Chapter 10 - Evidence

2097 Words
Lily's Pov Mabuti at napagpasyahan ni Mr. Peligro na ipakita saamin ang ebidensya na magpapatunay na pawang katotohahan ang mga sinabi niya. Makakatulong ito para mawala na yung mga pagaalinlangan namin at maibsan ang kuriosidad na bumabalot sa aming isipan. Para na rin tuluyan ng maniwala ang bawat isa sa amin especially kay Vin and Lou na hindi talaga naniniwala sa mga sinasabi ni Mr. Peligro. "Prepare your crescent moon necklace, it is needed for you able to go inside." pagpapaalala niya saamin. Agad ko namang isinukbit yung bag ko mula sa likod papuntang harap at binuksan ito para kunin yung crescent moon necklace, buti na lang at 'di ko inaalis sa bag ko ito kaya natatandaan ko kung saan nakalagay. "Takte, mukhang nawala ko ata yung crescent moon necklace," pabulong na saad ni Michelle, kasalukuyan na niyang hinahalukay yung bag niya at 'di na mapakali. "Baliw, suot-suot muna" medyo natatawang saad ko sa kaniya, kinapa naman niya ito at napansin kong nakahinga siya ng maluwag. "Kinabahan ako 'don ah," sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Kahit kailan talaga, makakalimutin itong si Michelle. Huminto si Mr. Peligro sa isang malaking pinto habang may dalawang body guard na nagbabantay dito. 'DW'S Meeting Room' is the name of the Room. Katulad ng sinabi niya kanina, ipinakita namin sa mga guards ang mga crescent moon necklace na napanalunan namin sa Dream Game. Nang makapasok kami sa loob, hindi ko maiwasang mapamangha dahil sa lawak ng room na 'to, kulay purple ang pintura at may mga iba't ibang backgrounds katulad ng stars, planets, moon, galaxies katulad sa room namin. Kung ikukumpara ang lawak nilang dalawa, higit na mas malawak ang room na ito. Nagawi ang tingin ko sa kaliwa, may mga shelfs dito na naglalaman ng mga libro at kung hindi ako nagkakamali ay mga mahahalagang papeles, maayos pagkakaayos nito at maganda tignan. Organize na organize. Sa kanan naman, may isang white board doon at may mga upuan na nasa sampu ang mga bilang. Nagawi rin yung tingin ko sa taas ng white board, may mga nakapaskil dito na mga larawan ng mga iba't ibang estudyante, nakasuot sila ng uniforme namin at yung iba ay seryoso lang at yung iba naman ay nakangiti. Sino kaya ang mga 'to? Natigil kami sa pagtitingin nang magsalita na muli si Mr. Peligro, "This room is Dream Wanderer's meeting room area. Once you're already willing to take your responsibility, madalas kayong makakapunta rito." pagpapaliwanag ni Mr. Peligro. "Bakit parang hindi saamin natour ito sir?" tanong ni Michelle na tila iniisip kung nakalimutan lang ba niya o hindi talaga natour ni Ms. Martinez ang room na ito saamin. "Like what I've said, it's our meeting area at tanging Dream Wanderers lang ang may authorize na makapasok dito" Nagpatuloy lang sa paglalakad si Mr. Peligro kung saan ay sinusundan lang namin kung saan niya pumunta. "Sir, sinu-sino po 'yong mga estudyante doon?" tanong ni Nef nang magawi ang kanyang paningin doon sa itaas ng white board, itinuro niya ito at bakas ang kuriosidad sa kaniyang mga mukha. "They are dream wanderers like you. Actually, hindi lahat ay nandyan may mga iba pa especially noong batch namin," "Marami-rami rin po pala ang mga dream wanderers, nasaan na po sila ngayon? makikilala po ba namin sila?" si Ian. Sandaling natigilan si Mr. Peligro tila biglang lumungkot ang kaniyang mga mukha, "Yes, but not all of them," matipid niyang sagot. "Huh? Bakit po?" tanong ni Michelle. Kinuha ni Mr. Peligro ang isang folder na kulay purple sa shelf at binuklat ito, pumunta siya sa may round table sa pinakadulo ng room at pinaupo niya kami roon. "Two years ago, nagkaroon ng war between evil dreamers at dream wanderers. No'ng time kasi na 'yon ay nalaman namin kung saan sila nagtatago kaya para wakasan na yung mga kasamaang ginagawa nila, we never hesitate to attack them." "It was happened in dream world, mga nasa isang daan kami no'n samantalang ang mga evil dreamers kung hindi ako nagkakamali ay mas marami pa saamin. They are quite strong pero hindi kami pinanghinaan ng loob because all we need