Veinte Cinco

1592 Words
    SA apat na sulok ng office ni Dr. Zavier Delina ako nagpabalik-balik ng ilang linggo at umabot ng ilang buwan hanggang sa isang taon. Ang opisina niyang malamig sa mata. May carpet itong grey at dark grey din ang mahaba at malambot na sofa. May  itim na lazyboy couch sa tabi ng sofa. Mukha itong isang malaking living room. May malaking bintana na kita ang malaking garden ng kanyang bahay. Overall, the room was cozy and warm. Ang indikasyon na lisensiyadong doktor siya ay nasa may sulok ng silid sa gilid ng bintana. Ilang certificates at mga larawan ng umattend siya ng mga pagtitipon ng mga doctor sa ibang bansa.   Noong unang punta ko roon ay hindi ko akalaing may psychotherapy office doon. Nasa sariling bahay ng doktor na may nakahiwalay lang na entrace at exit mula sa labas. May frame din na nakasabit sa dalawang magkatapat na dingding na may tones at undertones na iba’t-ibang shade ng green at blue. Overall ay napaka-pleasing ng buong silid. Mabango rin ang paligid at nakakarelax ang ambiance.   “Be comfortable, Luke.” tugon niya nang siya mismo ang nagbukas ng pintuan ng opisina matapos ipaalam ng gwardiya nila na dumating na ‘ko. Nagkausap na kami sa telepono noong nagpa-appointment ako sa kanya matapos ibigay ng manager ko ang kanyang numero. Ginusto ko na ako mismo ang makipagusap sa kanya para sa appointment. Napagusapan na namin beforehand kung paanong klaseng therapy ang gagawin sa’kin at kung anu-ano ang mga bagay na komportable ako sa mga session na magaganap.   “Good afternoon, Doc.” Matangkad ang doktor at mukhang magkasing-edad sila ni Resty na sampung taon ang tanda sa’kin.   “Let me formally introduce myself. I’m Dr. Zavier Delina, nice to meet you.” Nakipagkamay siya sa’kin at itinuro sa’kin ang mahabang couch upang doon ako maupo, “Kung saan ka kumportable. You may either sit or lie down. Sa sofa o sa lazyboy.   Tumango ako bilang sagot at piniili ang lazy boy couch na mukhang mas nakaka-relax na upuan. Nang komportable na ‘ko sa aking pwesto ay saka lang siya nagtungo sa single chair sa tapat ko.   Nang magsimula na ang session ay ipinaalala niya sa’kin ang napagusapan namin noon sa telepono.   “I know you called me dahil nirefer ako ni Resty. He’s actually a very good friend of mine. Classmate ko siya since elementary hanggang magkahiwalay kami ng course noong college.”   “Nabanggit nga po niya,” nahihiya ko pang sagot. Nabaling ang tingin ko sa bintana. Maraming orkidyas na nakadapo sa trellis sa garden nila Doc Zavier.   “I hope you will eventually trust me kagaya ng tiwala mo kay Resty. Normally, I have to record the conversation for clinical purposes but since you requested not to, I will be just jotting down notes, if you don’t mind?”   “Okay lang po. Salamat.”   Ang nakapagpapayag talaga sa’kin na makipagusap sa doktor ay nang masiguro kong walang recording na magaganap. Alam kong may confidentiality agreement between sa pasyente at doktor ngunit maisip ko pa lang na may nagrerecord ng sinasasabi ko tungkol sa nakaraan ay para na kong pinanghihinaan ng tuhod.   “So, Luke, you came here for something. What made you contact me and come here?” Malumanay ang boses niya. Pormal man ang tanong ngunit sa pinaghalong amoy ng silid, ang nakakarelax na musika at ang pagkakapwesto ko sa couch na iyon ay naaktulong para maging kumportable akong sumagot.   “Napansin ko na parang may kakaiba sa’kin tuwing mapapalapit ako sa mga babae.”   “Ano ang kakaibang bagay na ito?” tanong niya.   “Parang panic attack. Nanlalamig ang buong katawan ko at nanginginig. Kapag madampi ang kamay nila sa’kin ay para kong nanghihina na natatakot.”   “Luke, now close your eyes and tell me about yourself. Simula noong bata ka pa.”   Isinalaysay ko ang buhay ko mula kabataan hanggang sa kasalukuyang panahon.   “I noticed that you didn’t mention any friends o mga naging karelasyon mo.”   “Kaunti lang ang naging kaibigan ko noong elementary at highschool pero marami akong kaibigan sa parokya namin.”   “Sige, isa-isahin natin sila.”   Pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko dahil sa gustong ipagawa ng doktor. Pero alam kong iyon naman talaga ang ipinunta ko doon.   “Sige, just tell me how your life was in highschool.”   Isinalaysay ko na isa lang akong tipikal na estudyante noong highschool. Hindi ako sikat at hindi rin ako matalino. Sakto lang sa lahat ng bagay. Mas active ako noon sa simbahan at sa choir kaya’t natural lang na mas marami akong ka-close doon.   “Masaya ang mga panahon ko sa parokya namin.” Pinal kong sabi. Iniwasan ko pa ring banggitin si Stacey Mae.   “Sa school, may nagustuhan ka ba noon na isang tao na hindi mo lubusang kilala? Crush o first love?”   “Hindi ko siya first love. Hindi ko rin siya crush.” Puno ng emosyon kong pagtanggi. Napatingin ako kay Doc na nakatingin lang sa’kin habang hawak ang ballpen at ang notebook niya.   “Sino siya?”   Nang ilang minuto akong hindi sumasagot ay nagpasiya kaming tapusin na ang session sa araw na iyon.   “Let’s see each other again next week, okay?”   “Sige po, Doc.”   Sa pangatlong session pa ako tuluyang nakapag-open sa kaniya tungkol sa nangyari sa’min ni Stacey Mae at kung paano ang naging buhay ko sa panahong iyon at sa mga sumunod pang taon.   Sa pang-anim na session ay nagbigay na siya ng mga changes na kailangang kong unti-unting magawa sa buhay ko para maging normal na ang lahat. It was a slow process na inabot ng isang taon bago ko tuluyang magawa. Nang mapagtagumpayan ko naman ay umani ako ng maraming blessings.     KABADONG-KABADO ako nang bumaba kami ng kotse ni Resty. Isang red carpet na puno ng reporters ang bumungad sa amin. Hanggang sa makarating kami sa designated seats namin sa Theater kung saan gaganapin ang MMFF Awarding Ceremony ay hindi pa rin ako mapakali.   “Relax, you’re more likely to win kaya sana naghanda ka na ng speech mo.” Tinapik ako ni Resty sa braso at pinisil pa ito para pakalmahin ako.   Buong gabi akong hindi nagsasalita at nakangit lang tuwing madadaanan ako ng camera at kakausapin ng mga kakilala sa industriya. Nang sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay ko ay mas tumindi pa ang panlalamig ko at kaba.   “This year’s Best Supporting Actor goes to,” malakas na anunsiyo ng host ng MMFF habang ang mga kamay ko naman ay pinagpapawisan. Maraming taong pumuri sa acting ko sa nakaraan kong pelikula. Ang entry ng Believe Films para sa Film Festival ng taon. Isang taong may anxiety tuwing malalapitan ng mga babae ang role kong iyon. Marahil dahil nangyari sa’kin noon in real life ay mas maging epektibo ang pagganap ko. Alam ko na ang mga emosyon at takot na mararamdaman kaya’t naging maganda ang kinalabasan ng pelikula.   “Lucas Pascual! Congratulations!”   Sa lakas ng palakpakan ay parang nabingi ako. Nang tawagin ang pangalan ko ay binulungan ako kaagad ng manager ko na hanggang sa mga panahong iyon ay ang tangi kong kasama kapag dumadalo sa mga ganoong awards night.   “Congrats! Sabi ko na nga ba, ikaw mananalo,” nakangiti niyang sabi sa’kin. Nagpasalamat ako sa kanya at saka umakyat ng stage. Kung tutuusin ay pangatlong nomination ko na iyon simula nang mapasok ako sa linya ng pag-arte. Tatlong taon mula nang maging modelo ako, at 21 years old ay naging ganap akong aktor. Nakilala ako dahil sa pagkakauha ko as second lead sa isang teleserye sa isang sikat na TV station. It was my ticket to fame. Tatlong taong tumakbo ang teleserye at matapos noon ay nagdagsaan na ang iba pang offers kasama na rin ang movies. Nangyari lang ang lahat ng iyon nang ma-overcome ko ang takot kong lumapit sa mga babae. Ngayong 26 na taong gulang na ‘ko ay marami na ‘kong naipundar para sa’min ni Papa at para sa sarili ko sa walong taon kong pagpasok sa pagmomodelo at pag-aartista. Stable ang career ko at hindi ako nawawalan ng projects. Minsan napapaisip ako kung pumayag akong magkaroon ng ka-love team noon kung mas sikat ba ‘ko ngayon? I preferred to make a name individually as an actor instead of being paired with another person. Bukod sa kakarecover ko lang noon mula sa phobia ko ay hindi ko rin gustong matali lang sa romance na category. Tama ang desisyong iyon dahil mas stable pa ang career ko at hindi nababakante kumpara sa mga sikat na sikat na lead stars.   “Thank you so much to everyone for your love and support. Sa mga Lucanatics, I love you all. Kay God, kay Papa, sa manager ko si Resty, kay Direk Dong...” mahaba man ang mga pinasalamatan ko sa gabing iyon ay walang mas dapat pasalamatan kung hindi ang tumulong sa’kin na marating ang kung ano man ang narating ko, ang doktor na nagtiyagang makinig at magpayo sa’kin para mapagtagumpayan ko ang internal kong laban dahil sa namuong takot dala ng nakaraan.   “Thank you and I offer this award to all my co-stars and crew, ang buong production ng movie. Salamat.”   Nagcelebrate kami ni Resty at mga kasamahan ko sa movie matapos ang gabing iyon. Ako lang at ang direktor namin ang nanalo ng award dahil marami ring magagandang pelikula noong panahong iyon.   What made that night extra memorable for me was when something happened that changed my life.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD