CAROLINE POINT OF VIEW Nasa garden ako ng mansion, nagdidilig ng mga halaman na tinanim ko nang biglang lumapit si Owen. May nakakalokong ngiti na naman siyang dala kaya alam kong may binabalak na naman ‘tong lalaking ‘to. “Hey, Coraline,” sabi niya, nakapamulsa at nakasandal sa isang poste. “Busy?” Tumingala ako at tinaasan siya ng kilay. “Obviously.” “Huwag ka namang masungit.” Tumawa siya bago nagpatuloy. “I was thinking… let’s have lunch outside today.” Napatigil ako sa ginagawa ko. “Ha?” “Lunch. Outside.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin. “As in, sa labas ng mansion.” Muntik ko siyang pisakin sa hawak kong watering can. “Teka lang, binibigla mo naman ako.” Ngumiti siya, kita ang dimples niya. “Anong masama? We haven’t gone out since forever.” Nag-isip ako saglit. Hindi

