, nakasalubong namin siya papalapit na kami sa destinasyon na pupuntahan namin. Pumagitna siya sa'min ni Michelle at pareho kaming inakbayan. "Yes, a hundred percent sure." proud na pagkakasabi ni Michelle. "Naks naman, parang 'di natakot no'ng nakaraang araw ah," pang-aasar ni Nef sa kaniya, nagsisimula nanaman siya. Mukhang maraming baon 'to ngayon para pang-asar sa iba ah. "Ako lang ba? Diba ikaw rin?" si Michelle, mukhang ayaw magpatalo. Natatawa na lang ako sa kanila, mga competitive. Sa ilang araw naming pagsasama, mabilis talaga kaming naging close. Hindi mo na makikita yung awkwardness namin sa isa't isa, medyo lang pala kay Vin and Lou pero unlike no'ng first day mas close na kami which is really good na din. We have to be close as much as we can dahil makakatulong ito sa'min to brainstorming more easily kapag kailangan naming magplano. Nakarating na kami sa Dream Wanderer Meeting Room, ang room kung saan pinapapunta kami ngayon ni Mr. Peligro, at mukhang naexcite yata kami dahil kami pa lang ang nandito ngayon. Hindi pa pala ako sure dito kay Vin and Lou kung willing ba sila o hindi dahil sa mga inaasta nila no'ng mga nakaraang araw, hopefully they will take this responsibility but just like what Sir said, whatever their decision we have to respect it. Sumandal muna kami sa pader habang naghihintay at nag-uusap about random things hanggang sa napag-usapan namin yung about sa ipinakita sa'min ni Sir na mga ebidensiya in order for us to believe in him na naging sanhi kung bakit 'di kami masyadong nakatulog ni Michelle dahil sa mga sensitive pictures na 'yon. But on the positive outcome, I think naconvince naman niya kami through that evidence. Mabuti na lang at 'di ko naisip 'yon kagabi bago matulog kasi for sure puyat kami ngayong araw nanaman at di makakapagconcentrate. Ang nasa isip ko kasi ay yung pinag-usapan namin ni Mr. Peligro which is yung about kay Dad, 'di ko inaasahan na malalaman ko na yung matagal ko ng gustong malaman kagabi mula kay Mr. Peligro, akala ko mahihirapan akong malaman ito. Sometimes, there are things that are really unexpected. 'Di ko na muna sinabi kay Michelle ngunit sasabihin ko rin ito kapag may oras kami na magusap-usap. Sa ngayon, we have to focus on this responsibility. I am aware na makakaharap kami ng maraming paghihirap and we have to be ready. Iniisip ko rin yung nangyari bago kami umuwi, yung may narinig kaming parang may nalaglag at narinig rin namin yung yapak ng paa niya habang tumatakbo. We have really no idea who he is. "Someone is listening to us," he said. "Sino naman po ang makikinig sa'tin?" tanong ko sa kaniya, nakakunot ang mga noo. "I'm not sure, anyway. Don't think about it, ako na ang magaalam kung sino man ito," Even though Mr. Peligro said to stop thinking about it, hindi ko maiwasang macurious at 'di ko rin malaman sa sarili ko dahil kahit small things ay lagi kong iniisip. 'Di ko maiwasan mapatanong kung ano ang intensyon niya mula sa pakikinig sa'min. Is he/she an enemy or an ally? Nalaman na kaya ni Mr. Peligro kung sino 'yon? "Ian," tawag ni Michelle nang makita niya ito na agad namang tumakbo papalapit sa'min. Nakasuot lamang siya ng short pants at kulay gray-tshirt. "Mukhang handang-handa na kayo huh," as usual, napakalaki nanaman ng mga ngiti niya. "I guess we have to," matipid na saad ko. "Teka, may balita ba kayo kay Vin at Lou? Willing daw ba sila?" tanong ni Michelle, mukhang maging sila ay nagaalinlangan din sa dalawa. Ian and Nef just shrugged. "Wala akong ideya sa totoo lang," "They are willing, Look!" sabi ni Ian at itinuro sina Vin at Lou nang matanaw niya ito mula sa di kalayuan papalapit sa direskyon namin. Mabagal lang ang paglalakad nila at tila nag-uusap, mukhang seryoso ang mga pinaguusapan dahil 'di man lang makakakita ng bakas na saya sa kanilang dalawa. These two are really mysterious, have strong personalities. "Ang saya, we're all willing." sabi ni Ian, 'di maalis ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. "Sup guys, late na ba kami?" tanong ni Vin nang makalapit sila, inapiran niya kaming lahat. "No, Vin. Oo nga pala, sabi ni Mr. Peligro hintayin daw natin siya bago tayo pumasok. Sabi niya mga alas nuwebe daw siya makakapunta," sabi ko at tumingin sa watch ko, it's already 8:57am. "We still have to wait for about three minutes," sabi ko, tumango-tango lang sila. Ngunit 'di na namin kailangan maghintay pa dahil pagkasabi na pagkasabi ko pa lang ay natanaw na namin si Mr. Peligro papalapit na saamin at dahil mabilis siya maglakad nakalapit agad siya ay sinenyasan niya kami ng pumasok na. Nauna si Lou na pumasok ngunit hinarang siya no'ng dalawang guard na pinagtaka namin. "What? Dream Wanderer ho ako, manong guard." sabi nito sa dalawa habang nakakrus ang mga braso. "Show me proof, you have to show your crescent moon necklace," sabi nito samin, nagulat pa kami dahil mukhang robot ito magsalita. Oo nga pala, ang crescent moon necklace pala ang way para makapasok kami. "Ay ganoon ba? Sorry naman," sabi ni Lou at tumingin saamin, "Kayo? 