CAROLINE POINT OF VIEW Simula pa lang ng araw, alam ko nang may mali. Bakit? Simple. Nakaupo ako sa passenger seat ng napakagarang sasakyan, at ang nagmamaneho ay walang iba kundi si Sir Lysander Montgomery—ang taong may galit sa mundo tuwing umaga. “Anong oras matatapos ‘to?” tanong ko, nakasandal sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. Tumaas ang kilay niya habang patuloy sa pagmamaneho. “Hindi pa nagsisimula pero gusto mo nang tapusin?” “Gusto ko lang malaman kung ilang oras akong kailangang umupo nang diretso at magpanggap na may class.” Huminga siya nang malalim, halatang pinipigilan ang inis. “Tatlong oras. Magsilbi kang tahimik sa gilid at huwag kang gagawa ng kahit anong kapalpakan.” Napangiti ako. “Sir, kung ang ibig sabihin mo ay mag-behave, baka mali ang taong sinama

