CAROLINE'S POV Matapos ang nakakabaliw na gabing iyon sa business event, umuwi kaming tatlo—ako, si Lysander, at si Owen—na parang galing sa giyera. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sa ginawa kong pagkakamali, pero ang alam ko lang, hindi ko na uulitin ang pagsama sa ganung klase ng event. Ever. Pero hindi pa diyan natatapos ang kwento ko. Kinabukasan, nagdesisyon akong maglibot sa loob ng Montgomery Corporation. Matagal-tagal na rin akong nasa mansion, kaya naisipan kong bumisita sa opisina ni Lysander at tingnan kung paano siya magtrabaho. Pagdating ko sa building, agad akong sinalubong ng ilang empleyado na tila hindi makapaniwala na naroon ako. "Oh? Miss Caroline?" bulong ng isa sa mga babae sa reception area. "Bihira kang makita dito!" Napakamot ako ng ulo. "Uh... oo n

