OWEN POINT OF VIEW Pagdating ko sa mansion ni Sir Lysander, alam ko na. Walang araw na tahimik dito, lalo na’t may bisita si Sir Lysander. Pagbukas pa lang ng pinto, nasalubong ko na si Alfred. Agad siyang sumaludo na parang sundalo, pero may bahid ng awa sa mukha niya. “Owen,” sabi niya, binigyan ako ng sulyap na para bang nagsasabi ng ‘good luck.’ Napahinga ako nang malalim. “Andyan na ba si Sir?” “Tanghali pa lang,” sagot ni Alfred. “At may bisita na siya. Si Hazel Stonehaven.” Muntik na akong mapamura sa narinig ko. “Talaga ba? Hindi ko nakita sa schedule.” “Hindi naman nagpapaschedule si Miss Hazel,” sagot niya. “Basta na lang sumulpot.” Pinaikot ko ang mga mata ko at naglakad papasok. Pagdating ko sa sala, dun ko na nakita ang masamang balita. Nakaupo si Hazel Stonehaven sa

