Chapter 6: VISITORS

1799 Words
“NHICA?” Napakurap siya nang may tumapik sa balikat niya. She was sitting alone in that food court sipping her milk tea. Napatingala siya sa dalawang taong nakatayo sa gilid niya, partikular sa tumapik sa kanya. Hindi niya malilimutan ang maamong mukha na iyon. Napangiti siya. “Sean?” “So, it’s you after all. Long time no see!” maganda ang pagkakangiting sabi ng kaibigan niya noong college na si Sean Navarro. Tumayo siya at sabik na niyakap ito. Napakatangkad na nito ngayon at mas lumapad ang mga balikat. Gumanda rin ang pangangatawan nito sa mga nakalipas na taon. He was still wearing his glasses though. “Narito rin ako, Nhica,” wika naman ni Krizhia na siyang nasa likuran ni Sean. Ex girlfriend ito ni Aser. The high school's rocker princess. Naging close lang sila nito noong college nang maging sila ni Clyde. All of the Rebel Slam members’ girlfriends at that time were friends. Muntik na niya itong hindi makilala sa pagkawala ng heavy eyeliners nito. Blonde na rin ang buhok nito. Kung hindi niya lang ito nakita ng nakaraang gabi sa t.v. ay hindi niya talaga ito makikilala ngayon. Napag-alaman niya na isa na itong successful na news anchor. “It’s so nice to see you again, guys!” Niyakap niya rin ito. “Naikwento ka ni Donita sa akin, Krizhia. Engaged ka na raw?” “Yes, I am.” Proud na ipinakita nito ang singsing sa daliri. “Wow! Congrats!” “But not with Aser,” sabat ni Sean. Natawa lang ito ng sibatin ito ng masamang tingin ni Krizhia. Naupo ang dalawa sa harapan niya. “Are you alone, Nhica?” “Oo. Naisipan ko lang gumala. Boring kasi sa bahay.” At saka nakukulele na ang tainga niya sa mommy niya at kapatid na ang bukang-bibig palagi ay si Clyde at kung kailan sila magkakabalikan. She told them it was impossible but they kept on insisting. Nang malaman ng mga ito na wala siyang naging boyfriend sa Italy ay ibinuyo na ng mga ito sa kanya ang binata. Hindi ba alam ng mga ito na may girlfriend na ang gunggong na iyon? “Kayo? Bakit magkasama kayo?” dagdag niya pa. Narinig niya kay Jazmine noon na nag-break sina Aser at Krizhia months after she left. Tinatawagan kasi siya nito noon para kumustahin. Sa lahat ng girlfriend ng Rebel Slam members, si Jazmine lang ang nag-reach out sa kanya after her broke up with Clyde. Allyza was also asking about her, according to Jazmine. Kaya naman nang makarating sa kanya ang nangyari sa dalaga ay grabe rin ang pagluluksa niya. “Ako, kakatapos lang ng assignment ko d’yan sa parking lot ng mall. May nagbugbugan kasi riyan na nauwi sa saksakan nitong umaga lang. Ako ang nakatoka sa flash report at nagbalita ng kaganapan,” wika ni Krizhia. “Pumasok lang ako dito sa mall para magpahinga at kumain. Natisod ko itong si Sean na kakagaling sa appointment niya. Lumaking workaholic itong kumpare natin.” “Busy lang talaga sa trabaho,” pagtatanggol ni Sean sa sarili. His warm smile never faded. “How are you, Nhica? Kamakailan lang ay si Donita naman ang na-meet namin ni Krizhia dito sa mall.” “I’m fine, thank you. Nakakuha ako ng dalawang linggong bakasyon sa trabaho. P-in-ush ko talagang makauwi ngayon dahil sa graduation ni Jace this week.” “Dalawang linggo lang? Isn’t that too short?” “It’s just enough, Krizhia. Si Jace lang naman ang inuwi ko dito. Besides, tambak din ang trabaho ko sa ibang bansa.” “Bakit hindi ka na lang dito magtrabaho? Mas malapit pa sa family mo. Kyle’s firm will welcome you.” Tulad din ng suhestiyon ni Krizhia ang suhestiyon ni Donita. “Ayoko. Mababa ang peso. Mag-i-stick na lang ako sa Italy.” “Hala. Paano na si Clyde niyan?” nakangising sabi ni Krizhia. “Baka magwala iyon kapag nalaman na pinagpalit mo ang abs niya sa euro.” Pabirong umirap siya rito. Deep inside ay naaasar talaga siya. Hanggang dito ba naman ay pangalan pa rin ng lalaking iyon ang maririnig niya? “Ano namang pakialam ko sa kanya?” “Sila Grendle at Donita, nagkabalikan na. Ikaw at si Clyde, kailan kayo magkakabalikan?” “Like you and Aser?” singit ni Sean. Krizhia rolled her eyes. “May fiance na ako, 'no.” “Do you really love him?” “Oo naman! Ano bang klaseng tanong iyan, Sean? Para kang si Irene at Donita. Maka-limampung ulit nang itinanong sa akin iyan. Anyway...” Krizhia turned to her. “So, paano na kayo ni Clyde?” “Aren’t you going to ask if Nhica already had a boyfriend first, Krizhia?” “Kung may boyfriend si Nhica, kasama niya dito iyon ngayon. Am I right, Nhica?” Napabuntong-hininga siya. Hindi pala siya basta-basta makakaligtas sa issue na iyon. “Wala pa akong boyfriend.” Nagningning ang mga mata ng ni Krizhia. Mabilis na bumawi siya. “Pero hindi ibig sabihin niyon ay pwede na kami ni Clyde. Sandamakmak kaya ang babae ng higad na iyon.” Nang maalala ang pakikipaghalikan nito sa harapan niya ay nabuwisit na naman siya. Hindi man lang nito isinaalang-alang ang nakaraan nila! “Higad?” Sean laughed. “So, you met him, huh?” “Oo. Two times na. Na-meet ko rin ang rebels. Successful na pala ang mga kulugong iyon ngayon.” As if, she didn’t know it! She was reading Philippines entertainment news on the internet and she was updated about the band. Pero syempre, mamamatay muna siya bago aminin iyon. “Clyde became a cassanova again when you two broke up. He really loved you, you know,” seryosong sabi ni Sean. “He was hurt. Ang pambababae lang ang naiisip niyang paraan para makalimutan ka.” “Hindi excuse ang break up namin para makapambabae siya.” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa iniinom na milk tea. Alam na alam talaga ni Sean ang sasabihin para magulo ang isipan at damdamin niya. “Ang sabihin mo, nasa dugo na niya talaga iyon.” “Bakit nga ba kayo nag-break, Nhica?” tanong ni Krizhia. “The time you broke up, Clyde was spouting about you not being contented of everything. Na ayaw mo ng tulong niya. Na mali ang iniisip mo na may babae siya. Ano ba talaga? Medyo magulo rin ang taong iyon, eh.” Marahil ay naroon ito nang mag-break sila ni Clyde kaya alam nito iyon. Sabagay, mag-on pa ito at si Aser ng mga panahong iyon. “All of the above.” Hindi na niya ito itinama sa speculations nito. Totoo naman ang mga sinabi nito, maliban sa iniisip niya na may babae ito. Alam niya kung gaano ka-loyal si Clyde noon sa kanya at sa relasyon nila. “Mas maganda nang ibaon na lang sa limot iyon dahil nakaraan na iyon. Hindi na rin naman kami affected sa isa’t isa ngayon.” Yeah. Mas maganda ngang ibaon na lang lahat iyon sa limot. She thought of Clyde being so friendly with her like nothing happened in the past. That they didn’t hurt each other. Especially her hurting him. Aaminin niya sa sarili niya na medyo affected pa siya dahil sa pagkailang niyang nararamdaman tuwing makikita ito. Pero normal lang naman siguro iyon dahil bago sila nagkahiwalay ay totoong minahal niya ito. Ngayon ba ay hindi na? Ipinilig niya ang ulo para alisin ang katanungang iyon sa isipan. “Hindi nga ba?” Sean asked, measuring her with his warm, keen brown eyes. Just like when they were in college, those eyes felt like it could look deep into one’s soul. Hindi siya mapakali sa tingin na iyon kaya nag-iwas siya ng mga mata. “Oo naman!” Napailing-iling si Krizhia. “At least, Donita wasn’t denying that she still loves Grendle.” “If you’re insinuating that I still have feelings for Clyde, you’re wrong. Tapos na ang lahat sa amin.” Tapos na nga ba? Wala na nga ba? She shut the voice on her mind. Ayaw niyang guluhin ang tahimik na mundo niya. Sasagot pa sana si Krizhia nang magsalita si Sean. “Let her be, Krizhia. Not all relationships can be fixed again. Right, Nhica?” Nakakaunawang tiningnan siya nito. Right there and then, parang gusto niyang umatungal ng iyak at magsumbong kay Sean. Pero pinigil niya ang sarili niya. Baka i-advice nito na makipagmabutihan ulit siya kay Clyde. Na buhayin ang posibilidad na maging sila nga ulit. Hindi pa siya ready doon. At sa sakit na pwedeng idulot niyon. At tila nauunawaan nito iyon. She smiled at him gratefully. --*-- GABI na ng makauwi si Nhica sa pagliliwaliw niya sa mall. Saglit lang niyang nakasama sina Sean at Krizhia. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na ang mga ito. Mukha talagang busy na sa buhay ang mga kaibigan niya ngayon. Nang umalis ang mga ito ay nanuod pa siya ng sine, magtagal lang siya sa labas. Nagulat siya nang pagbaba sa taxi ay may naabuta siyang itim na van sa labas ng gate nila. Sino naman kayang bisita nila ngayong gabi? She walked inside their gate and saw the lights open in their garden as well as the whole first floor of their house. Her forehead knotted. Ngayon niya lang ulit nakitang maliwanag ang garden at bahay nila. She felt nostalgic. Noong buhay pa ang daddy niya ay palaging bukas ang ilaw sa garden. He liked looking at it especially when he was thinking deeply at night. Bukas rin palagi ang ilaw sa buong first floor noon dahil hanggang gabing nasa study room nito ang daddy niya. Sabi ng mommy niya ay para raw hindi mahirapang maglakad ang daddy niya sa ibang parte ng first floor, lalo na sa kusina… Nang mawala ito ay tila napunding bumbilya na ang mga iyon. She felt a pang in her heart. Napakaraming taon na ang lumipas pero masakit pa rin ang pagpanaw nito. Pumasok siya sa kabahayan. Sa pinto pa lang ay dinig na niya ang halakhakan ng mga tao sa loob. Nagmadali siyang pumasok para makita kung sino ang mga nasa living room. Her mother and brother were sitting on the single seater sofa. Charle was also in there sitting in the long sofa. Babaeng-babae na ito ngayon kumpara noon. Beside her sat the middle-aged man and woman. Nakilala niya kaagad ang mga ito. Hindi halos nagbago ang itsura ng mga ito sa nakalipas na mga taon. Napangiti siya at mabilis na lumapit para batiin ang mga ito… Pero napahinto rin kaagad nang makita kung sino ang isa pang taong naroon na nakaupo lang sa couch. It was Clyde. And his family was also here. Bakit naroon ang mga ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD