CAROLINE'S POV Maaga pa lang, alam ko nang may masamang balak si Hazel. Kitang-kita ko sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa presensya ko sa mansyon, at lalo siyang naiinis tuwing nakikita niyang palaging nasa paligid ko si Lysander. Ngayon, habang nagkakape ako sa veranda, lumapit siya na may nakakalokong ngiti. Here we go... "Caroline," matamis ang boses niya, pero halatang may bahid ng pang-aasar. "Pwede ba kitang makausap sandali?" Napangiti ako ng matipid at tinungga ang kape ko bago tumango. "Hmmm. Depende. Kung tungkol nanaman ‘to kay Lysander, sasabihin ko na agad sa’yo—hindi kita matutulungan, dear." Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya, pero mabilis niyang inayos ang mukha niya. "Hindi. May ibang gusto akong pag-usapan." Tinaasan ko siya ng kilay bago kinawayan ang upuan

