“SIRA-ULO ka ba?” ang unang namutawi sa mga labi ni Nhica sa huling sinabi ni Clyde. “Is that a pick-up line?” He was smiling widely and his eyes were tantalizing. “No.” Ngali-ngaling sipain niya ito. “Huwag mo nang idamay si daddy dito. We’re not going to end up together.” “Why not?” “You already have a girlfriend, right?” Ang impaktong 'to! “Si Samantha? We broke up.” Lalong nalukot ang mukha niya. “I believe her name was Sofia.” “Oh, right.” Natigilan pa ito na tila inaalalang mabuti ang totoong pangalan ng huling nobya nito. So, may iba pa pala bukod sa nakilala niya noong isang araw? Napailing-iling siya. “I don’t have time for this bullshit, Clyde. I’m busy with my life. Huwag ka nang dumagdag sa sakit ng ulo ko.” “Napakagwapo ko namang sakit sa ulo.” He flashed h