that time is to bring back the peace of the dream world. That's our goal. "Nang mangyari ang dream war na 'yon, dumanak ang maraming dugo. Lahat ay napuno ng galit and we actually made it napagtagumpayan natin na itigil ang kasamaan nila, "kasi simula noon naglaho na lang na parang bula ang mga evil dreamers, nag-try kaming pumunta sa lugar kung saan sila nagtatago at wala na sila. "They probably go somewhere but the only thing we know is that they are still alive and anytime they will going to attack us again. We have to be ready, to be strong, to be alert." "Alam niyo ba kung bakit hindi niyo na sila makikita?" tanong niya muli at itinuro ang mga litrato na nakapaskil. "Because almost dream wanderers there are killed by the evil dreamers, they did not hesitate to sacrifice themselves and to be brave just for the sake of having a peace again. "Sa mga nakapaskil na 'yan, dalawa na lang sa kanila ang nananatiling buhay." "That's why I am asking you if you are willing because once you decide, kailangan mo ito panindigan 'til the end." Napatingin ako muli sa mga nakapaskil na pictures ng mga ibang dream wanderers, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa katapangan nila at the same time nalulungkot dahil maaga silang nawala. Hindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon, hanggang ngayon 'di pa rin ako nakakapagdecide sa kung ano ang magiging desisyon ko. Bahala na siguro si batman. Narinig kong napahinga ng malalim si Mr. Peligro, binuksan na niya yung purple long folder na hawak-hawak niya. Iniharap niya saamin kung ano ang nasa first page. 'Dream War' September 30, 2019 Note: This is confidential, highly recommended to keep it on yourself. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat. September 30, 2019? How can I forget that day? That day was the day where my Dad died. Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan, napakabilis ng t***k ng puso ko na para bang gusto nitong lumabas. Is it just a coincidence o posible na isa si Dad sa mga nasawi sa nangyaring Dream War? "Lily, ayos ka lang? Namumutla ka, " nag-aalalang tanong ni Ian saakin, napatingin naman saakin ang lahat maging si Mr. Peligro. Malakas ang aircon sa loob ng room pero bigla akong pinawisan. "O-okay lang ako" I said, pinilit kong ngumiti. Gusto kong ishare sa kanila 'yong nangyari kay Dad pero mas mabuti na alamin ko muna sa sarili ko kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya. Katulad ng sabi ni Vin, hangga't wala pang ebidensiya, hangga't hindi pa clear ang lahat. Hindi dapat ako magtiwala sa mga thoughts ko na 'to. Tumango-tango lang si Ian, hinagod niya ang likod ko at natuon na ulit ang atensyon namin kay Mr. Peligro at ipinagpatuloy na niya ang pagkukuwento. "As you can see, dream war happened in the year 2019. It's been two years but everything was still clear in my mind. Ang file na 'to ay naglalaman ng mga pictures ng mga dream wanderers at lucid dreamers na napatay ng mga evil dreamers. "I just want to remind you that it has some sensitive pictures, mga larawan na pwedeng makapagtrigger sa inyo. Kaya niyo bang makakita ng ganitong mga pictures?" tanong niya saamin. Nagkatinginan kaming lahat, napansin kong napapahinga ng malalim si Michelle. Kilala ko ang babaeng 'to ayaw na ayaw niya makakita ng mga pictures na ipapakita saamin ni Mr. Peligro, hindi kasi niya agad nakakalimutan 'to. Kapag manonood nga kami ng thriller or horror movies wala pa sa kalahati ay pinapatigil na niya. Gayunpaman, wala kaming choice na umagree kay Mr. Peligro. This is an evidence na magpapaconvince samin ng tuluyan para maniwala kay Sir. "Alright" sabi niya nang tumango-tango kami. Inilipat na niya sa kabilang page ang hawak-hawak niyang folder at iniharap niya ito saamin. "What---" halos mapamura na si Nef sa nakita. "Sh*t" si Vin. Lahat kami ay napaiwas ng tingin at napapikit nang makita namin ang pictures ng dalawang babae. Yung isa ay may dugo sa bandang tiyan niya na tila sinaksak ito samantalang yung isa ay sa leeg naman, parehas silang walang malay at puti na ang kanilang labi. Medyo nakakatakot siyang tignan. Napahawak ng mahigpit saakin si Michelle, rinig ko ang bawat paghinga niya. Kasalukuyan ko siyang pinapakalma ngayon. "These are the first evidence and these girls are dream wanderers like you. This is Michiko while this is Lina, magagaling sila sa pakikipaglaban but they still failed to survive. Ganoon kalakas ang mga evil dreamers, isa sila sa mga nakapaskil doon" turo niya sa mga pictures sa taas ng white board. "Next," "Wait sir," pagpipigil ni Nef nang ililipat na si Mr. Peligro sa kabilang page. Tinignan niya nito at hinihintay yung sagot niya kung bakit niya ito pinigilan, "I think that first evidence is enough for us to believe. It's very disturbing." sambit ni Nef, hindi maipinta ang kaniyang mukha. "He's right, baka 'di pa kami makatulog nito," pagsang-ayon ni Michelle kay Nef. Tinignan ko si Vin, Ian at Lou, nananatili lang silang kalmado. "How about the others? Gusto niyo pa bang makita ang ibang ebidensya?" tanong ni Mr. Peligro at tumingin saamin. "I'd like to see it, Sir," walang halong pagdadalawang isip na tugon ni Vin. "I agree with Vin, gusto ko rin itong makita, Sir." sabi ni Lou. This time, tumingin naman sila sa direksyon ni Ian na tila nagdadalawang-isip, "It's fine with me. Good luck na lang mamaya sana 'di tumatak sa utak ko," sabi naman ni Ian. Napahinga ako ng malalim nang saakin naman nagawi ang mga mata nila, mga ilang segundo rin akong nagisip bago muling magsalita "Yes, sure. Just like what Mr. Peligro said, we have to be brave," sabi ko. "How about you two?" tanong ni Mr. Peligro sa dalawa, "Sure na ba kayo na ayaw niyo nang makita?" Nagkatinginan yung dalawa, "No sir, 'di na talaga. It's enough for me, I have trauma when I saw this kind of thing," sabi ni Nef at nakapagdesisyon na rin si Michelle na ayaw na rin niya. Umupo na lang sila doon sa tabi ng white board. Hindi naman sila pinilit ni Mr. Peligro, hindi rin namin sila masisisi. May mga tao kasi na okay lang sa kanila makakita ng mga sensitive pictures, may mga tao rin na 'di talaga kaya dahil minsan hirap silang kalimutan ito. Hindi naman tumagal pa ng isang oras ang pagpapakita saamin ng mga ebidensya, habang nililipat niya sa next page ay mas palala nang palala ang nakikita namin. Ilang beses akong napapamura sa aking isip at napapaiwas ng tingin. May pinakita siya saamin na isang lalaki na putol ang kaniyang mga paa at yung isang babae na puro pasa at sugat sa halos 'di na siya makilala. It's kind of images na ang gara tignan, sana lang talaga ay makatulog ako nito mamaya at 'di ko isipin. "Okay, that's it. Actually marami pa akong mapapakitang ebidensya at pwede ko sa inyong maipakita 'yon sa mga susunod. So far, what is your reaction?" tanong ni Mr. Peligro sa'min nang maibalik na niya sa shelf yung purple folder. "Hm, sir. It's so scary, so it means grabe po talaga mga evil dreamers? As in pati pagputol ng katawan ginagawa nila?" sabi ni Ian, mukhang 'di makamove on sa nakita namin. "Yes, Ian. Wala silang sinasanto, mas halimaw pa sila sa halimaw." madiin na pagkakasabi ni Mr. Peligro. "Pero ano nga ba talaga ang reason nila para gawin ang lahat ng ito?" tanong ni Lou. Bahagyang napailing-iling si Mr. Peligro, "Sa totoo lang, walang nakakaalam. Ayon ang isa sa ipinagtataka namin, 'di rin namin alam kung sino nga ba ang nasa likod ng kasamaan na 'to. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin namin ang sagot sa mga katanungan na 'yan," sabi ni Mr. Peligro. "Anyway, siguro hanggang dito na muna, kung may katanungan kayo or something you may go in our room, I've stayed there in my free time," sabi ni Mr. Peligro. Tumayo na kaming lahat at lumabas na ng room na 'yon, madilim na ang kalangitan at wala na ring estudyante na dumaraan, tahimik na ang paligid. Habang papalabas kami ng 1st building, nagulat ako nang tapikin ako ni Mr. Peligro sa balikat. Medyo nagtaka ako sa ginawa niya, seryoso lamang siyang nakatingin sa'kin, "Meet me at your room tomorrow," bulong niya sa'kin. At bago ko pa siya matanong ay tumakbo na siya palayo. Anong kailangan ni sir sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD