CHAPTER 5: WHAT EXES DO

2016 Words
“ANG higad na iyon! Wala nang pinagbago. A higad is always and forever a higad! Kuu! Kung bakit ba naman kasi may mga katulad niya pang higad sa mundo!” gigil na sabi ni Nhicanang makalabas sa restaurant. “Normal na kay Clyde ang kabi-kabila ang babae mula ng umalis ka.” Napatingala siya kay Kyle. Nalimutan niya pansamantala na bitbit niya ang lalaking ito. She ignored what he said. “Tumangkad ka yata, Kyle? Uminom ka ba ng Tiki-tiki?” “I’m always tall.” “Dati hanggang tainga mo ako. Ngayon hanggang balikat na lang. Wow! Nakakamangha ang improvement ninyong magkakaibigan, ah! Of course, maliban sa caterpillar na iyon.” Umangat ang isang sulok ng bibig nito. He was handsome alright. Kahit pasarkastiko ang ngiti nito at kadalasan ay walang reaksyon ang mukha. Pero hindi niya ito type. He was cold and his eyes seemed colder now than before. “You’re still affected by him, huh?” Binawi niya ang tingin niya rito. “Hindi, ah! Pakialam ko sa kanya?” “You sound defensive.” “Ang dami mong napapansin. Saan ba tayo kakain?” “Sa bahay ko.” “Ha-ha. Nakakatawa, Kyle. Joker ka na pala ngayon. Akalain mo iyon?” “I’m not kidding. Dadalhin kita sa bahay ko.” Mas lalo siyang nabigla nang akbayan pa siya ng lalaki. Hindi maganda ang pakiramdam niya doon. Para kasing gigilitan siya nito ng leeg anumang oras. Handa na siyang sumigaw ng saklolo nang biglang may magsalita sa likuran nila. “Kyle.” Sabay silang napalingon ni Kyle dito. It was the caterpillar. “You’re following us, Clyde?” “Just a word with Nhica Marae, 'tol.” Nakatingin ito sa braso ni Kyle na nakasampay sa balikat niya. “Harassing a woman again, aren’t we?” “Just the women I knew. Besides, it’s fine with her. Right, Nhica?” Pinisil ni Kyle ang balikat niya. It was like he was silently asking her to agree with him. Kung ano man ang iniisip nito, wala siyang reklamo doon. Mukha namang pabor iyon sa kanya. “Right. Wala namang masama rito.” Hinawakan niya pa ang kamay ni Kyle at hinigpitan ang pagkakaakbay nito sa kanya. “Nasaan na nga pala ang babae mo?” Hindi niya alam kung ano ang hindi nagustuhan nito kaya nawala ang ngiti sa mga labi nito. Ang ginawa ba niya o ang disgust sa huling sinabi niya? “Pinauna ko na sa kotse. About that. I just want to ask, may problema ka ba sa amin ni Sofia?” sabi nito. “Wala naman akong problema sa inyo. Ipinagtatanggol ko lang ang karapatang pantao ng mga kumakain sa restaurant na iyon na nakakita at maaaring makakita sa paglalaplapan ninyo. Nakakasuka kasi talaga. Nakakaawa naman sila kung walang magbabawal sa inyo. I’m also concerned sa business nina Donita at—” “Are you jealous?” “Jeal—” Tumawa siya ng malakas. Ang kapal talaga ng muscle nito para itanong iyon. “My gosh! Iyan ang pinakanakakatawang joke na narinig ko. Kyle, ang galing talagang magpatawa ng kaibigan mo, ano?” Nagkibit-balikat lang ang tinanong niya. “That’s not an answer to my question,” wika ni Clyde. Parang napipikon na ito sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa. “I’m not,” pagdidiin niya. “May tanong ka pa ba? Magla-lunch pa kami ni Kyle ngayon sa bahay niya. Ano nga palang makakain sa bahay mo, Kyle?” “Depende. Ano bang gusto mo?” “Adobo. Ipagluluto mo ako?” “Hindi marunong magluto si Kyle.” “E di, ako na lang ang magluluto. Walang problema doon, Cortez.” Pagak na tumawa ang binata. “You just saw Kyle for less than five minutes and you’re already flirting with him. Tapos ako pa ang masasabihan mo ng caterpillar. Where’s the justice?” Gusto nang magpanting ng mga tainga niya. At ito pa ang may ganang ungkatin ang salitang hustisya matapos nitong makipaghalikan kanina ng live sa harapan niya? Hindi man lang nito isinaalang-alang na dati siya nitong karelasyon at kung gaano ka-awkward sa kanya ang tagpong iyon! “Nasa talampakan ko. Nagkakape. Kung wala ka nang ibang sasabihin at itatanong, mauna na kami. Scusa.” “Fine! Enjoy your lunch,” nauubusan ng pasensyang sabi nito. Walang kangiti-ngiting tumalikod ito papunta sa isang dilaw na Porsche 911 Cabriolet convertible na eleganteng nakaparada sa parking lot na iyon. Nagngitngit ang kalooban niya nang matanaw doon ang higad na babae nito. Pinasibad nito ang sasakyan paalis doon. “Congratulations for pissing him off.” Saka lang siya binitiwan ni Kyle. Huminga siya ng malalim para payapain ang dibdib. She flipped her colored blue-violet hair. Masama pa rin ang tingin niya sa daan. “Malay ko bang pikon siya? Ang galing mo rin doon, ah. Natural na natural ang pagka-poker face mo.” “Thanks.” Iginiya siya nito sa itim na BMW big bike nito. “It’s not a compliment.” “Whatever.” “Anyway, pwedeng huwag na tayong pumunta sa bahay mo. Ihatid mo na lang ako sa mall. Parang gusto kong tikman ang lahat ng pagkain sa food court.” Nagkibit lang ito ng balikat. *-*-* “WELL, well. Look who’s here!” Nilingon ni Nhica ang matangkad na lalaking tumabi sa kanya sa tapat ng receptionist. Agad na napasimangot siya nang makita ang nakangising si Clyde. Ano’ng ginagawa mong kumag ka dito? “Hi!” Parang nang-aasar pang bati nito. Ibinaling niya ang mukha sa receptionist na nakatunganga at nakanganga kay Clyde. Pinigilan niyang mapataas ang isang kilay niya. Obvious na obvious sa namumulang mga pisngi nito ang pagkahumaling sa binata. Pinukpok niya ang mesa para maagaw ang atensyon nito. Inosenteng nginitian niya ito nang bumaling sa kanya. “So, can I reserve a table for four this coming Friday night?” “Uhh…” Tila spellbound pa ang babae na ipinilig ang ulo at tumingin sa reservations ng restaurant na iyon sa isang five star hotel. “Eh, M-ma’am, occupied po ang lahat ng mesa that night. Sorry po. Kung gusto niyo po ay sa ibang araw na lang—” “What’s with Friday night?” tanong ni Clyde sa kanya. “None of your business.” “Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin sa nangyari sa restaurant noong nakaraang araw?” Pasarkastikong tumawa siya at hinarap ito. “Bakit, ano bang meron noon?” Nagkibit-balikat ito. “You know what. Kung hindi iyon ang dahilan… ano?” Hindi niya ito pinansin. Bumaling siya sa receptionist na palipat-lipat ang tingin sa kanila. “Sige, Miss, salamat na lang.” “Okay po, Ma’am.” Paalis na siya nang magsalita si Clyde. “Cancel one reservation and give it to her.” Napataas ang kilay niya. Palibhasa gwapo ito at sikat, gagamitin nito iyon para makapag-utos sa babae? Hindi yata tama iyon. “Ah, eh… sige po, Sir.” Sumunod naman kaagad ang babae. Dinampot nito ang telepono. “Hindi, Miss. Okay lang. Nakakahiya naman sa naunang nagpa-reserve. Marami pa namang ibang hotel.” “Exactly. Marami pang ibang hotel kaya pwede silang magpa-reserve sa iba.” “Will you shut up, Clyde?” Hindi niya alam kung bakit napasinghap ang receptionist. Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa kanya. Idolo talaga ata nito ang lalaking ito. “Gugustuhin mo pa bang mahirapan kakahanap ng ibang hotel?” Clyde was just smiling at her like he was so glad to see her there. Tila unti-unting nilulusaw ng ngiting iyon ang init ng ulo niya. Which is bad. Dahil siguro doon kaya mas naging defensive siya. “Ano bang pakialam mo? Ako naman ang mahihirapan. Hindi ikaw.” “Paano ba iyan, ayokong nahihirapan ka.” Bumanat na naman ito. Buti na lang at mas matalino na siya ngayon. “Woah, Cortez! Ibahin mo ako, 'dre. I won’t fall for that crap.” “Crap?” Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. His smile faded. “So, kapag ako ang nagsabi niyon, ‘crap’ para sa iyo pero kapag ang ibang lalaki, ayos lang? You’re being unfair to me, Concepcion.” There was something in his voice that made her feel guilty. Pinagtakpan niya iyon ng galit na tinig. “O, e, ano? At least bago pa lang na sinasabihan nila ako niyon.” Bumaling siya sa receptionist na nakatunganga pa rin sa kanila. “Miss, huwag mong sundin ang lalaking ito. Okay lang talaga sa akin na hindi makapag-reserve dito.” “Eh, Ma’am…” Tumingin ito kay Clyde na tila hinihingi ang permiso nito. Uminit lang tuloy ang ulo niya. Ang nagagawa nga naman ng magandang mukha, oo! “Miss, ako ang customer, ako ang sundin mo.” “Nhica Marae, why don’t you just accept it?” “Dahil…” Bakit nga ba? Dahil binanggit nito ang buong pangalan niya? Dahil inis siya dito? Masyadong immature ang dahilan na iyon. Kung tutuusin ay malaking pabor ang ibinibigay nito sa kanya. Isa sa pinakasikat na hotel at restaurant sa bansa ang lugar na iyon. She want the best for her brother’s celebration for graduating Law. Pero kasi… “Huwag mong isipin na magkakaroon ka ng utang na loob sa akin.” Natumbok nito ang iniisip niya. “Consider this as my gift for Jace’s graduation. He’s been a friend and like a brother to me.” “Paano mong…” Pero wala na sa kanya ang pansin nito dahil nasa receptionist na iyon. “Ipangalan mo kay Nhica Marae Concepcion ang isa sa mga table.” “Yes, Sir.” Hindi na siya umalma nang gawin nito ang pinag-uutos ng binata. Tutal hindi naman dahil sa kanya kaya nito iyon ginagawa. Bakit, ano bang akala mo? Na para sa iyo? Para makapagpapansin sa iyo? Pwe! Naniwala ka naman kaagad sa sinabi niya na ayaw ka niyang mahirapan. Aaah! Nakakainis! “Thank you,” walang amor na pasasalamat niya kay Clyde. “Welcome.” He smiled that boyish smile that once caught her attention. And my heart. Letse! Inirapan niya ito at tinalikuran. Pero nakasunod pa rin pala ito sa kanya. “Just one question." “Ang dami mong tanong.” “Bakit table for four ang pinapa-reserve mo? Tatlo lang kayo sa family, right?” Dahil tinulungan naman siya nitong magkaroon ng reservation doon, sige, sasagutin na niya ito ng matino. “Kasama namin ang kapatid mo.” Naging mag-best friends kasi ang mga kapatid nila noong naging sila. “Oh.” Lumawak ng ngiti nito. “Kilua, Charlize’s boyfriend is out of the country nga pala kaya pagala-gala siya ngayon. I bet she referred you to this resto?” “Yes.” Sinulyapan niya ito. Para itong ewan na nakangiti na tila galak na galak sa sarili. “Ako din may tanong.” “Anything. Sasagutin ko ng buong puso, atay at balun-balunan iyan.” “Sa iyo ba ang hotel na ito?” Kung makapag-utos kasi kanina ay parang may karapatan itong gawin iyon at hindi lang dahil gwapo at sikat ito. Besides, why would Charlize recommend this hotel if not? Dapat ay nagduda na siya doon pa lang. Hotel and Restaurant business kasi ang negosyo ng pamilya nito. “You didn’t know?” So, it was his afterall. Hindi lang pala ito abala sa pagpapasikat, abala din ito sa negosyo. “I wonder, why Charlize didn’t tell you that. Ah! Kung nalaman mo nga pala ay baka hindi ka pumunta dito.” Tumpak! “May sasakyan ka ba, Nhica Marae? Hatid na kita.” At sasakay siya sa pinagsakyan nito sa babae nito noong nakaraang araw? “Kahit hindi na.” “Come on. For old times’ sake.” “No. Thank you.” Hinarap niya ito. “At huwag ka ring feeling close masyado. Hindi tayo close. Noon siguro, oo. Pero ngayon, I would like us to treat each other like strangers.” “Why?” “Because that was what exes do.” At baka mahulog lang ulit ang puso ko sa 'yo, kumag ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD