LYSANDER POINT OF VIEW Pagdating ko sa opisina ng mansion, hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Hindi ito dahil sa trabaho—kahit kailan, hindi ako nagkakaroon ng ganitong klaseng irritation dahil lang sa papel o meetings. Pero simula pa kaninang umaga, may kung anong bumabagabag sa akin, at lalo lang itong lumala nang makita kong magkasama na naman sina Owen at Coraline. Mula sa glass wall ng opisina ko sa mansion, tanaw ko kung paano nakatayo si Owen sa tabi ni Coraline habang may binubulong sa kanya. Tumatawa si Coraline, at hindi ko alam kung dahil ba sa biro ni Owen o dahil lang sa natural na makulit ang babaeng iyon. Hindi ko napansin na mahigpit kong hinawakan ang hawakan ng aking upuan hanggang sa maramdaman ko ang paninigas ng aking kamay. Bakit siya tumatawa? At bakit parang

