CAROLINE’S POV Tahimik akong sumilip sa siwang ng pinto ng opisina ni Lysander. As usual, nakayuko siya sa kanyang mesa, hindi natinag sa dami ng papel na tinututukan niya. Ang ilaw mula sa kanyang lampshade lang ang nagsisilbing tanglaw sa loob, habang ang iba pang parte ng opisina ay nilamon na ng dilim. Napailing ako. Alas-dos na ng madaling araw pero heto pa rin siya, para bang hindi kailangan ng katawan niya ng pahinga. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong ma-impress sa dedication niya o maawa sa pagiging obsessed niya sa trabaho. Pabuntong-hiningang inayos ko ang tray na dala ko. Isang tasa ng mainit na gatas, ilang piraso ng tinapay, at siyempre, tsokolate. Kailangan niya ng kahit kaunting enerhiya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, iniwasang gumawa ng ingay. Pinagmasdan ko

