LYSANDER POINT OF VIEW Pagdating ng umaga, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Kahit anong pilit kong ibaon sa limot, patuloy akong ginugulo ng imaheng iyon—si Coraline, nanginginig, pilit tinatakpan ang sarili habang nakayakap ako sa kanya. Ang takot sa mukha ni Hazel nang makita ang galit ko. Napabuntong-hininga ako. Hindi ako dapat naapektuhan nang ganito. Pagkababa ko ng hagdan, agad akong dumiretso sa dining area. Tahimik akong naupo at sinimulang pagmasdan ang tasa ng kape sa harapan ko. Wala akong ganang kumain. “Oo nga pala, Sir,” biglang sabi ni Owen, na hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala. “May meeting kayo mamaya tungkol sa project sa MontCorp.” “Alam ko.” Napansin kong saglit siyang nag-alinlangan bago muling nagsalita. “At tungkol kay Hazel—” “Wag mo n

