CHAPTER 35.01

1237 Words

CAROLINE POINT OF VIEW Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo sa private booth namin. Ang saya-saya ko pa naman kanina kasi makakalabas na rin ako sa mansion kahit saglit, pero bakit parang… ang bigat ng hangin dito? Si Owen, obviously enjoy na enjoy sa pagsasamantala sa sitwasyon, samantalang si Lysander, parang hindi mapakali sa tabi ko. At ako? Well… ako ‘yung naipit sa dalawang magkaibang mundo. Nang dumating ang pagkain namin, akala ko kahit papaano ay magiging normal na ‘yung lunch namin. Pero hindi pa pala. Habang kumakain kami, nagkukuwento si Owen tungkol sa kung paano niya natutunang mag-drive nung bata pa siya. “…tapos, akala ko madali lang. Pero nung first time kong magmaneho, halos mabangga ko ‘yung pader ng bahay namin. Buti na lang hindi ako napagalitan kasi—”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD