SA isang hotel kami nag-party matapos ang awards night. Dahil sa tindi ng inuman namin ay nagpasiya ang ilan na doon na magpalipas ng gabi. May sarili akong kwarto doon kaso lang ang iba ay wala kaya’t nag-offer akong patulugin ang ilang kasamahan sa silid ko. Dalawa naman ang kama doon at may sala pa ang suite. Dahil hindi naman ako gaanong uminom ay sa sofa ng suite na ‘ko natulog. Apat na lalaki ang nasa silid.
Alas tres ng madaling araw nang magising ako dahil sa uhaw. Bumangon ako at tinungo ko ang maliit na ref sa hotel at kumuha ng bottled water. Habang umiinom ay nakarinig ako ng kakaibang tunog mula sa kwarto na bahagyang nakaawang ang pintuan. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tunog na iyon. Naulit pa ang tunog at natigilan ako nang mapagtanto na pag-ungol pala ito. Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan at sumilip sa nagaganap sa loob. Ang kama sa may pintuan ay may dalawang natutulog na kasamahan naming staff na nakisaya noong gabing iyon habang ang kabilang kama sa may bintana namay ay may maaksiyong kaganapan. Dahil may kaunting ilaw na mula sa bintana ng hotel ay kita ang silhouette ng dalawa. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ay nasilip ko ang kamunduhang ginagawa ng dalawang lalaki. Ang isa ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Nakakapit ang magkabilang kamay niya roon habang ang isa naman ay nagpapakasasa sa nasa ibabang bahagi ng isang lalaki. Impit na ungol ang narinig ko bago padapain ng lalaking marinong mahilig sumisid ang isang lalaki. Nagsuot pa ito ng condom bago gawin ang isang bagay na hindi ko pa nakita kahit sa palabas sa TV o kung saan man. Anal s*x. I watched until they were both satiated. Pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso at at pagkakaramdam ng init sa katawan dahil sa napanood. Nang nakahiga na ang dalawa sa kamay at nagsimula namang maghalikan ay nagpasiya na ‘kong lumabas ng suite na ‘yon bago pa may mali akong magawa.
Nakasuot lang ng tsinelas na pang-hotel at dala ang keycard ay nagtungo ako sa rooftop. Habang pinagmamasdan ang mga city lights sa ibaba at ang ilang sasakyan sa daan, sinubukan kong gawan ng logic ang pakiramdam ko. Maraming bumabagabag sa’king isipan matapos makita ang maaksiyong madaling araw ng dalawa naming kasamahan. Hindi ko alam na may relasyon pala sila o ano ba ang s****l preference nila dahil tuwing makikita ko naman ang dalawa ay mukha naman silang straight na mga kalalakihan. Ang mas nakakagulo sa’kin ay ang pakiramdam ko habang pinapanood sila.
I felt turned on and in heat. Noong nasa therapy pa ako ay pinapanood ako ng mga p**n para makatulong sa unti-unti kong pagtanggap sa nangyari sa’kin. Hindi ko naramdaman ang ganoong klaseng init kapag lalaki at babae ang nagtatalik ngunit noong ang dalawang lalaki ang napanood ko ay parang gusto kong buksan ang pintuan at sumali sa kanilang dalawa. I closed my eyes as I recalled their moans and the act itself na nagpainit sa buong katawan ko. I looked down and saw my pants looked full. Inisip ko kung kailan ba ‘ko nakaramdam ng ganoong klaseng init? Wala. Kahit noong kasama ko si Stacey ay hindi ganoon katindi ang pagnanasang naramdaman ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa bata pa ako noon o dahil simula noon ay hindi pa ‘ko muling nakaranas ng ganoong release. Noon naisip kong abstinence at celibacy ang pagpipilian kong termino dahil sa kawalan ng activity ng relationship at s*x life ko ngunit ngayon ay napapaisip ako kung tama pa bang gawin ko iyon. It might be altering my state of mind.
Simula nang gabing iyon ay iba’t-ibang pakiramdam na ang naranasan ko tuwing makakita ng mga lalaking magaganda ang katawan. Kung noon ay umiiwas ako sa mga babae, nang matapos ang gabi ng parangal na iyon ay sa mga lalaki naman ako umiwas.
Sa isang banda ay hindi ko matanggap na nakakaramdam ako ng ganoon. Ang bata ko pa para magkaroon ng midlife crisis at ang tanda ko naman para magkaroon ng confusion ng identity. Para sa’kin, isa lang itong phase na malalagpasan ko rin kung hindi ko ito papansinin.
LUMIPAS ang mga buwan na wala pa ring linaw kung ano ba talaga ang nangyayari sa’kin.
“Luke, okay ka lang? Parang tulala ka na naman?” tanong ni Kiko, isa sa mga kasama ko sa pelikulang pagbibidahan namin ng limang kalalakihan na nanggaling sa bahay ampunan. Nasa table reading kami noon at naka-break lang for coffee and snacks nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa hawak kong papel. Dalawa lang kaming naiwan sa lamesa. Narinig kong sinabi niya sa direktor na busog din siya kagaya ko kaya’t hindi muna siya kakain.
“Okay lang. Thanks.” Pagtingin ko sa kanya ay nakataas ang kilay niya at mukhang hindi naniniwala na ayos lang ako. Ang totoong dahilan ng pagtahimik ko ay dahil napagigitnaan ako nilang lima. Hindi pa kami gaanong magkakakilala dahil unang proyekto namin itong magkakasama. In terms of seniority ay nauna kong mag-artista sa kanilang lahat ngunit sa edad naman ay mas matanda sila sa’kin ng mga isa o dalawang taon. Nagmula sa mayayamang pamilya ang tatlo at si Kiko naman ay anak ng dalawang sikat na batikang artista kaya’t hindi pa siya artista ay kilala na siya ng mga tao.
“Don’t be shy around us. Alam mo na, matagal pa tayong magkakasama.” He smiled and I cou’dn't help but smile back. Sa mga kasama ko ay si Kiko ang pinakagwapo. Dahil siguro nakikita ko sa mukha niya ang pinaghalong features ng kanyang mga artistang mga magulang. Approachable rin siya at palangiti. Halos lahat ng tao ay gusto siya dahil sa magandang awra niyang ito.
“Don’t worry. Siguro dala lang ng puyat. May shoot kasi kami kahapon for one endorsement,” pagdadahilan ko. Totoo namang 3 am na natapos ang shoot ko at tanghali ang table reading kaya’t kaunting oras lang ang naging pahinga. Kung hindi sa driver kong si Mang Tonyo ay hindi ako makakatulog ng matagal-tagal dahil sa Tagaytay pa kami nanggaling para sa endorsement shoot.
“Ah, kaya pala. Nga pala, niyaya ko sila sa bahay mamaya after nito. Birthday kasi ni Papa. Baka gusto mo ring sumama? Wala ka pa kasi kanina noong namigay ako ng invitation, heto.” Iniabot sa’kin ni Kiko ang isang asul na imibitasyon. Ika-50 na kaarawan ng kanyang ama.
“Hindi halata na 50 na ang Papa mo.” Bati ko dahil mukha pa ring nasa 30s ang itsura nito tuwing makikita ko sa TV.
“Ganda nga ng genes nila ni Mama. Sana namana ko talaga.”
“Mukhang namana mo naman,” nakangiti kong sagot. Nagkatinginan kami at una akong nag-iwas ng tingin, “salamat sa invitation. May shoot ulit ako mamayang gabi so malamang hindi ako makapunta.”
“Grabe ang busy mo naman. Sayang gusto ka pa naman makilala ni Papa at Mama.”
“Hala, nakakahiya.”
“When I told them my first project will be with you, ‘yon agad ang sinabi sa’kin. They were really impressed by your acting sa teleserye mo dati. Nanonood sila noon sa bahay at sa ospital. Nasa US kasi kami that time in case hindi mo nabalitaan. Nagpapagaling si Mama.” Nagpachemotherapy sa abroad ang Mama ni Kiko noon dahil sa breast cancer. Noong nakaraang taon lang sila bumalik talaga ng Pilipinas nang masigurong cancer free na ito.
“Ah, oo naalala ko. How’s your mom now? Last na balita ko nagbaballroom dancing na raw ulit?” Natawa si Kiko sa tanong ko.
“Yes, she’s strong as ever. Kaya sana talaga makadaan ka kahit saglit lang?” Bumalik na naman kami sa imbitasyon niya. Tiningnan ko ang oras sa invitation at nakitang 6 pm ito. Noon ko lang napansin na magkalapit naman pala ang venue ng shoot at ang bahay nila sa may Ortigas.
“Sige, malapit lang naman pala. I’ll stay for a while if that’s okay? 8 pm kasi ang start ng pictorial,” ipapaliwanag ko pa sana na hindi ako dapat mahuli sa appointment nang siya na mismo ang nagsabi nito.
“Don’t worry. Akong bahala! Sasabihan ko na agad sila na saglit ka lang. Alam naman sa buong industriya na hindi ka nale-late sa mga commitments mo. Pwede na rin naman tayong pumunta after ng table reading. Mga 4 ‘to matatapos ‘di ba? Kung wala ka namang lakad after baka pwede ka nang sumaglit sa bahay?”
Lalo pa kong nahiya dahil sa mga papuri niya. Mukhang kilala nga ‘ko ni Kiko at ng mga magulang niya. Naisip ko noong una na uuwi muna ko sa bahay kung sakaling matatapos nga ng 4 ang table reading namin ngunit dahil sa pakiusap ni Kiko ay parang gusto ko na ring pumayag.
“Sige na, Luke. Minsan lang naman ‘to. Maaga ko din papapuntahin ang staff and mga kasama natin para hindi ka mailang. Ano okay ba? May pre-party naman talaga si Papa for the neighbors and all so bonus na sa mga kapitbahay namin na may celebrities silang kasama.” Natawa ako dahil sigurado naman akong balewala lang sa mga kapitbahay nila sa exclusive subdivision nila Kiko kung may artista sa party nila o wala.
“Sige. Pasensiya na if papilit ako. Kung wala lang sanang lakad umoo na ‘ko kaagad.”
“Napaka-polite mo nga talaga. Naku, kapag nalaman nila Mama baka ipabaklas ang frame ko sa sala tapos ang picture mo na ang ilagay.” Natawa ko sa sinabi niya. Unico hijo rin si Kiko at siguradong mahal na mahal siya ng mga magulang nito dahil sa mga narating nito sa buhay kahit na mayaman at kilala ang kanilang pamilya. He is one of the sons of celebrity na walang kahit anong scandal. Kilala ko siya dahil nireresearch ko lahat ng mga makakasama ko sa kahit anong proyekto para masigurong alam ko kung paano sila pakikitunguhan. Kahit naiilang ako sa kanila ay sinikap ko pa ring makilala sila para makatulong din na maging at ease kaming lahat sa isa’t-isa. One thing that I’ve realized with my time in the industry is to ensure that all my co-workers would like me para mas magaan at masaya ang set at trabaho. Matapos kong malagpasan ang trauma ko sa mga babae noon ay sinikap ko nang makasundo ang lahat kahit na mga assistant at PA ng ibang mga artista kung may pagkakataon.
Nang magsimula muli ang table reading ay naging mas kumportable na ‘ko kay Kiko. Umaasa ko na sa mga susunod na oras at araw ay ang iba naman naming mga kasamahan ang makapalagayan ko ng loob.
Sa party ay mas naging maayos na ang pakikitungo namin ng mga kasamahan ko sa isa’t-isa kahit na may pagkakataong napapaatras ako at napapalayo tuwing mapapadampi ang kamay nila sa braso ko at sa balikat. I tried to act cool lalo na sa harap ni Kiko at parents nito dahil ayokong magkaroon ng bad impression sa’kin ang lahat. Kahit na buong hapon akong kabado at balisa dahil sa mga kasamahan ko ay nakayanan kong maitawid ang party. Doon ko napagdesisyunan na gawing acting job din pati ang pakikisalamuha ko sa kanila sa totoong buhay hangga’t hindi pa ko gumagaling sa bagong phobia ko.
WE shot the movie for three months at sa panahong iyon ay nagpabalik-balik ako muli sa opisina ni Dr. Zavier dahil sa bago ko namang suliranin.
“What do you mean your phobia shifted?” tanong niya sa’kin noong unang bumalik ako sa opisina niya.
"Sa lalaki naman ako ilag ngayon, Doc. Nahihrapan akong makipag-interact sa mga kasamahan ko...”
“Tell me about it, kailan nagsimula ang ganito?”
With the trust that we have established in the past, nasasabi ko na sa kanya ang lahat nang walang pag-aalinlangan.
“Luke, that’s not phobia. You’re confused and your mind is telling you to act like the previous time dahil iyon ang mas madaling excuse.”
“Hindi ko maintindihan, Doc.”
“Soon maiintindihan mo rin kung gugustuhin nang tanggapin ng isip mo kung ano ba talaga ang gusto ng katawan mo.”
“May sakit ba ‘ko ulit?” Mali man ngunit naisip ko na baka ang atraksiyon ko sa same s*x ay dahil sa trauma ko noon.
“Wala naman tayong ma-establish na grounds para sa sitwasyon ngayon. You may be having an identity crisis sa ngayon. Iyon lang ang akmang word na pwede kong masabi sa’yo. Pero believe me, Luke, hindi sakit ‘yan. You just have to dig deep within yourself. Pakiramdaman mo ang sarili mo. Kapag may naisip ka na, balikan mo ‘ko at mag-uusap ulit tayo.”
Walang sinabing diagnosis si Doc Zavier dahil hindi naman daw ito sakit. Hindi rin niya nabanggit kahit isang beses na baka nababakla ako o ano man. That thought was behind my mind all the time. Ang pinakakinakatakot ko sa lahat ay ang makumpirma na kaya hindi ako magkagusto sa babae ay dahil lalaki pala ang gusto ko. Kaya hindi ako kumportable na mapalapit naman sa mga lalaki ngayon ay dahil baka magkatotoo ang hinala ko.
Being gay is not a disease. Kahit alam kong wala namang masama sa pagiging balka, I prefer not to become one. Hindi dahil ayaw ko sa kanila o nandidiri ako. May mga pinaniniwalaan lang ako na gusto kong patuloy na paniwalaan kahit na nagtatalo ang buong pagkatao at isip. Umaasa akong magwawagi pa rin ang determinasyon kong manatili kung ano ang gusto ko sa sarili.