Chapter 11 - A Bracelet

2907 Words
Lily's Pov Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa ipinakita saamin ni Mr. Peligro, 'di ko malaman sa sarili ko ang tapang tapang ko kahapon at pumayag pa ako na makita ang mga larawan na 'yon pero sa huli hindi pala ito nakatulong sa'kin. Parang feeling ko anytime ay magpapakita sila sa'kin, na anytime nasa harapan ko na sila at tinitignan ako at sasakalin. Ganoon ang mindset ko kapag nakakakita ng mga sensitive pictures. Hindi ko makalimutan lahat ng mga mukha nila, grabe yung mga nangyari sa kanila at talagang disturbing. Idadgdag mo pa itong si Michelle na 'di rin ako makatulog dahil tinabihan ako kahapon sa sobrang takot at nakasiksik sa'kin. Partida yung first page lang yung nakita niya, ano pa kaya ako? Biglaang sinuspende ang pasok ngayong araw, huli na nang mainform kami dahil nakasuot na kami ng uniform namin kanina at papunta na kami sa room. Wala kaming choice para bumalik na lang ulit sa dorm room namin at muli kaming natulog dahil sobrang inaantok kaming dalawa pareho. Sinuspende nila ang pasok dahil may biglaang meeting daw ang mga teachers at bukas rin ay walang pasok dahil apat na araw lang ang pasok namin sa isang linggo at tatlong araw naman ang rest day namin. Binigyan rin kami ng isa pang araw para pagisipan kung willing ba kami o hindi. Mga ala una na ng hapon ako nagising, binawi ko yung kulang na tulog ko kagabi at no'ng mga nakaraang araw din. Kahit papaano, nagpapasalamat ako dahil walang pasok ngayon dahil sa kabila ng nalalaman ko ngayon sa paaralang ito, nakapagrelax din yung utak ko. "Hoy babae, tumayo ka na d'yan. Kumain na tayo," sigaw saakin ni Michelle habang nasa lamesa na at nagsasandok na ng kanin. Ayaw pa talaga ng katawan ko bumangon at sa totoo lang gusto kong matulog ngayon magdamag at tumambay na lang sa sarili kong mundo which is sa panaginip. "Hoy, kain na," hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya at kasalukuyang hinihila yung dalawang kamay ko sa pagbangon, "Napakatamad mo talagang babae ka," sabi ni Michelle sa'kin at napapakamot pa sa ulo. She's right, tamad talaga ako. Masipag ako sa mga school works pero sa mga gawaing bahay katulad ng pagluluto, pagwawalis, paghugas ng pinggan ay medyo 'di ako maasahan. Nasanay ako na paggising ko sa umaga may nakahanda ng pagkain sa lamesa, wala na akong iintindihin. Si Mom lagi ang nagluluto sa bahay at sabay sabay din kaming umaalis. Napatigil ako sa pagnguya nang malasahan ko ang sinigang na baboy na niluto niya, namiss ko kumain ng ganitong ulam at bigla ko ring namiss si Kuya TJ at Mom. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? 'Di ba masarap ang luto ko?" tanong sa'kin ni Michelle habang nakataas ang kaliwang kilay at habang may laman pa ang kanyang bunganga ng kanin. Umiling-iling ako, "This is delicious, the best ka talaga magluto. Turuan mo naman ako minsan," sabi ko sa kaniya, tinignan naman niya ako na parang 'di naniniwala sa sinasabi ko. "We? Sure yan? Walang halong joke?" "Yep, bakit 'di ka ba nasasarapan sa luto mo?" sabi ko sa kaniya. "Hm, sakto lang," humble din naman pala minsan. At dahil siya ang nagluto at nagsaing, nagvolunteer na ako ang maghugas ng pinggan. Wala ako sa bahay para magpakabuhay prinsesa, aware ako na kailangan naming magtulungan dalawa sa mga dapat gawin. Dahil wala na rin namang pasok ngayon ay naisipan naming labhan yung mga labahin namin para sa mga susunod na araw ay wala na kami masyadong iintindihin. Sa kalagitnaan ng aming paglalaba, may isa akong bagay na naalala. "Meet me in your room tomorrow, I have something to tell you." Naalala ko ang sinabi ni Mr. Peligro sa'kin kahapon habang papabalik kami sa kaniya-kaniya naming dorm. I actually don't think about it pero nang maalala ko ito ay bigla akong nacurious. "Bakit daw pinapapunta ka ni Mr. Peligro sa room?" tanong ni Michelle nang magpalit na ako ng damit, nagkibit-balikat lang ako. "Wala rin akong ideya, may sasabihin daw siya eh. Not sure kung ano ito," sabi ko habang nakatapat sa salamin at sinusuklay ang buhok ko. Nakasuot lang ako nang isang white tshirt at pants, simpleng-simple lang. "Nakakacurious ah, ikaw lang ang pinapapunta niya. Di kaya ano--" sabi ni Michelle habang nakahiga at nakaharap sa kaniyang laptop ngayon at may something na pinapanood, tinignan ko naman siya ng nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya. "Anong-ano?" tanong ko sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng isang nakakalokong ngiti, "'Di kaya type ka ni Mr. Peligro," sabi nito at humagalpak ng tawa maging ako ay napatawa. "Loko ka, kahit kailan talaga kung anu-ano pinag-iisip mo," sabi ko at binato sa kaniya ng malakas yung isang unan. "Bakit? Posible naman di'ba? Ayaw mo kay Sir, pogi kaya no'n. Serious type boy tas ang talino pa," "Mukhang ikaw ang may gusto kay Mr. Peligro, ah?" "Hm, slight lang," at humagalpak nanaman siya ng tawa at syempre may kasamang pagpalo. "Hanep ka talaga, alis na nga ko. Magsolo ka muna d'yan," sabi ko sa kaniya nang maayos ko na ang dapat kong maayos sa sarili ko. "Wait friend, umuwi ka bago dumilim. Wala akong kasama dito," pagpapaalala niya, natawa ako ng bahagya dahil nakita ko yung takot sa mukha niya nang sinabi kong aalis na ako. At mukhang nahahawaan na ako ni Michelle sa pang-aasar, kaya naman naisipan ko siyang asarin kahit minsan lang. "Hm, not sure pa. Anyway, good luck na lang sayo. Sana wala kang makita dito ngayon," sabi ko sa kaniya at nagmadaling lumabas ng pinto. "HOY LILY, WALANGHIYA KA TALAGA KAHIT KAILAN! YARI KA SA'KIN MAMAYA," narinig kong sigaw niya. Hindi ko maiwasang matawa. Kakaonti lang ang mga naglalakad ngayon sa labas, malamang sa malamang nito ay sinusulit din nila ang oras na free sila at walang masyadong iniintindi. Kahit papano, medyo kabisado ko na rin ang daan papunta sa room namin. Ang problema nga lang ay kailangan talaga naming maglakad ng pagkalayo layo para lang makapasok. Kaya in order not to be late, kinakailangan naming pumasok ng maaga. Kailangan siguro 15 minutes before class, sobrang lawak naman kasi ng Crescent High. Nagmadali na ako sa paglalakad, walang binanggit si Mr. Peligro na oras kung kailan ako pupunta. Iniisip ko kung madadatnan ko ba siya sa room pero sana nandoon siya para 'di naman masayang effort ko maglakad ngayon. Pumasok na ako sa 2nd building, wala na akong sinayang na oras. Nang makarating ako sa room, sumilip ako mula sa bintana ngunit wala man lang katao-tao dito. Wala si Mr. Peligro sa loob pero nakabukas ang ilaw. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock. "Lily, you're here" halos malaglag ang puso ko sa gulat nang may bigla-biglang nagsalita mula sa likod, napalingon ako at nakita ko si Mr. Peligro na formal ang kasuotan at as usual may hawak siyang libro. "Sir," matipid kong sagot, napahawak ako sa dibdib. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko. "Akala ko 'di ka na pupunta," sabi ni Mr. Peligro sa'kin, walang emosyon. Seryosong-seryoso ang dating. "Ah, sir. Sa totoo lang, nakalimutan ko talaga. Ano nga po pala yung sasabihin mo?" tanong ko sa kaniya. Imbis na sagutin niya ako ay binuksan niya ang pinto ng room namin at pinaupo niya ako malapit sa teacher's table sa harapan. Maya-maya ay inayos niya muna yung mga nakakalat na mga gamit niya sa table niya at saka ako muling hinarap. "Lily, hindi ako magpapaligoy pa.," he said in a serious tone, "Are you the daughter of Mr. Zoren Gonzales?" diretsahang tanong niya sa'kin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Did I hear it right? He is asking me about him? Bahagya akong tumango, "H-how did you know my f-father?" Tumayo siya at binuksan ang isa sa cabinet na nandito sa room, kinuha niya ang isang bracelet at inabot ito sa'kin. "W-what is this, Sir?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang mga noong tinignan siya. "This is from your father, he was really expected na papasok ka dito sa Crescent High. Sabi niya sa'kin na ibigay ko sayo 'yang bracelet mo," he said. Tinitigan ko ang bracelet, purple ang kulay nito at sa pinakataas ay may nakasulat na pangalan ko, 'Felicity'. All of a sudden nakaramdam ko na nag-iinit ang aking mata at nagbabadyang bumagsak ang aking mga luha. "How did you know my father, sir? at paano niyo rin po nalaman na anak niya ako?" tanong ko muli sa kaniya. "Your father is my bestfriend, he is also a professor here in Crescent High. He is a dream wanderer like you pero kahit na malayo ito sa bahay niyo, mas pinipili pa rin niyang umuwi," he said. Naguluhan naman ako sa sinabi niya, what he said right now ay 'di tumutugma sa trabaho ni Dad. He must be mistaken. "but sir but hindi teacher ang trabaho ni Dad. Sa pagkakaalam ko ay isa siyang proofreader sa isang kompanya." "Yes, nabanggit niya yan saakin, pero 'di niya lang sinabi ang tunay niyang trabaho dahil ayaw niya kayong mapahamak. Ayaw niya kayong mainvolve sa nangyayari sa'tin that time." So he's not a proofreader but a professor here in a crescent high? It made me shocked. "This is impossible, he's very open to us. How did he lie to me?" Napahinga siya ng malalim. "I know but sometimes kahit na gusto mo maging honest sa isang tao, minsan mas gugustuhin mo na lang na ikeep mo ito sa sarili mo para sa kaligtasan nila. He chose to kept it on his own for your own sake," At hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking luha, tila masaya itong nag-uunahan na bumagsak. Hindi ko maiwasan mapahagulgol, narealize ko na 'di ko pa rin pala tanggap na wala na siya. He's too young and he's too kind. Mr. Peligro stand and walk towards me, binigyan niya ako ng tissue at hinagod-hagod ang aking likod. Hinayaan niya lang ako umiyak, hinayaan niya lang ako ilabas yung nararamdaman ko ngayon. "I feel your pain. As a best friend, it also hurts. Actually, hindi ko lang siya tinuturing na kaibigan eh, I considered him as my real brother. He always cheers me up and teaches me a lot of things, 'di ko maitetake itong responsibility natin because of him. I missed him so much," sabi ni Mr. Peligro. I feel him too, I missed my father so much, If I will be given a chance to take back on the past. I want to go back to the time that he's alive, that everything is fine that I still see his priceless smile and I still feel how he loves and is proud of me. Unti-unti namang gumagaan ang pakiramdam ko, naubos ko ata yung tissue ni Sir kakapunas ng luha at sinabayan ko na rin ng pagsinga. Nang matigil na ako sa pag-iyak ay bumalik na siya sa inuupuan niya. "Kaya pala no'ng first time kitang makita, nakikita ko na sayo si Ren. 'Yun pala ay anak ka niya," sabi ni Mr. Peligro sa'kin. "Buti na lang at itong isa pa naming kaibigan na si Carlo, nagkausap kami kahapon at sabi niya ay nag-aaral daw dito yung anak ni Zoren at ipinakita niya yung mukha sa'kin and it is you," pagpapaliwanag niya. "Sino po si Carlo?" "Yung isa sa mga guard natin, nameet mo na siya for sure bago ka makapasok dito. Magkaibigan na kami ni Ren at Mr.Aguiluz pero nang mag-aral si Carlo dito ay naging close din namin siya, he's just a lucid dreamer. He said he shocked when he saw you," Napaisip naman ako sa sinabi niya at naalala ko yung mukha ng guard, yung kumuha ng school brochure ko at naalala ko yung reaksyon niya nang makita niya ako, yung pagkagulat niya that time. So ito pala ang rason? because he knew me already? Tumango-tango lang ako sa kwento niya, sa totoo lang narealize ko na wala rin pala akong kakilala na mga kaibigan ni Dad. Katulad nitong si Sir, 'di ko siya nakita before even yung Carlo na sinasabi niya. Dito ko lang sila nakita sa school na 'to. Akala ko alam ko na ang lahat about kay Dad, there is something that he didn't tell to me but I do understand him dahil ginawa niya lang 'yon for our safety. Ganoon din ako kay Mom, 'di ko rin sinabi sa kaniya ang reason kung bakit ako nandito because ayoko na rin sila mainvolve dito. Napahinga ako ng malalim. 'Di pa rin naaalis sa part ko na wala na siya, until now umaasa ako na sana nasa ibang lugar lang siya at anytime pwede siyang umuwi sa bahay at sasalubungin ko ng isang mahigpit na yakap. "Sir," tawag ko sa kaniya, napalingon naman siya agad sa'kin. Tumingin ako sa mga mata niya, I think this is an opportunity that I should not waste, na tanungin sa kaniya kung ano nga ba ang nangyari kay Dad. Malakas na ang kutob ko na may kinalaman nga ito sa nangyari sa Dream War two years ago. Napahinga ako ng malalim, matagal ko ng gustong malaman kung ano ba ang nangyari sa kaniya pero bakit sa oras na ito parang gusto ko umatras, parang 'di ko kayang malaman kung ano ang sinapit niya sa mga evil dreamers kung sila man ang dahilan ng pagkawala niya. "I know that you know that he's already dead, and I know that you also know what happened to him, can you tell it to me Mr. Peligro?" tanong ko nang maluha-luha nanaman, mas okay na siguro ito para malinawan na rin ako sa nangyari sa kaniya. This is it, this is the time I've waited for so long. "I did expect that you will ask that to me, hinihintay lang kitang tanungin ito," sabi niya sa'kin. "Then what now, sir? All of us including my mom and brother are really have no idea what happened to him." "During dream war, kami ang magkasama ni Ren sa labanan pero nagkahiwalay kami that time to save others dahil 'di nila kinakaya ang lakas ng mga evil dreamers. Nang mga oras na 'yon, 'di ko na napansin kung nasaan siya. "All in my mind is to win and to be save, nang matapos ang labanan hinanap ko siya agad pero wala siya sa mga nakaligtas so masakit mang isipin, i-isa siya sa mga namatay," pagpapaliwanag niya. And here I am again, the pain is flowing in my whole body. Parang biglang sumikip yung dibdib ko nang ipinapaliwanag niya ang mga nangyari. Unti-unti 'di ko na muling napigilan ang sarili ko, nanlabo ang aking paningin dahil sa mga maiinit na luha na pumapatak sa mga mata ko. This is the first time to cry in front of a person aside from my family, even kay Michelle hindi pa niya ako nakikitang umiiyak. It just truly hurts, my first heartbreak. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kan'ya. Napayukom ako ng kamao dahil sa magkahalong inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Damn those evil dreamers, I want to punch them in their face. "Pero..." sabi niya dahilan para mapatingin muli sa kaniya. "But what?" I said while wiping my tears. "Pero tinipon namin ang mga bangkay ng mga nasawi sa dream world, tinatawag namin itong dream corpse at hinanap namin ito isa-isa. We don't need to bury them in dream world dahil ang mga dream corpse na 'yon ay maglalaho ng parang bula within a week. "As of now, tatlo pa ang 'di namin nakikita hanggang ngayon at isa na 'don ang kay Ren, to your dad," he explained. "What do you mean by that, sir? what do you want to convey?" naguguluhan kong tanong. "It means that there is a possibility that they are still exist in dream world or nasa isang tabi lang ang dream corpse nila. Pero imposible, hinanap na namin sa bawat sulok at 'di pa rin namin makita," Para akong natanggalan ng tinik sa narinig ko, nakaramdam ako ng kahit kakatiting pag-asa. "You mean, pwedeng buhay pa si Dad? na posible ko pa siyang makita?" "I don't want to give you a false hope, Lily but yes it's possible. At some point, mukhang malabo rin. May time limit lang kasi ang isang dream wanderer sa pagstay sa mundo ng panaginip, may limang araw ka lang to stay at makakafeel ka na ng panghihina kapag nagtagal ka pa doon na magiging way for you para mamatay, unless.." "Unless what?" "Unless that your father is an immortal but that's too impossible," sabi ni Mr. Peligro "We don't know, we're still unsure," Nagkaroon muli ng katahimikan, ngayon malinaw na sa'kin ang lahat at ang tanging nararamdaman ko lang ay sakit, gusto ko pa siyang makausap, makita ng harap-harapan na kailanman ay malabo ng mangyari. But atleast, nalaman ko na kung ano ang rason ng pagkawala niya. May kinalaman nga dito sa abilidad namin, kung nasaan man siya, I hope he's fine. Bilib ako sa kaniya, he's one of the heroes. He sacrificed himself for the sake of each and every one of the people like us, dreamers. He is so brave, I am so very proud of him. Maya-maya sabay kaming napalingon ni Mr. Peligro sa bandang pintuan nang tila may isang bagay na bumagsak dito, agad na pumunta doon si Mr. Peligro at sumunod na rin ako pero pagtingin namin ay wala namang bumagsak at may narinig kaming mga mabibilis na yapak. Nagkatinginan kaming dalawa, "Someone is listening to us," he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD