LYSANDER POINT OF VIEW Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sofa habang pinagmamasdan si Coraline na walang pakialam na kinakalikot ang mga libro sa shelf ko. Wala siyang hiya. Kung sino-sino na lang yata ang iniinspeksyon sa buhay ko nang walang pahintulot. "Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa," sabi niya habang hinahaplos ang spine ng isang makapal na libro. Tumingin ako sa kanya, nagtataka. "Ano naman ang iniisip mong libangan ko? Mangolekta ng mga problema?" Ngumisi siya. "Hindi. Pero mas mukhang workaholic ka kaysa sa mahilig magbasa ng—" Kinuha niya ang isang libro at binasa ang pamagat. "—Shakespeare? Wow. May pagka-romantic ka rin pala, Mr. Lysander." Napairap ako. "Huwag mong lagyan ng ibang kahulugan. Hindi ko binabasa 'yan dahil sa romance. Classic literature ang mga '

