“ARE you now going to tell me what happened?” Hindi nilingon ni Nhica ang katabing si Kyle. Nakatulala lang siya sa dagat. Medyo maliwanag na kaya kita niya banayad na paggalaw ng tubig at ang mga maliliit na alon. Nakaupo sila sa isa sa mga open cottage. Hindi niya namalayang inakay siya nito papunta roon. Ngayong nahimasmasan siya ay hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa nakitang tagpo kanina. Sobrang sakit sa umpisa pero nahalinhinan iyon ng pagkamanhid. Marahil ay nabigla lang siya sa nakita at sa pamilyar na kirot sa puso niya kaya siya napaiyak. At sa lahat ng tao na maiiyakan niya at dadamay sa kanya ay si Kyle pa, na nasa kahuli-hulihan ng listahan niya noon, ang nasa tabi niya ngayon. Sabagay, mabuti nang dito siya napaiyak at hindi sa pamilya niya o kay Ch

