CAROLINE POINT OF VIEW Dumikit na naman si Hazel kay Sir Lysander. Pangalawang beses na ngayong umaga at hindi ko na alam kung paano pa siya iiwasan. Nakatayo ako sa may gilid ng kusina, hawak ang basahan habang pinagmamasdan kung paano niya sinusubukang sumiksik sa tabi ni boss habang nagkakape. “Oh Lysander, you look so stressed lately. Baka kailangan mo ng company?” sinadyang idikit ni Hazel ang braso niya kay Sir Lysander, pero halatang hindi siya iniintindi ni boss. Umirap ako. Diyos ko. Baka sa susunod, magdala na ng tent ‘to at mag-camping na sa mansion. Walang kaabog-abog na naglakad ako papunta sa gilid ng mesa at kunwa’y nag-punas doon kahit hindi naman madumi. “Ma’am Hazel, gusto mo po ba ng upuan? Para hindi ka masyadong nakakangalay sa paglapit kay Sir?” ngumiti ako, pe