'Di niyo man lang sinabi sa'kin," sabi nito habang naghahalukay ng bag at inis kaming tinignan. "Nakalimutan din namin friend, tabi muna d'yan kami muna, bagal mo" sabi naman ni Nef at hinawi si Lou at siya na ang unang nakapasok. Natawa kami ng bahagya sa ginawa niya, kailan kaya magkakasundo ang dalawang 'to? Napanganga naman si Lou sa inasta nito, "What a gentleman, huh?" inis na sabi nito kay Nef pero tinawanan lang siya. "Nyenyenyenye, huh?" pang-aasar ni Nef at parang mas lalong umusok ang ilong ni Lou dahil dito. "May oras ka rin sa'kin," pabulong na pagkakasabi niya. Nang makapasok kami lahat si Mr. Peligro na ang nagbukas ng pinto, 'di ko alam kung ano ang mararamdaman ko but I feel so nervous at the same time excited because I never think that this is gonna happen in my life. I swear. Akala ko ay kami-kami lang ang tao ngunit naabutan namin na may mga nakaupong tao rin na 'di namin mawari kung sino samantalang sa harap, nandoon si Mr. Aguiluz habang may binabasang libro. Nagawi yung tingin niya sa'min, "Look, they're here, the new Dream Wanderers," saad ni Mr. Aguiluz. Napalingon naman yung mga taong nakaupo mula sa silya at doon namin nakita ang kanilang pagmumukha. Mga guro rin pala ito, si Mr. Van, Ms. Martinez at yung unang guro na nakilala ko dahil sinungitan niya kami pagkapasok na pagkapasok pa lang namin... si Mr. Delubyo. Nagulat pa ako nang makita yung lalaking naginform sa'min nang manalo kami sa dream game, dream wanderer rin pala siya. Yung iba 'di ko na kilala dahil first time ko pa lang makita. "Nakikita niyo yung lalaking may salamin na 'yon, that's my dad," mahinang pagkakasabi sa'min ni Ian at proud na proud siyang ipakilala ang tatay niya sa'min. Ohh siya si Mr. Stephen Jackson, medyo hawig siya ni Ian. "Para kayong pinagbiyak na bunga," sabi ni Nef. "After a year, may mga newbie nanaman. Panibagong pabigat sa mga plano," napalingon kami sa kung sino ang nagsambit ng mga salita na 'yon at kumulo ang dugo ko nang malaman kong si Mr. Delubyo ito. Ano bang trip niya at bakit ang pangit ng ugali niya? Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Sinuway naman siya kaagad ng katabi niyang si Ms. Martinez, "Why? I am just telling the truth," inis na sabi nito nang masuway siya. "Diba ito yung masungit na teacher no'ng tour day? Nakakainis na 'to ah," sabi ni Lou na tila gustong sagutin si Mr. Delubyo. "Oo 'yan iyon, Lou. Ano sabunutan na ba natin?" gigil na sabi ni Michelle na mabilis ko namang sinuway. "Joke lang, Lily." "Don't mind him, ganyan lang talaga siya," sabi sa'min ni Mr. Peligro. Kahit na kung anu-ano ang pinagsasabi niya, pinigilan ko pa rin ang sarili ko. I have to. "Anyway, students. We're happy to know that you're willing to take this responsibility," binasag ni Mr. Aguiluz ang katahimikan at lumapit sa'min, kinamayan niya kami isa-isa. "Me too, sir!" nagagalak na sabi ni Michelle. Pinaupo na kami ni Mr. Peligro mula sa likuran. "Hi Mr. Van," bati ni Michelle dito na tila kinikilig dahil magkatabi sila ng upuan. Nginitian siya ni Mr. Van, "Hi," matipid nitong saad. At there she is, napapalo nanaman sa braso ko. WHAT THE HECK! Since 'di pa namin kilala ang ibang teacher ay sinabi ni Mr. Aguiluz na magpakilala sila sa'min at mabilis naman silang kausap. "For those who don't know, This is Ms. Martinez," raised her hand. "Mr. Van here," "Hi, Mr. Jackson, yeah Ian's dad," sabay malawak na ngiti na tinignan si Ian. Pati pagngiti parehong-pareho, 'di maitatangging mag-ama ang dalawang 'to. "Ms. Alisah," sabi no'ng isang babae na makapal ang suot-suot na eye glass. "Mr. Delubyo," here he is again, nakabusangot ang mukha. "Hi, just to be clear I'm not a teacher but I'm Kiara," sabi nito. "Same, I'm Carson," siya yung lalaki na naginform sa'min before. Pagkatapos nila ipakilala ang sarili nila ay hindi rin kami nakatakas dahil kami naman ang sumunod, nagturuan pa kami kung sino ang mauuna pero dahil madaling kausap itong si Nef, nagvolunteer na ulit siya. Mabilis naman silang nakapagpakilala at ako ang nahuli, "Hi, this is Felicity Gonzales. Nice meeting you all," nahihiyang sabi ko. "Gonzales? What a familiar surname, huh?" tanong ng isang teacher, sa pagkakatanda ko it's Ms. Alisah. "It reminds me about one of the important people in my life," malungkot na tono ni Mr. Jackson. D-did they know my father as well? Narinig kong napaubo si Mr. Peligro, "Just so you know, he's the daughter of our friend. He's the daughter of Zoren," sabi niya. Pansin ko ang gulat sa mga mata nila, maging sa mga kasama ko. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni dad, bumibilis ang t***k ng puso ko katulad ngayon. Lahat ng mga mata nila ay nasa akin. "F-for real, his daughter is here? and is it you, iha?" tanong ni Mr. Delubyo sa'kin, tila 'di makapaniwala. Bahagya akong tumango, "Yes, I am, s-sir," I said. At sa hindi maipaliwanag dahilan, nagkaroon ng saglit na katahimikan sa'min. I don't get it why they are so shock. What's the matter? Bakit parang big deal sa kanila na anak ako ni Stephen Gonzales? Bakit kanina si Ian, 'di naman sila nagulat? So weird for me. "I am so sad what happened to your dad and I know how hard it is for you until now but I just want to say how happy and proud he is to you, lagi ka niyang naikwekwento sa'min at 'di ko ineexpect na makikita at makikilala kita," madamdaming saad ni Ms. Alisah, tinitigan niya ako sa mata at nakita ko ang lungkot dito. Parang ang lalim na ng samahan nila. Napayuko ako, tila may naramdaman akong kirot mula sa aking puso, unti-unti nanaman sumagi sa isip ko ang pangyayaring ayaw kong balikan. Those moments how devastated we were and clueless on what happened to dad. At nang malaman ko ang rason, mas masakit pala. "Lily, sin---" Magtatanong pa sana si Nef pero nagsalita na muli si Mr. Delubyo, "Ah everyone, it's not the time to talk about Zoren or ask that girl about this. Nandito tayo para magmeeting, if you want to talk about something do it on your free time." Napatigil naman ang lahat, wala na kaming nagawa kundi magkaroon ng matibay na pag-uunawa sa inaasal niya. He has a point naman but the way he delivers it, it's annoying. Nakakainis yung boses niya. Tumango-tango naman ang lahat at muli nang tumingin sa harap. Umupo na rin ako maging si Mr. Peligro, huminga ako ng malalim kailangan ko magconcentrate ngayon. "Carson, where is the file I'm asking for you?" sabi ni Mr. Aguiluz sa kaniya, Carson immediately went towards him and gave him a folder at pagkatapos ay bumalik na sa kaniyang upuan. Agad naman itong binuksan ni Mr. Aguiluz, and here I am again wondering what is it. "I know you know this well but for the new dream wanderers I have to repeat it for them to understand. In the first day of class, may nagreport mula sa Guidance Office at may isang estudyante daw ang 'di na nagising mula sa pagkakatulog, alam kong aware na kayo na kapag may nangyayaring ganoong sitwasyon ay hindi malabong mangyari na ang mga evil dreamers ang may kagagawan no'n," he explained. I suddenly remembered what happened in the first day of school while we were walking, may nagmamadaling isang lalaki at sa likod niya ay may umiiyak na babae, that boy is this---Carson. I think ito ang pinaguusapan ngayon. "Fortunately, wala siyang sugat na natamo sa kahit anong parte ng katawan niya. Dinala agad namin siya sa hospital ng school natin at he took general check up to know the reason why he's not waking up," "Inutusan ko si Carson na bisitahin siya sa kaniyang panaginip and he's not even there also, we don't know where he is right now," sabi nito. "So far, hinihintay natin ang resulta ng kaniyang general check up. 'Pag walang nakitang something wrong sa kaniya, let's assume that it's those evil dreamers who made this to him, that those evil dreamers are back and they are putting us again in danger. We have to be prepared," sabi ni Mr. Aguluz. I hope it's not dahil for sure na marami nanamang mabibiktima at masasaktan. Kahit na gusto kong makaganti sa kanila, mas nananaig pa rin sa'kin ang kagustuhan ng kapayapaan. Hinihiling ko na sana hindi na sila bumalik at gumawa muli ng karumal-dumal. Pero wala talagang kasiguraduhan, hangga't maaari kailangan naming maghanda at lumaban. Dahil hindi namin alam, baka mamaya, bukas, sa susunod na araw at sa susunod na buwan ay bigla na lang silang lumitaw. As a dream wanderer, I will do my best to help.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD