CAROLINE’S POV Pagkatapos naming umorder ng takeout, naupo ako sa tabi ng mesa at napabuntong-hininga. Si Owen ay abala sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina, habang si Lysander naman ay tahimik lang na nakasandal sa upuan. Tahimik lang kaming tatlo habang hinihintay ang delivery. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas, nagsimula na akong mainip. Napatingin ako kay Lysander, na nakapikit na parang nag-iisip nang malalim. Hindi ko alam kung inaantok siya o may tinatago lang siyang plano. Dahil kilala ko na ang isang ‘to, imposibleng wala siyang iniisip. Kaya naman nagdesisyon akong guluhin siya. "Bored ka na?" tanong ko. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata niya at tiningnan ako. "Ikaw ang mukhang bored," sagot niya. "Well, oo naman," sagot ko. "Ang tagal ng delivery, tapos wala

