OWEN POINT OF VIEW Pagdating ko sa MontCorp headquarters, naramdaman ko na agad ang tensyon sa hangin. Alam kong wala pa si Sir Lysander, pero para bang naglalakad na ang anino niya sa hallway. Pati mga empleyado, tahimik. Walang gustong magkamali. Pagpasok ko sa opisina niya, nandun na si Alfred, abala sa pag-aayos ng desk. Tumango siya sa akin at sumulyap sa relo. “Malapit na dumating si Sir,” sabi niya, halatang nagbibilang na ng minuto. Umupo ako sa desk ko sa labas ng opisina ni Sir Lysander. Binuksan ko ang laptop ko at sinimulang tingnan ang schedule niya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko yung mukha ni Sir kagabi. Iba ang iritasyon niya ngayon. Parang mas animated kaysa dati. Nakita ko kung paano siya nagpipigil habang nasa harap ng mga clients. Pero nang

