“Are you okay?” Nahinto ako sa pagmumuni-muni. Noon ko napansin na nasa harapan na namin ang tatlong kape na inorder ni Stacey Mae. Sa inuupuan naming couch sa may dulo ng cafe. I must have spaced out.
“I don’t know,” matapat kong sagot.
“Nakabalik na ‘ko galing sa pagkuha ng kape, nakatulala ka pa rin. You didn’t even acknowledge that I said sorry.”
“Ha?”
Nagpalinga-linga siya at saka inilapit ang mukha sa’kin. Instinct ko na yatang lumayo at umiwas sa kanya dahil ganoon ang nangyari.
“I had therapy when I went to the US. I wasn’t well that time. I’m sorry for whatever, Luke. Ito lang talaga ang gusto kong sabihin. I don’t want to talk about this as much as you do.”
Napatitig ako sa mukha niya. I tried to figure out if she was telling the truth or it was just one of her schemes. In all fairness ay mukhang totoo naman ang apologies niya. Sasabihin ko rin ba sa kanya na hindi din ako natahimik dahil sa nangyari? Sasabihin ko rin ba na simula noon ayaw ko nang makipagkaibigan o lumapit sa mga babae?
“Ayaw ko na ring pagusapan. If this is all. Let’s go back.” Patayo na sana ko nang hilahin niya ang kamay ko.
“I destroyed all the evidence, don’t worry. I’ll try to stay away from you as much as possible. Just don’t tell anyone especially Jeston and Resty. Please?”
Sa tingin ko, what made me decide to agree was her last word. Nakiusap siya at hindi nag-utos. Hindi ko alam kung natanggap ko na nga ba ang mga nangyari at kung magkakaroon ng diperensiya sa buhay ko ang apology niya at ang pagkakasundo naming kalimutan ang nakaraan ngunit dahil wala namang sigurado sa mundo, I opted the easiest way out.
“Sige.”
“Salamat.”
Nag-iwas ako ng tingin nang ngumiti siya. It was the smile that made me closer to her noong una kaming magkakilala. Hindi ang ngisi at ngiting ipunupukol niya sa’kin noong nagsimula na siyang magbago ng pakikitungo sa’kin.
“Tara.”
Habang nagshoshooting kami ng mga litrato para sa portfolio ay napagtanto kong kahit ganoon pa rin si Stacey Mae ay marami na ring nagbago. Mukhang masaya siya sa ginagawa niya kaysa noong nasa library siya at nag-aayos ng mga libro. Marahil, iba talaga ang epekto sa tao kapag masaya. Happy people doesn’t want to make others miserable. Iyon lang ang naisip kong dahilan noon kung bakit kailangang pahirapan niya ‘ko at dahil iyon sa nahihirapan din siya.
“It’s a wrap! Mars, I’ll send the photos once we’re done processing them. Asap to pero will still make it perfect. By the way, Luke. Great job! May talento ka sa pagmomodelo. Ibang klase. Sa mata pa lang, panalo na. You even know how to project without my instruction. Parang natural na natural! Amazing!” Pumapalakpak pa si Jeston at naramdaman kong namula ang mukha ko sa hiya dahil sa papuri niya. Nakaupo kaming apat sa round table sa studio niya habang tinitingnan ang mga litratong nakuha. He was scanning through them habang nakaproject sa isang LED screen.
“Thank you. I’m also willing to learn. Kung anong pwede niyo pa na ituro sa’kin para mas maraming makuhang proyekto, susundin ko.” I smiled and they smiled back.
“Kayang-kaya na ni Resty ‘yan. You’re in good hands. Maraming connections si Resty. Kung tutuusin pwede nga ‘yang magtayo ng talent agency niyang sarili.” Pagbibida ni Jeston na mukhang close na close kay Resty.
“Baka maniwala si Luke at mag-expect masyado. Pero totoo ‘yon. We’ll complete this portfolio para mapadala ko sa mga kakilala ko. We could even do go-sees na siguro after ng first commercial mo.”
“Ano nga pala ang details ng commercial na ‘yon?” Humarap ako at bumulong kay Resty. Naalala ko bigla nang mabanggit niya.
“Toothpaste commercial. Alam ko malaking account ‘yon. Hindi lang basta ngipin mo ang kukunan. May story board siya na kita ka mismo sa screen ad."
Napanganga ako sa narinig.
“Wow! Big break kaagad.”
Tumango ang manager ko at ngumiti, “Oo kaya nga pinapagawan ko kaagad ng portfolio. Sigurado after nito marami na pwedeng pag-applyan.”
Matapos noon ay magkasabay kaming umalis ni Resty ng Studio. Iyon din ang huling beses naming nagkita ni Stacey Mae.
Kahit mukhang nailibing na sa limot ang nangyari sa’ming dalawa ay hindi pa rin nagbago ang pananaw ko. Aloof at ilag pa rin ako sa mga babae.
DAHIL sa mga unang taon ko as commercial model ay napaoperahan ko si Papa sa isang ospital sa Singapore. Pinahiram din ako ni Resty ng pera para pangdagdag sa mga gastusin.
I found the answers to my prayers when I met my manager and he introduced me to the world that I am. Hindi naging madali ang paglalakbay ko. Kinailangan kong makisama at makihalubilo sa iba’t-ibang klaseng tao para mapanatili ang sarili sa industriya.
“What do you mean he sexually harassed you?” Galit na galit na tanong ni Resty sa’kin nang bumalik ako mula sa isang Go-See sa isang sikat na fashion line. Doon ko muling naramdaman ang takot na nadama ko noon kay Stacey. Ang pinagkaiba lang ay nasa ibang lugar at panahon kami.
“Kapag hindi raw ako papayag sa gusto niya ay sisirain niya ang career ko.” Nanginginig ang buo kong katawan nang ilahad ko ang lahat sa kanya nang pumunta ko sa opisina niya.
“Sumunod ka?” Nakakunot ang noo niyang tanong.
“Nagpaalam ako nang magalang. Sabi ko kailangan kong umuwi na dahil may emergency sa bahay.”
“Sige. Don’t worry. Akong bahala. May alam akong baho niyang babaeng ‘yan. Hindi ka niya makakanti. Halika na ihahatid kita sa bahay. Magpahinga ka muna. Namumutla ka.”
“Hindi ba masama kung tatanggi tayo?”
“Modelo ang iaapplyan mo. Hindi kita pinadala doon para molestiyahin niyang m******s siya. Isa pa, 20 years old ka lang. 40 na siya. Walang hiyang babaeng ‘yan. Akala ko nagbago na ‘yan dahil nagka-asawa na. m******s pa rin pala. May mga s*x addict talagang hindi nagagamot!”
Napayuko ako at lalong nanlambot ang mga tuhod. Napaisip ako kung lapitin lang ba talaga ako ng mga m******s o wala lang akong bayag para lumaban at tanggihan sila?
“Luke, hinding-hindi kita ibubugaw. Tandaan mo ‘yan. Malaki ang respeto ko sa’yo at hindi ako papayag na mabastos ka ng ganito.” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit napaatras ako.
“Sorry,” bulong ko. He sighed and pulled a chair for me to sit into.
“Halika, maupo ka rito may sasabihin ako sa’yo.”
Sumunod ako sa sinabi niya. Maliit lang ang opisina ni Resty at kulay beige ang theme nito. Mukha lang itong malaki dahil sa malaking salamin sa magkabilang gilid. Kung tutuusin ay mas mukha itong dance studio kaysa opisina.
“Ano ‘yon?” I leaned on the chair and closed my eyes.
“Napansin kong ilag ka sa mga babae. Kapag shooting or pictorials okay ka lang. I mean sa harap ng camera. Pero pagtapos noon bigla kang nawawala o umiiwas. Lagi ka namang magalang at nakangiti sa kanila pero kapag lumalapit na sila bigla kang lumalayo. May problema ba? May kailangan ba ‘kong malaman?”
He was looking at me with concern and curiousity. Gusto kong isipin na alam na niya ang tungkol sa sinapit ko kay Stacey Mae ngunit hindi ko sigurado.
“Wa-la” nauutal kong sagot. Paano niya nalaman na halos mahilo ako at himatayin tuwing mapapalapit ako sa babae? Napansin niya bang bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa takot kapag may babaeng nakatingin sa’kin? Ilang gabi akong nakaharap sa salamin bago ang mga scheduled shooting ko na may kasamang babae para lang masigurong hindi ako tatakbo kapag makatabi ko sila o makasama. Narinig ba niyang nag-uusap ang staff ng huling commercial na na-shoot namin? Palabas na ‘ko noon sa banyo ng venue nang marinig kong may naguusap mula sa restroom ng mga babae na madadaanan ko palabas ng hallway.
“Ang weird ng talent na ‘yon. Madampian lang ng kamay napapaatras na. Alam mo ba kapag nagpapa-make up nga raw kay Dena ‘yon nakapikit lang tapos halos hindi humihinga. Mas bet niyang kay Soraya na bading magpamake-up kahit mas magaling naman si Dena. Bading kaya? Ang gwapo-gwapo pa naman. Nabawasan na naman ang mga kababaihan ng aanakan nila ng magandang lahi.”
“Ah, talaga ba? Akala ko mahiyain o suplado lang. Pero napansin ko nga na parang hindi tumitingin sa babae. Mukhang takot sa babae. Baka ayaw niya ng girls baka nga boys ang gusto?”
Hindi ko na pinansin noon ang usapang iyon dahil wala naman din akong magagawa para mapabulaanan ang sinasabi nila.
“I’ll accept that answer for now, Luke dahil may tiwala ako sa’yo. Sana magtiwala ka rin sa’kin. Limang taon ang kontrata mo sa’kin. We’re on our second year together. Hindi kita mapoprotektahan kung hindi ko alam kung saan ka ba natatakot o saan ba ang problema.”
“Sorry.”
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapaluha. Hindi ko alam kung totoong trauma ba ang nararamdaman ko o natatakot lang akong magtiwala muli sa ibang tao lalo na sa mga babae.
“Luke, may gynophobia ka ba?”
Gynophobia. Fear of women is a type of social anxiety disorder caused by some experiences or factors in their past that they associate with the fear of women. Examples of which are the following: neglectful mother, an abusive encounter with a woman, or chronic social rejection from women.
Alam na alam ko ang salitang iyon dahi ilang beses ko nang inalam kung anong klaseng pakiramdam ba ang mayroon ako ngunit kahit anong isip ko ay iyon lang ang lumalabas. An abusive encounter with a woman may cause gyhophobia.
“I don’t know what you mean,” bulong ko. I’m cornered but I don’t know how to explain or how to tell him what’s happening. Bukod sa natatakot ako ay nahihiya rin akong malaman niya kung ngaano ako kahina.
“Kung ‘yan ang dahilan, Luke. We have to treat this habang hindi ka pa ganoon kasikat. Kung balak mong mag-artista gaya ng lagi nating napaguusapan, kailangang maayos natin ‘to.”
Napasapo ako ng mukha at napayuko. Alam kong marami akong kailangang bayarang utang at ang bahay namin na gusto kong ipaayos para maging kumportable si Papa. Sa edad na beinte taong gulang ay marami akong ipinataw na responsibilidad sa aking balikat. I intend to complete all of them at ang pag-aartista ang magiging kasagutan ng lahat.
Tama si Resty. Kailangang kong tulungan ang sarili ko dahi hindi normal na umiwas sa mga babae. Minsan napapaisip akong baka lalaki ang gusto ko kaya ako nagkakaganito ngunit labag ito sa turo ng simbahan. Lumaki ako sa simbahan at alam ko ang sinasabi sa bibliya. Alam ko ring hinding-hindi matatanggap ng ama ko kung sakaling ganoon ang sitwasyon kaya’t kahit sa panaginip ay hindi ko ineentertain ang ganoong pagiisip.
Wala akong problema sa mga taong iba ang preference sa buhay ngunit hindi ko gustong mag-entertain ng ganoong pakiramdam.
Pag-angat ko ng mukha ay hinarap ko si Resty. “May hindi magandang karanasan ako when I was sixteen. Bago pa ‘yon actually pero natapos din agad. After that, hindi na ‘ko makalapit sa mga babae. Nanginginig ako at parang nagpapanic. Minsan bigla na lang akong nahihilo at bumibilis ang pagpintig ng dibdib.”
“May kaibigan akong Psychoterapist. Okay lang ba na mag-usap kayong dalawa?”
Napapayag niya ‘kong makipagusap sa Therapist. Doon namin napatunayan na totoo ngang mayroon akong Gynophobia.
That meeting opened up a whole new world of opportunities for me. Mga bagay at pangyayari na hindi ko inasahang mangyayari.