HINDI bumuti ang pakiramdam ko kahit matapos ang movie namin nila Kiko. Bagaman naging ka-close ko siya at sa kanya ako mas palagay ang loob, hindi ako naging ganoon kalapit sa iba pa naming kasama. My irrational fear of getting clsoer to men became more intense as I realized how much I desired to see naked torsos and body of men during fashion shoots and runway walks. Kung noon ay normal lang at walang kaso sa’king makakita ng naghuhubad na lalaki lalo na kung nasa Runway kami ay nag-iba ang lahat matapos ang awards night. Nakakaraos lang ako dahil sa pag-iisip na isa lang iyong acting job na kailangan kong matapos at mapagtagumpayan. Mas naging malala pa ang takot ko sa sarili nang dalawang buwan matapos ang successful movie premiere namin nila Kiko na humataw sa takilya

