“O, narito na pala si Nhica.” Bago pa man makaurong si Nhica at makapagtago sa kung saan ay napansin na siya ng kanyang ina na si Yvette Concepcion. Maluwang ang pagkakangiti nitong nakatingin sa kanya. All eyes in the living room turned to her. Mas lalo siyang hindi nakakilos para tumakas. “Nhica! It’s been a long time.” Cynthia, Clyde’s stepmother stood up and embraced her. Naging close sila nito noong naging sila ni Clyde. “Kamusta ka na, hija? Charlize told us that you have returned. Noong isang araw pa namin gustong dumalaw ni Claudio pero masyadong busy sa island.” Pinilit niyang ngumiti at umakto ng normal. “I’m good, Tita Cynthia. Kayo po?” “Never better.” “Nhica Marae Concepcion,” bati sa kanya ni Don Claudio Cortez na nasa likuran na ni Cynthia. Kinamayan siya nito. “

