MATAGAL nag-ring sa kabilang linya bago kumunekta ang tawag. “Hello?” Muntik nang hindi marinig ni Nhica ang boses ni Kyle sa malakas na tilian sa background. “Kyle? Si Nhica Marae Concepcion ito.” Binuo na niya ang pangalan niya at baka hindi siya nito makilala kaagad. She didn’t give him her number. Basta na lang nito binigay ang numero nito sa kanya at sinabihan siya na tawagan ito. “Nhica,” bati nito sa monotone na boses nito. “Napatawag ka?” “May itatanong lang sana ako. Wrong timing ba? Are you in the middle of your gig?” “Yeah. But we have a few minutes rest before we play again. I can entertain your question—” Hindi na niya narinig ang ibang sinasabi nito nang magtilian ang mga fans ng banda. “Kyle? Kyle!” tawag niya rito. Nag-aalala siya na baka pagpatayan siya ni

