NAGKAKASAYAHAN sa mesa nila pero hindi magawang mag-enjoy ni Nhica. Paano ba naman kasi ay katabi niya lang si Clyde. Actually, kanina pa ito nakadikit sa kanya. It was Jace’s graduation. Matapos ang ceremony ay tumuloy sila sa hotel na pinagpa-reserve-an niya noong nakaraang araw. Ang hotel na pagmamay-ari pala ni Clyde. Dumalo sa graduation si Charlize at Donna. Pero si Charlize na lang ang nakasama sa kanila doon dahil mukhang nagtalo si Donna at ang kapatid niya. Isa pa si Clyde sa nakidalo. Late itong dumating at nagulat na lang siya nang kalagitnaan ng graduation ceremony ay katabi na niya ito. Nag-apologize pa ito dahil napatagal daw ito sa gig ng banda nito. As if she cared about it. Mula doon, hindi na siya nito nilubayan. Ang table nilang good for four persons ay naging p

